Napatigil kami ni TJ.Nanlamig ang buong kaluluwa ko."Aba, ang landi ng boses, parang nag-aanyaya ng kidnapping," bulong ni TJ habang tinatapik ang balikat ko. "Sige na, bakla. Good luck sa board meeting ng puso mo. Ipanalo mo ang lahi nating mga minimum wage workers!"Bago pa ako makasagot, tinulak na ako ni TJ palabas ng pantry.Huminga ako nang napakalalim, inayos ang salamin ko, pinatunog ang ballpen ko, at buong tapang na naglakad patungo sa puting pinto ng opisina ng demonyo.Inayos ko ang gray boring blazer ko, pinindot ang latch ng pinto, at pumasok sa VIP Executive Office na para bang walang nangyaring matinding halikan sa loob ng Bentley, walang bulungan sa elevator, at walang nagaganap na gulo sa utak ko.Professionalism, Vanessa. ₱80,000 monthly salary. Think of the 13th month bonus.Nakatayo si Shawn sa tapat ng floor-to-ceiling glass window niya, casually buttoning his suit jacket. Nung marinig niya ang yapak ko, dahan-dahan siyang lumingon. His blue eyes glinted with t
Última atualização : 2026-10-12 Ler mais