Hannah's POV: Alas kwatro natatapos ang training ko dito sa TESDA, at dahil alas singko pa naman magsasara ang library, ay tumambay muna ako dito. Pag-alis ko dito ay kina Mandy naman ako didiretso para makitambay. Habang nasa kasagsagan ako ng pagbabasa, ay bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Binalewala ko 'yun hanggang sa makalipas ang mahigit tatlumpung minuto, ay may bigla na lang sumugd dito. "Naku! Ang taas na ng tubig sa labas! Baha na! Baka maya-maya lang ay maging lagpas-tao na!" Nagpanic agad ang mga nandito sa library, habang agad akong sumilip sa bintana. Sa labas ay nakita kong kulay tsokolate na ang kalsada. Taranta kong tinawagan si Nanay. "Hello, nay, sunduin n'yo po ako. Stranded na po ako dito dahil sa biglaang pagtaas ng tubig." "O, e, anong gagawin ko? Akala mo naman may magagawa ako. Pareho lang tayong hindi marunong lumangoy, no." Walang pakialam na sagot niya.
Última actualización : 2026-09-26 Leer más