“Go to your room.”Hindi na ako sumagot.Dahan-dahan akong tumayo, pinipilit na manatiling matatag ang tuhod ko. Hindi ako tumingin sa kanya—hindi ko kayang makita ang ekspresyon sa mga mata niya ngayon.Dinampot ko ang damit ko at mabilis na isinuot..Tahimik akong naglakad palabas ng silid.Ang bawat hakbang ko sa mahabang hallway ng mansion ay parang mas mabigat kaysa sa nauna. Walang nagsalita. Walang humarang. Para bang alam ng buong bahay na hindi ako dapat gambalain.Sa wakas, narating ko ang pinto ng kwarto ko.Isinara ko ito.At doon… bumigay ang buong katawan ko.Napahawak ako sa bibig ko habang nanginginig ang balikat ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo, Pagpasok ko, dumuwal ako ng dumuwal, isinandal ko ang likod ko sa malamig na pader.At doon na tuluyang pumatak ang mga luha ko.Tahimik akong umiiyak, pilit pinipigilan ang hikbi. Parang gusto kong hugasan ang lahat—ang pakiramdam, ang alaala, ang bigat na naiwan sa dibdib ko.Binuksan ko ang gripo, hinayaan ang m
Última atualização : 2026-10-09 Ler mais