"Waaah! Yong apo ko. Mga apo ko!""Ama ng langit! Ling, bilisan mo dyan. Ano ba!" sigaw ni Lola Susana sa labas ng banyo habang naghihintay ay Lola Liling na umihi muna. Kakarating lamang nila sa bahay nang malaman nila mula sa mga katulong na hinatid sa hospital si Abbie dahil manganganak na ito."Teka lang.""Dalian mo kasi.""Tapos na. Tapos na." halos madapa pa sa kakamadali si Lola Liling na lumabas ng banyo.Inikot ni Lola Susana ang mga mata nang makita ang palda ni Lola Liling na nakaipit sa panty nito kaya kitang-kita niya ang panty nitong puti na daig pa ang malaking pampers sa hugis at kulay. Natatawa na lang niya itong ibinaba saka tinulungan ito pababa sa hagdan.------"Abelotte, Abelette, Abelaitte." Napahinga ng malalim si Abbie saka napakagat sa labi para pigilan ang inis na nadarama habang nakatingin sa mga pangalan ng mga anak niya sa nursery room. Inis niyang tiningnan si Josh na nakangiwing nakatingin sa kanya. "P-pasensiya na. S-sina Lola ang...""Hindi. Hindi.
Last Updated : 2026-10-29 Read more