Isang hapon, hindi na nakatiis si Celestine. Bitbit ang isang tasang kape na kararating lang, marahas niyang binuksan ang pinto ng VIP room ni Liam."Mr. Valerius, mag-usap tayo," diretsang saad ni Celestine habang nakatayo sa paanan ng kumpas ng kama nito.Tuwang-tuwa si Liam, umayos siya ng upo at akala niya ay bibigay na ang doktora. "Did you like the coffee, Doc? I can have them deliver that premium blend every single day.""Huwag kang mag-aksaya ng pera para padalhan ako ng kung anu-ano," matigas at seryosong tapat ni Celestine sa kaniya. Ang kaniyang mga mata ay tila yelo sa lamig. "Gusto kong malaman mo na bilang isang doktor, trabaho ko ang magligtas ng buhay. Ginawa ko 'yon dahil tungkulin ko, at hindi dahil sa isa kang importanteng tao o dahil ikaw si Liam Valerius. Ang mga regalong ito ay hindi makakapagpabago ng pagtingin ko sa iyo. Kaya pakiusap, itigil mo na ito."Natigilan si Liam. Ang kaniyang pride ay bahagyang nasugatan, ngunit mas nangingibabaw ang matinding pagkali
Última atualização : 2026-10-18 Ler mais