QUIN DELLAHindi na nagsalita pa ang ginang hanggang sa hapag kainan, tanging ang boses na lang ng asawa ang nangingibabaw, nakaupo sa dulo ng sentrong lamesa, nasa gilid ang asawa katabi si Dante na katapat ko.Si Henrick, katapat naman ang Mommy niya na panay lang ang sulyap sa aming dalawa.Kapansin-pansin din hindi gaano pala-imik ang pinsan niyang panaka-naka na lang kung tumingin pero nahuhuli ko siyang ngumingiti kapag naabutan ko.Tahimik pero halatang sira ulo.Men are always men. All d*ckhead.Hindi ko itinatangi si Henrick dahil naging agresibong malala rin naman noong una makuha lang ang gusto.Ang kaibahan lang, totoong sineryoso niya ako, and he already proved it, sa harap din ng mga magulang ko.And now, he introduced me to his family. His father seems kind and a good man, but her mother? Obviously not.Bumabase sa unang impresyon, matapobre. Kahit saan na lang talaga hindi ba pwedeng walang kontrabida? Nakakasuya."So, kailan ba ang kasal?" ngiting-ngiting tanong ni Ro
Last Updated : 2026-11-17 Read more