LOGINTHIRD PERSON POV
As usual, maaga pa rin na gumigising si Amber, upang ipaghanda ang asawa ng agahan. Kahit pangit ang trato nito sa kanya ay handa pa rin siyang pagsilbihan ito. She want to prove him that she can be more than Anika. May ngiti sa labi habang inihanda sa mesa ang smoke salmon with avocado toast, at black coffee. Iyon kasi ang kadalasan na kinakain ni Brixton noon pa noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Marami naman siyang alam tungkol sa pamilya ni Brixton, dahil magkaibigan ang bawat pamilya. Kaya nga niya mas nakilala si Brixton, dahil para na rin siyang lumaki na kasama ito. Kahit hindi naman siya nakikita nito, noon—dahil sa girlfriend pa ng asawa niya ang stepsister niya noon. Alam niya rin ang mga bagay na gusto at ayaw ni Brix, kaya hinahabaan niya ang pasensya. Naiintindihan ni Amber kung saan galing ang galit nito sa kanya. Time will come, Amber will tell him the truth. The truth that Anika was cheating behind his back, and betrayed him. "Good morning, hubby... I prepare your breakfast. Your favorite." May ngiti sa labi na wika ni Amber sa kakababa lang na si Brixton. Huminto si Brixton sa harapan niya, sa harapan ng mesa kung saan nakahanda ang agahan nito. Tiningnan lang ito ni Brixton, na walang ka-ekspresyon ang mukha. "Stop preparing foods from now on. Dahil wala akong balak na kainin ang mga inihanda mo." Malamig ang boses na salita nito. Imbis na malungkot ay mas ngumiti si Amber dito. "Hmmm.. May gusto ka bang kainin? You can tell me, magaling naman akong magluto." "Hindi mo ba maintindihan ang sinabi ko? I already told you that I don't like everything you do. Not your cooking, not your presence." Galit na sigaw nito. Umalis na ito at naiwan na naman mag-isa si Amber sa bahay. One week na silang kasal, at handa pang tiisin ni Amber ang behaviour at ugali nito sa kanya. "Konting tiis pa. Magugustuhan rin ako ni Brixton." Aniya sa sarili na puno ng tiwala. Pero hanggang saan pa kaya ang kaya niyang tiisin? Naghintay nasa labas ng Mansyon ang drayber ni Brixton. Maaga itong dumating sa Mansyon upang sunduin ang Amo niya. Pagpasok nito sa kotse ay may nakahanda ng black coffee, at ang paborito niyang smoke salmon. Bigla nitong naalala ang inihandang agahan ni Amber na hindi niya binalingan ng pansin. Kunot-noo itong nakatitig sa pagkain at kape. "Morning sir. Kumain na lang po muna kayo habang nasa biyahe pa. At habang mainit pa, para mas masarap... " Usal ng drayber. "Hmmm..." Wala ng salita si Brixton, at binuksan ang Tupperware. Nagsimula na siyang kumain, at hindi maitatanggi na nagustuhan niya ito. Nang maubos nito ang pagkain ay inayos na niya ang Tupperware. At nagsimula ng inumin ang black coffee. "Mukhang nagustuhan niyo sir a... Mabuti naman po at nagustuhan ninyo," salita ng drayber. Matagal na rin ang drayber nila, bata pa lang si Brixton ay nandito na si Manong drayber. "Not bad... Bring me one next time. Not tomorrow..." Saad nito. Napangiti ang matanda ng makita na nasa mood na ang Amo. Alam kasi ng Matanda kung ano ang nangyayari sa loob ng Mansyon. Dahil pinakiusapan rin siya ng mga magulang ni Brixton na mag-espiya sa mag-asawa. Kinausap rin ni Amber ang matanda, bago pa magising ang asawa. Dahil alam ni Amber na hindi kakainin ni Brixton ang mga inihanda niya. Kaya pa-sekreto niyang kinausap ang matanda na mag-sinungaling, at sabihin na galing sa asawa ng matanda ang breakfast, pati na rin ang lunch. Gagawin talaga ni Amber ang lahat para dito. Kailangan niyang magpa-impress sa asawa, na capable siya. At mas deserving kaysa kay Anika. Lumipas ang oras at gabi na naman... Nakatanggap ng tawag si Amber mula sa sekretarya ni Brixton na hindi makakauwi. Hindi na siya naghanda ng dinner dahil wala rin naman siyang kasama na kakain. Umakyat na siya sa kanyang kwarto matapos i-sarado ang mga pintuan. Mabigat ang loob na bumagsak sa kama. Hawak niya ang kanyang selpon, at nag-scroll lang. Hindi siya makatulog kaya nakababad siya sa social media ng sa hindi inaasahan nakita niya ang isang litrato ng pamilyar na tao. Nahulog ang cellphone sa kanyang mukha, kaya napa-aray siya. Dahil sa lakas ay natamaan ang ilong niya, dahilan upang dumugo ito. Pero kahit ganun ay kinuha pa rin niya ang cellphone at tiningnan ng maayos kung sino ito. Dumadagundong ang kanyang dibdib, nanginginig ang mga kamay, at halos huminto ang takbo ng oras. Si Brixton, kasama si Anika. "W-why?" Iyon ang lumabas sa bibig ni Amber. Nangingilid ang luha, kasunod ang kanyang paghikbi. Dugo at luha ang kanyang nalasan, kaya tumakbo na lang siya sa banyo upang maghilamos. Huminga siya ng malalim, at inisip na baka nag-usap lang ang dalawa. Alam ng marami na hiwalay na ang dalawa, ngunit walang nakakaalam na kasal na si Brixton sa kanya. Patuloy pa rin na umiiyak si Amber sa banyo, humahagulgol na ito. Nagsimula ng magtanong sa sarili. Samantala, kasama ni Brixton si Anika sa isang event. He just happen to see her at the event. Wala naman sana siyang intensyon na matagal, ngunit pinigilan siya ni Anika. Mag-isa lang din kasi si Anika, kaya sinamahan na lang niya ito. Hindi pa tapos ang event ay nagpasya na ang dalawa na umuwi. Nakainom na rin ang dalawa, pero dahil mas nasa huwisyo si Brixton ay siya na ang nagmamaneho at naghatid kay Anika sa bahay nito. "We are here..." sabi ni Brixton kay Anika na ngayon ay tipsy na. Biglang kumapit si Anika sa bisig nito, dahilan upang magulat. "Why did you not marry me, instead.." usal nito. Halatang lasing na. Natigilan si Brixton. "Hey. You are drunk. Pasok na tayo sa loob, okay." Lumabas si Brixton, at pinagbuksan si Anika. "Bakit ayaw mo akong sagutin? Hmm... Alam kong may kasalanan rin ako, dahil iniwan kita. Pero mahal pa rin kita, Brix. Can you come back to me?" Nagsimula ng lumuha si Anika, kaya nadala na siya rito. Hindi pa rin siya nagsalita. Hindi nito alam kung ano ang isasagot,dahil totoong masama rin ang loob niya dito. Iniwan siya nito nung malaman na may nangyari sa kanila ni Amber. Pero ang totoo ay kasama no Anika ang kapatid ni Brixton sa ibang bansa. Anika left him, for his brother. Dahil mahal ni Anika ang kapatid ng boyfriend niya noon. Three months, bago ang graduation nila. Nang malaman ng pamilya ang nangyari ay nagpasya ang mga itong ikakasal ang dalawa. Pero kapag graduate na sila pareho. Kaya nung graduation ay biglang umalis si Anika sa ibang bansa. Kaya walang nagawa si Brixton, kundi ang magpakasal kay Amber. "Kiss me. Kiss me, Brix. Alam kong mahal mo pa ako e."AMBER'S POVNATULALA ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako bingi, tama ang narinig ko. Nakatitig ako sa kanya, walang kahit anong salitang nabuo sa utak ko, at blangko lang ang isip ko habang nakatitig sa kanya. Nakatikom lang ang bibig ko the whole time, still processing everything.Nanginginig pa rin ang katawan ko habang nakasandal sa sofa bilang suporta. Nangangatog na ang mga paa ko, at pakiramdam ko ay matutumba na ako. Sa lakas ba naman ng kaba ko kanina ay parang nabingi na ako. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko, na para bang galing ako sa loob ng refrigerator.Nakatayo lang din si Brixton, walang emosyon ang mga mata. Yumuko ako dahil hindi ko na siya magawang tingnan sa mata. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya, na palagi naman siyang malamig sa akin? I am just his wife on paper."Babe... Please, huwag ka nang magalit kay Amber. Hindi naman niya kasalanan..." Pa-inosente na namang wika ni Anika, sabay kapit sa bisig niya na para bang linta."Don't worry, she won't touch you a
AMBER'S POV Mabilis na naghiwalay ang dalawa ng makita ako. Ang mga kaibigan naman ni Anika ay nagulat sa Biglaan kung pagdating. Ang kapal ng mga mukha na gumawa dito ng nadugyutan. Tumayo si Anika, halata ang gulat at takot sa itsura niya. So, takot rin pala siya na mahuli. Malaya niyang ginawa ang bagay na 'to sa pagmamahal namin, dahil akala niya ay hindi siya mahuhulisa akto. Kapag itong bidyow, senend ko sa pamilya ko. I don't know na lang kung anong mangyayari sa bruha na 'to. Nasa business trip si Brixton ngayon, tumawag ang sekretarya niya kaya alam ko. Pero hindi ko inaasahan na ito ang madadatnan ko dito sa bahay. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo sa pagmamahal namin, Anika? Pati ba naman dito sa pagmamahal namin mag-asawa, dadalhin mo 'yang basura mong pag-uugali?" Singhal ko sa kanilang lahat. Lumapit naman si Brian kay Anika, at niyakap ito. Sumiksik naman si Anika sa dibdib nito na para bang bata na takot na takot mapagalitan. "Hindi ko alam kung anong nakita niy
AMBER'S POV"Takot ka bang sugurin ko ang kabit mo?" Malamig kong salita, at binawi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Don't call her that." Igting ang pangang usal nito. "Kasalanan ko ba kung bakit siya kabit? Ha? Bakit ayaw mong sisihin ang sarili mo, Brix? Mahal mo ang tao, pero ginawa mong kabit..." Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya at nagmamadali na umakyat.Pagpasok ko sa kwarto ay napasalampak ako sa kama. Humahagulgol na naman ako ng iyak, akala ko ay hindi ako maiiyak kasi ang tapang ko kanina e. Pero hindi ko inaasahan na sasaktan ako physically ni Brix. For the first time, someone slapped me hard. At ang masakit pa dun ay ang taong mahal ko ang gumawa nito."Bakit ganun? Bakit ang saya nila, samantalang ako ay nasasaktan. Ako ang dehado dito e. Pero ako ang nag-sa-suffer.." I laughed at myself—naawa. I think I wasted my years longing to be seen by the man I love. I was foolish, and stubborn. Kinuha ko ang selpon ko at hinanap ang contact ng taong matagal
AMBER'S POV SIMULA nang dumating si ANika dito sa bahay namin mag-asawa ay ginawa niyang imperno ang buhay ko. Kung dati ay ginagawa niya sa akin na apihin ako, ngayon ma domoble pa. Akala niya siguro ay pamamapalayas niya ako sa bahay na ito. At Akala niya siguro katulad ako dati nahinahayaan lang siya sa mga gusto niyang gawin sa akin. Lahat na lang ng pananakot niya sa akin ay hindi gumana, dahil may inilalaban din ako sa kanya na takot siyang malaman ni Brixton. Pilit niya kasing pinapapirma sa akin ang annulment paper. Dumating na kasi ang annulment paper, six day ago. At pnipilit talaga ako ng dalawa na pirmahan 'yon, pero hindi ako bumigay. Kahit isang milyon pa ang ibigay niya sa akin, mas malaki naman ang share na binigay para sa akin ni Mommy. Si Dad kasi ang may hawak nun, at hinding-hindi niya 'yon ibibigay sa akin, kaya kailangan kung gumawa ng paraan para panakot rin sa kanila. Ngayon na may ebidensya na ako kay Anika, kulang na lang kung paano ko siya mapapaami
AMBER'S POVSimula nang magsagutan kami ay tatlong araw nang hindi umuuwi si Brixton sa bahay. Hindi ko maiwasang matakot, at kung ano-ano na lang ang sumasagi sa utak ko. Paano kung kay Anika siya umuuwi sa tatlong araw na 'yon? Paano kung may lihim na silang relasyon at nagkabalikan na?Totoong nakakatakot na ang taong mahal mo ay bumalik sa taong mahal niya. Kasal kami sa papel, pero ang mahal niya ay hindi ako.Gabi-gabi na lang akong umiiyak habang hinihintay ang kanyang pag-uwi. Kahit i-message ko ang sekretarya niya ay hindi rin ito sumasagot sa akin. Nakailang tawag at message na ako kay Brixton, pero ini-ignore niya lang din ako. Nakakabaliw.Am I obsessed with him? I hate this. I don't want this kind of feeling. I don't want it.I clutched my chest again dahil sumasakit na naman ito. For five years, I never stopped loving Brix. I stayed loyal and remained a virgin just for him.Nasasabihan na ako ng mga kaibigan ko na ang tanga ko, at tama nga sila. Ang tanga ko pagdating sa
AMBER'S POVPaulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang litrato na naka-post sa social media ni Anika. Nasasaktan ako, nagseselos, at natatakot sa posibleng mangyari. Kaya pala sinabi ng sekretarya niya na hindi siya makakauwi, dahil paniguradong kay Anika siya uuwi.Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko habang patuloy na umaagos ang mga luhang hindi ko mapigilang tumulo. Nakailang malalim na akong paghinga, ngunit hindi pa rin napapagod ang mga mata ko sa pag-iyak.Napahagulgol na ako at hindi ko na talaga mapigilang umiyak nang malakas dahil kung hindi ko ito gagawin ay baka mawalan na ako ng malay dito sa kuwarto. Ayaw ko namang mangyari 'yon. Paano na lang kung mamatay ako, 'di ba? Walang makaka-rescue sa akin...Tanging pag-iyak lang ang magagawa ko dahil ayaw namang basahin ni Brixton ang mga mensahe ko. Oo, agad akong nag-chat sa kanya nang makita ko ang post ni Anika. Pero hindi naman niya sineen ang chats ko."Siguro ang saya nila ngayon... After months of parting ways, ngayon







