AMBER'S POVNATULALA ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako bingi, tama ang narinig ko. Nakatitig ako sa kanya, walang kahit anong salitang nabuo sa utak ko, at blangko lang ang isip ko habang nakatitig sa kanya. Nakatikom lang ang bibig ko the whole time, still processing everything.Nanginginig pa rin ang katawan ko habang nakasandal sa sofa bilang suporta. Nangangatog na ang mga paa ko, at pakiramdam ko ay matutumba na ako. Sa lakas ba naman ng kaba ko kanina ay parang nabingi na ako. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko, na para bang galing ako sa loob ng refrigerator.Nakatayo lang din si Brixton, walang emosyon ang mga mata. Yumuko ako dahil hindi ko na siya magawang tingnan sa mata. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya, na palagi naman siyang malamig sa akin? I am just his wife on paper."Babe... Please, huwag ka nang magalit kay Amber. Hindi naman niya kasalanan..." Pa-inosente na namang wika ni Anika, sabay kapit sa bisig niya na para bang linta."Don't worry, she won't touch you a
Última actualización : 2026-11-10 Leer más