𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟮Pagkaraan ng isang linggo, naging normal na ang routine namin.Alas-sais, gising. Alas-siyete, breakfast. Pagkatapos, trabaho. At kung minsan, coffee kasama si Adrian.Sa loob lamang ng isang linggo, parang naging pamilyar na sa akin ang bawat sulok ng bahay.Alam ko na kung saan nakalagay ang mga baso, kung anong tasa ang ginagamit niya tuwing umaga, kung saan niya gustong ilagay ang susi niya, at maging kung paano niya gustong ayusin ang mga gamit sa dining table.Alam ko rin kung kailan siya tahimik dahil pagod at kung kailan naman siya tahimik dahil may iniisip.At marahil, masyado ko na siyang napapansin.Hindi na siya kasing lamig noong unang araw.Mas madalas na siyang ngumiti. Mas madalas din niya akong asarin.“Late.”Napatingin ako sa orasan.“Two minutes lang.”“Late pa rin.”“Strict ka talaga.”“Yes.”“At proud ka pa.”“Very.”Napailing ako. “Ang yabang.”Ngumiti siya.“Pero gusto mo.”Natigilan ako.Hindi ko alam kung ano ang isasagot.Tumitig lang ako s
Huling Na-update : 2026-09-04 Magbasa pa