Chapter:23MASUYONG pinagmamasdan ni John Carlo ang dalagang himbing na himbing ng natutulog sa tabi niya,napangiti siya dahil ang sarap sa pakiramdam na pinagmamasdan mong natutulog ang taong mahal mo.And for him this is the best feeling that he ever felt.Dinampian niya ng halik ang noo ni Clarissa bago tuluyang pumikit na kayakap ang dalaga."I love you so much sweetie"mahina niyang usal.KINABUKASAN maagang gumising ang binata at tulog na tulog pa rin ang dalaga sa tabi niya,hinaplos ang pisngi nito saka hinalikan sa labi at dahan dahang bumangon sabay tumungo sa bathroom upang maligo.Ilang minuto siyang naligo ng matapos na ay nagbalot ng tuwalya saka lumabas na ng bathroom.Hindi pa rin nagising ang dalaga kaya hinayaan niya na at tumungo sa closet upang kumuha ng damit na kanyang susuutin.Pagkatapos niyang magsuot ng damit ay tiningnan ang sarili sa malaking salamin na naroon ng makitang ayos na ang itsura niya ay lalabas na sana ito pero nahagip ng kanyang mga mata ang isang box
Last Updated : 2026-11-02 Read more