IvyHindi ako nagkaroon ng pagkakataong magtanong kung saan kami pupunta. Pagkapasok pa lang namin sa private elevator ng penthouse, hawak na ni Vlad ang aking kamay—mahigpit, protektado, at tila walang balak na bitawan ito kailanman.Nang bumukas ang pintuan ng elevator sa underground VIP parking, halos mapasinghap ako sa aking nakita. Nakalinya ang tatlong itim na luxury SUVs. Sa gitna ay nakaparada ang isang napakagandang armored Rolls-Royce Phantom. Nakatayo sa tabi nito ang apat na lalaking naka-suit, armado at may earpieces, na sabay-sabay na yumukod nang lumabas si Vlad."Good morning, Don Vladimir," sabay-sabay nilang bati nang may matinding takot at respeto.Pinagbuksan ako ni Asher ng pinto ng Rolls-Royce. Pumasok ako at lumubog sa napakalambot na custom leather seats. Sumunod si Vlad sa tabi ko, at sa isang hudyat lang ng kaniyang kamay, umandar ang convoy. Dalawang escort vehicles sa harap at likod, na tila ba isang presidente o hari ang itinatakbo sa gitna ng trapiko."Ma
Last Updated : 2026-09-14 Read more