Limang taon ang lumipas.Ang marangyang VIP lounge ng isang eksklusibong golf club sa Tagaytay ay napuno ng tunog ng pag-umpog ng mga baso ng alak. Kakabalik lang ni Liam sa Pilipinas matapos pamunuan ang pinalawak na operasyon ng Valerius Empire sa California. Sa edad na dalawampu't walo, mas naging matikas, malamig, at makapangyarihan ang kaniyang presensya."Man, California really changed you. Mas lalo kang naging mailap," natatawang saad ni Ethan, isa sa mga malapit na kaibigan ni Liam mula sa elitistang bilog ng bansa."I was just busy handling the expansion," sagot ni Liam, bago sumubsub ng lagok sa kaniyang whisky. Napahawak siya nang bahagya sa kaniyang dibdib. Nitong mga nakaraang linggo, may kakaiba siyang nararamdamang kirot doon, dulot marahil ng walang humpay na trabaho sa ibang bansa."Speaking of being busy, you should really get yourself checked, Liam," singit naman ni Mark, isa pa nilang kaibigan. "Kung magpapasuri ka rin lang, dagsain mo na ang pinakasikat na special
Terakhir Diperbarui : 2026-10-18 Baca selengkapnya