Napatitig na lang ako sa kanya. Hawak ni nanay ang kamay niya habang hinihipan niya ang paso nito. Mukhang nakatagpo ng matinong lalaki ang nanay ko, ah? Pinandilatan ako ni nanay. "Sa susunod ikaw na ang gagawa ng mga gawain dito lalo na kung walang pasok, ha? Dito man lang sana sa bahay, e, mapakinabangan ka." "Heidi, ayos lang naman sa akin ang mag-asikaso dito. Wala naman akong ginagawa, eh. Hayaan mong makapag-aral ang anak mo, balita ko ay naghahanda daw sya para sa exam n'ya." Bumaling sa akin si Tito Kaius. "Tama ba, Hannah?" Yumuko ako. "O-opo." Matapos kumain ay nagkusa akong magligpit ng pinagkainan, at baka matalakan na naman ako ni nanay. Si Tito Kaius na kasi ang nagluto. "Ako na ang bahala dito..." Halos mabitawan ko ang platong hawak ko nang biglang sumulpot sa tabi ko si Tito Kaius, bahagya kasi n'ya akong nabangga. Inagaw n'ya ang platong hawak ko. "Sige na Hannah, mag-review ka na. Galingan mo para makapasa ka, ha?" Halos mapangiti ako sa konsiderasyon n'ya.
Last Updated : 2026-09-22 Read more