LOGINAnim na taong pinalaking mag-isa ng isang ulila at dalagang inang si Tasha Lane ang kaniyang anak na lalaking si Bailey. Isang kahig, isang tuka man ang uri ng pamumuhay, lumaking edukado si Bailey na mayroong pambihirang katalinuhan at interes sa panggagamot at medisina. Iniimbak niya ang kaniyang karunungan—sapat upang maging laging handa para matulungan ang kaniyang inang tila lapitin sa aksidente. “Bailey, saan mo ba natutunan lahat ng 'yan?” Pagtatakang tanong ni Tasha sa kaniyang anak na tutok sa pagpapatak ng betadine sa maliit na hiwa ng kaniyang ina. “Sa books.” “Lahat?” “Mostly. May videos din. But I don’t watch them when you’re around. Sabi mo kasi, baka hindi ako makatulog.” “BAILEY! Hindi naman talaga dapat nanonood ng gano'n ang anim na taong gulang!” “Five ako noong una kong napanood. For educational purposes, ma.” Napapailing na lang palagi si Tasha sapagkat minsan, iniisip niyang may matandang doktor na nakasapi sa katawan ng kaniyang anak. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang pambihirang kakayahan at pagkakahawig ni Bailey sa tinaguriang prodigy at billionaire doctor na si Dr. Kael Reed ang siyang magkokonekta sa kanilang mga buhay at mag-uungkat sa anim na taong lihim na maaaring magpabago sa kanilang kapalaran magpakailanman.
View More“Aray!”
Napabalikwas si Bailey nang kaniyang marinig ang pag-inda ng kaniyang inang si Tasha Lane, kasabay ng kalampag ng mga nagsibasagang bote. Mula sa pagkakaupo at pagbabasa ng bagong hiram niyang librong “How to First Aid” mula sa library, habang naghihintay sa labas ng isang bar, nag-aalala siyang kumaripas papunta sa kaniyang inang nadulas sa likod ng building habang bitbit ang isang buong case ng beer.“Mama!” sigaw ng bata. “Are you okay?” Napalingon si Tasha sa maliit na anim na taong gulang niyang anak, na tumatakbo habang may sukbit na mabigat na bag sa likuran. May salamin itong bahagyang dumudulas sa ilong, maayos na nakatuck-in ang polo sa pantalon, at may ekspresyong para bang siya ang pinakabatang doktor sa isang medical conference.“Oo, anak. Okay lang ang mama—”Napatigil sa pagsasalita si Tasha nang kaniyang subukang tumukod upang makaupo mula sa pagkakabagsak. Napansin ni Bailey ang malubhang pagdurugo ng kanang kamay ng kaniyang ina at inangat ito. Tumambad ang malaking piraso ng bubog na nakabaon sa palad ng kaniyang ina. Hindi mapigilan ni Tasha na mapangiwi sa sakit, ngunit pinipilit niyang ngumiti na parang walang iniinda.“Please don’t move,” ani Bailey habang sinusungkit niya ang baon niyang med kit mula sa maliit niyang asul na backpack.Napakurap si Tasha. “Bailey, anak, hindi ako patient sa hospital.”“Technically, you are a patient with an open wound.”“Technically, anak, may trabaho pa akong tatapusin”“Technically, Ma, your wound is bleeding.”“Technically, ang kulit mo.”“Sit down, ma… So I can extract that big glass out of your palm.” Ngumiti si Bailey. Iyon ang ngiting palaging nagpapatalo kay Tasha. “Fine, Dr. Bailey Lane. I’ll be in your care.”“You’ll always be, ma,” malambing na sagot ng bata.With great precision, maingat na inalis ni Bailey ang bubog gamit ang tiyani na kaniya munang nilinis gamit ang alcohol. Sinuri niyang muli ang sugat upang masigurong walang anumang naiwang nakabaon sa sugat na maaaring makapag sanhi ng impeksyon.“What the hell happened here?”“Ma’am Rica, sorry po. Nadulas po kasi ako,” pagpapaliwanag ni Tasha habang nagmamadali sa pagtayo at pagtago ng kaniyang natamong sugat.“Kaya pala ang ingay. What a mess! Hindi mo ba talaga kayang gawin nang matino ang trabaho mo?”“Lilinisin ko na lang po at ibawas niyo na lang po sa sweldo ko ang damages. Pasensya na po at aksidente po talaga ang nangyari.”“Nagsama ka pa talaga ng bata,” sigaw ng manager ng bar, “Hindi ba’t sinabi ko na bawal ang bata sa work area?”“Wala po kasi akong mapag-iiwana–”“Aba, hindi ko na problema ‘yan! Thank god, I didn’t put such an incompetent woman at the front of the house… Ipapahiya mo lang ako. Argh!”Nagsasalita pa lang si Tasha ay tinalikuran na siya ng kaniyang manager habang padabog na umalis nang hindi man lang pinakikinggan ang side niya. Sanay na siya sa mga masasakit na salita at ganoong pagtrato. Sa mga matang sumusukat sa kaniyang halaga batay sa suot niyang uniporme, sa laman ng kaniyang pitaka, at sa apelyidong wala siyang maipagmamalaki.“It’s okay, ma, pangit talaga ugali no’n… Kasing pangit ng mukha niy—” Tinakpan agad ni Tasha ang bibig ni Bailey na halata pa rin ang pagngisi.“Shh! Baka may makarinig sa ‘yo, ‘nak.” Sabay nagpigil ng tawa ng mag-ina habang magkayakap.“Ituloy ko na nga po ang paggamot sa inyo. May masakit pa po ba sa inyo?” Muling kinuha ng maliliit niyang mga kamay ang braso ng kaniyang ina upang tiyaking wala siyang iba pang galos. Tumakbo si Bailey sa pinaka malapit na gripo, hila hila pa rin ang kaniyang ina.“Mama, kailangan nating hugasan with running water ang sugat mo para matanggal ang germs and kung may naiwan pang bubog o dumi. It’s to avoid infection!” enthusiastic na pagsaad ni Bailey.Sunod naman niyang diniinan ang sugat gamit ang malinis na gasa at saka itinaas ang braso ng kaniyang ina upang mapigilan agad ang pagdurugo. Matapos ay pinahiran niya ito ng antibiotic ointment at saka binalutan ng malinis na bendahe.Hindi takot si Bailey na makakita ng dugo sa kabila ng kaniyang murang edad. Talk of the town din ang batang ito dahil hindi nga naman kapani-paniwala ang lawak ng kaniyang bokabularyo, interes, at pati na ang kaniyang pag-asta. Noong apat na taon pa lamang siya ay inutusan… oo, inutusan niya ang isang nurse sa kalapit na klinika upang turuan siya kung paano mag-perform ng CPR. Noong nakaraang taon naman ay nanghingi siya ng tulong sa kaniyang preschool teacher na may contact sa isang Biology professor sa katabing unibersidad para manghingi ng permiso at patnubay sa laboratoryo nito para mag-dissect ng palaka.Kung ang mga kaedad niya ay nag-e-enjoy sa paglalaro sa palaruan at mga parke, siya naman ay laging laman ng library, matatagpuang nakasalampak sa isang alley kung nasaan ang shelves ng mga nakaayos na medical books. Walang araw na hindi niya dala ang kaniyang asul na backpack, baon ang kaniyang advanced medical textbooks, medical kit, at tubigan. Kaya naman nang masugatan ang kaniyang ina ay lagi siyang handa.“Mama, I will always protect you,” ito ang palaging nasa isipan ni Bailey, maging habang kaniyang ginagamot ang palad ng kaniyang ina.Mababa man ang tingin sa kaniya ng ibang tao, kasabay ng sakit ng injuries niya mula sa pagkakadulas at pagkakabubog, hindi pa rin mapigilan ni Tasha na mapangiti habang nakatingin sa kaniyang anak sa sobrang proud niya.“Ang mahalaga ay napapalaki kita nang tama, anak. Handa akong isuko ang lahat para maibigigay sa ‘yo ang lahat ng magagandang bagay sa mundo at mapabuti ka,” inisip ni Tasha sa kaniyang sarili.Hindi nila napansin ang itim na Rolls-Royce Spectre luxury car na mabagal na dumaan sa kabilang lane. Sa loob ng sasakyan, nakasandal si Dr. Kael Reed sa leather seat habang binabasa ang isang medical report sa kaniyang tablet.Thirty-two. Brilliant. Wealthy beyond imagination.Siya lang naman ang Chief executive ng Reed Medical Group, ang isa sa pinakamalaking pribadong healthcare network sa bansa, at ang pinakabatang surgeon na minsang pinuri sa isang international medical conference dahil sa pambihirang husay sa komplikadong operasyon.Sa Sapphire City, ang apelyidong Reed ay halos katumbas na ng salitang kapangyarihan.Ngunit kahit kayang magpatayo ni Kael ng isang ospital mula sa sarili niyang pera, hindi niya kayang bilhin ang isang gabing payapa ang isip.“Good heavens! Totoo ba ang nakikita ko o namamalikmata lang ako? That boy looks just like you when you were his age, Kael!” excited na tinuro ni Mr. Jon, ang matagal nang butler at personal aide ng pamilya Reed, ang mag-inang busy sa paggamot ng sugat sa tabi ng kalsada mula sa driver’s seat.“Noong ganiyang edad mo rin ay ikaw na ang naggagamot sa sarili mong sugat kapag nadadapa ka, haha! Ganiyang ganiyan din kumunot ang noo mo kapag sobrang focused ka sa ginagawa mo at ayaw mong magpa-istorbo.”Walang imik si Kael sa kabila ng masayang pag-iingay ng kaniyang butler, at tanging mabibigat na hininga lamang ang lumalabas sa kaniyang labi.Sa wakas, inangat ni Kael ang tingin mula sa tablet. Ngunit hindi sa bata lumapat ang kaniyang tingin kundi sa babaeng nakaupo sa tabi nito. Hindi niya maaaninag nang malinaw ang mukha ng babae, at ang tanging napansin niya lamang ay ang payat nitong pangangatawan. Pero nang bahagya itong lumingon, tila may malamig na daliring humaplos sa kaniyang batok.“Am I just tired? Why does that woman seem so utterly familiar?” napailing si Kael sa kaniyang iniisip.“Go home,” utos niya sa kaniyang butler.“But, sir—”“Now.”Bumilis ang takbo ng sasakyan. Hindi na muling lumingon si Kael.Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit, sa isang saglit na pagtanaw, tila may nakalimutan siyang napakahalagang bagay. Isang bagay na maaaring magbago sa buong buhay niya.At hindi niya alam kung bakit ang mukha ng isang estrangherang hindi pa niya nakikilala ay tila nakaukit na sa isang bahagi ng kaniyang alaala.“I think I just need to rest. Right…”“Make way!” pagmamadali ng mga doktor, tulak ang matanda patungong emergency room.“Kindly wait here for the meantime, someone will approach in a bit to ask you some questions.”Magkahawak-kamay na tumayo ang mag-ina sa bukana ng ospital, habang naghihintay. Palingon-lingon naman si Bailey, nagmamasid sa mga pangyayari sa paligid.“Ma, I want to roam around,” paalam nito, “Pretty please?”“Excuse me, are you Ms. Tasha Lane?” tanong ng lumapit na nurse.Hindi pa nakakasagot si Tasha ay bumitaw na si Bailey bago tumakbo at kumaway.“Mama, I'm off!”“Bailey, anak!”“I promise I won't get lost,” sabay kindat ng bata bago kumaripas ng takbo patungo sa sumunod na hallway.Sa kabila ng kaniyang pag-aalala ay kumpiyansa pa rin si Tasha na hindi manggugulo ang kaniyang anak. Alam niya ang kakayanan nito at kung gaano siya kadisiplinado, kaya hinayaan na lamang niya ang anak niyang halatang excited maglibot. First kasi niyang makapasok sa loob ng yaong prestihiyosong ospital.“Uhh, miss, pasens
Tirik na ang araw alas diyes pa lang ng umaga. Siksikan nanaman ang mga tao sa Sapphire Public Market. Puno ng mga taong nagkukumahog makabingwit ng sariwang mga gulay at isda. Naghalo rin ang amoy ng bagong lutong maruya, karne, hinog na mangga, at basang karton. Sa pagitan ng mga tindahan, may mga mamimiling nakikipagtawaran at mga tinderong nag-uunahang tawagin ang mga suki.“Ma, let me carry those plastic bags. A woman shouldn’t be carrying heavy stuff.”“Aba, aba! Minamaliit mo ba ang mama?”“No. I’m saying that a man is biologically stronger than a woman, primarily due to differences in muscle mass, body composition, and hormones. It’s just science.”“And biologically, I am much taller and older than you. You are still growing, anak. Let’s not stunt your growth by forcing your tiny body to do so much at a young age, okay?”“But… I’m a man. Manly enough to stay by your side and protect you,” ani Bailey, nakatingala sa kaniyang ina nang may kinang sa mga mata.“O siya, sa iyo ang
“Hindi mo kailangang ipagkaila. Alam ko naman ang gusto mo.”Madilim ang kwarto. Ang tanging nagpapaliwanag sa silid ay ang kulay kahel na dimmed bedside lamp.Kasing kulay ng apoy ang silid, kasing init din nito ang tensyong nababalot sa dalawa.Mula sa pintuan ay dahan dahang lumapit ang babae. Binalot ng kaniyang anino ang silid, bago isinara nang tuluyan ang pinto. Tumambad ang kaniyang pulang bodycon dress na swak ang pagkakahulma sa balingkinitan niyang pangangatawan.Kasing init ng kulay ng paligid ang namumulang mga pisngi ni Kael. At bago pa siya makapagtanong, lumapit ito habang unti unting nilulugay ang itim at mahaba niyang buhok. Sa bawat hakbang ng babae ay paatras siya nang paatras hanggang sa siya ay mabunggo na sa gilid ng kama, bago siya tuluyang napahiga.Tumatagaktak ang pawis ni Kael. Naglalaban ang init ng kanilang mga katawan at malamig na temperatura ng kanilang air-conditioned room.At nang yumuko ito upang bumulong sa kaniyang tainga, narinig niya ang kaniyan
“Aray!”Napabalikwas si Bailey nang kaniyang marinig ang pag-inda ng kaniyang inang si Tasha Lane, kasabay ng kalampag ng mga nagsibasagang bote. Mula sa pagkakaupo at pagbabasa ng bagong hiram niyang librong “How to First Aid” mula sa library, habang naghihintay sa labas ng isang bar, nag-aalala siyang kumaripas papunta sa kaniyang inang nadulas sa likod ng building habang bitbit ang isang buong case ng beer.“Mama!” sigaw ng bata. “Are you okay?” Napalingon si Tasha sa maliit na anim na taong gulang niyang anak, na tumatakbo habang may sukbit na mabigat na bag sa likuran. May salamin itong bahagyang dumudulas sa ilong, maayos na nakatuck-in ang polo sa pantalon, at may ekspresyong para bang siya ang pinakabatang doktor sa isang medical conference.“Oo, anak. Okay lang ang mama—”Napatigil sa pagsasalita si Tasha nang kaniyang subukang tumukod upang makaupo mula sa pagkakabagsak. Napansin ni Bailey ang malubhang pagdurugo ng kanang kamay ng kaniyang ina at inangat ito. Tumambad ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.