Isang taon na ang lumipas ng magsimula ako bilang Regional Head Of Sustainable Development Strategy sa Meridian Global, Singapore base. Sa loob ng panahong iyon, maraming proyekto ang naisakatuparan. May mga coastal communities na nakinabang sa livelihood program. May mga resort na sumunod sa mas mahigpit na environmental standards at may mga investment proposal na binago upang mas maging makatarungan sa mga lokal na residente. Hindi lahat ay naging madali. May mga pagkakataong kinailangan kong tumanggi sa malalaking investment. May mga taong kumukwestiyon sa aking mga desisyon. May mga gabing halos hindi ako makatulog dahil sa dami ng kailangang ayusin. Ngunit hindi ako sumuko. Isang umaga, nakatanggap ako ng e-mail mula sa board of directors ng Meridian Global. Nais nilang kilalanin ang aking pamumuno sa pamamagitan ng isang bagong appointment. ' Global Vice President for Sustainable Development '. Napatingin ako sa screen ng aking laptop. At ilang ulit kong binasa ang
Last Updated : 2026-11-26 Read more