Bago pa man tuluyang mabuksan ang pinto ng eksklusibong silid, isang pamilyar at napakalanding boses ang malakas na pumailanlang mula sa labas ng gusali."Theo!"Ang boses na iyon...Napasingkit ang mga mata ni Althea habang naninigas ang kaniyang buong katawan. Bakit parang boses ng nakababatang kapatid ni Joaquin na si Clara Valdemere ang naririnig niya?Sa tuwing maglalambing, magpapasikat, o may gustong makuha ang spolied na batang iyon, ganoong-ganoo ang kaniyang tono—malambot, pabebe, at tila walang anumang kasalanan sa mundo. Sa unang tingin, aakalain ng sinumang hindi nakakakilala sa kaniya na isa siyang napakabait, napakalinis, at napakaamong dalaga mula sa buena pamilya. Pero sa katunayan, isa siyang tunay na pasaway, maarte, at napakasamang mag-ugali kapag hindi nakukuha ang gusto."Miss Valdemere," ang malamig at pormal na boses naman ni Theo ang sumagot mula sa labas ng pintuan.Sabi na nga ba! Si Clara Valdemere nga!Biglang napaigtad si Althea sa kaniyang kinaroroonan.
Last Updated : 2026-09-20 Read more