Isang buwan matapos kong tanggapin ang alok ng Meridian Global, nagsimula na ang paghahanda ko para sa paglipat sa Singapore. Hindi na bago sa akin ang mag empake ng mga gamit. Ngunit iba ang pakiramdam ko ngayon. Dati, umalis ako upang mag aral at palawakin ang aking kaalaman. Ngayon, lilipat ako upang humawak ng isang malaking international position. Mas malaki ang responsibilidad. Mas marami ang taong umaasa sa aking mga desisyon. At mas malaki rin ang responsibilidad na mag bago ang aking buhay. Sa huling araw ko sa Arca Holdings, naghahanda ang aking team ng simpleng despidida party. May maliit na cake sa conference room at ilang regalo mula sa mga ka trabaho ko. " Hindi ito farewell party, celebration ito ng next chapter mo ma'am Lara " sabi ni Nina. Napangiti ako sa mga tinuran ni Nina sa akin. " Salamat sa inyong lahat team, napasaya ninyo ako ngayon " saad ko sa aking Arca Holdings team. Tumayo si Gabriel at nagsalita ng, " Director Lara Vidalleda salamat
Terakhir Diperbarui : 2026-11-10 Baca selengkapnya