Tirik na ang araw alas diyes pa lang ng umaga. Siksikan nanaman ang mga tao sa Sapphire Public Market. Puno ng mga taong nagkukumahog makabingwit ng sariwang mga gulay at isda. Naghalo rin ang amoy ng bagong lutong maruya, karne, hinog na mangga, at basang karton. Sa pagitan ng mga tindahan, may mga mamimiling nakikipagtawaran at mga tinderong nag-uunahang tawagin ang mga suki.“Ma, let me carry those plastic bags. A woman shouldn’t be carrying heavy stuff.”“Aba, aba! Minamaliit mo ba ang mama?”“No. I’m saying that a man is biologically stronger than a woman, primarily due to differences in muscle mass, body composition, and hormones. It’s just science.”“And biologically, I am much taller and older than you. You are still growing, anak. Let’s not stunt your growth by forcing your tiny body to do so much at a young age, okay?”“But… I’m a man. Manly enough to stay by your side and protect you,” ani Bailey, nakatingala sa kaniyang ina nang may kinang sa mga mata.“O siya, sa iyo ang
Last Updated : 2026-10-28 Read more