LOGINAMBER'S POV
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang litrato na naka-post sa social media ni Anika. Nasasaktan ako, nagseselos, at natatakot sa posibleng mangyari. Kaya pala sinabi ng sekretarya niya na hindi siya makakauwi, dahil paniguradong kay Anika siya uuwi. Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko habang patuloy na umaagos ang mga luhang hindi ko mapigilang tumulo. Nakailang malalim na akong paghinga, ngunit hindi pa rin napapagod ang mga mata ko sa pag-iyak. Napahagulgol na ako at hindi ko na talaga mapigilang umiyak nang malakas dahil kung hindi ko ito gagawin ay baka mawalan na ako ng malay dito sa kuwarto. Ayaw ko namang mangyari 'yon. Paano na lang kung mamatay ako, 'di ba? Walang makaka-rescue sa akin... Tanging pag-iyak lang ang magagawa ko dahil ayaw namang basahin ni Brixton ang mga mensahe ko. Oo, agad akong nag-chat sa kanya nang makita ko ang post ni Anika. Pero hindi naman niya sineen ang chats ko. "Siguro ang saya nila ngayon... After months of parting ways, ngayon magkasama na sila. Kung alam mo lang, Brix, kung paano ka lokohin ng babaeng kinababaliwan mo." Kumuha ako ng wine at uminom nang mag-isa sa balkonahe. Suot ko ang nightgown ko. Mag-isa lang ako sa kuwarto dahil magkaiba naman ang kuwarto namin ni Brix. Kasi nga ayaw niya sa akin. Masaya ako na nakasal ako sa kanya, pero hindi naman ako umaasa na magiging masaya siya sa akin. Kaya gusto kong gawin ang lahat para sa kanya dahil mahal ko siya. Para na akong mababaliw kakaisip sa kanilang dalawa ngayon. Sinong hindi mababaliw kung ang kasama ng asawa mo ay ang first love niya na kailanman ay hindi niya nakakalimutan? At galit pa siya sa akin. "Kung makikipaghiwalay siya sa akin, hmm... Kamatayan na lang talaga ang makapaghihiwalay sa atin, Brix." Inubos ko ang dalawang bote ng wine at bumalik na sa loob ng kuwarto ko. Nakaramdam na ako ng hilo kaya agad na akong humiga sa kama. Akala ko ay makakatulog na ako, pero nakakainis dahil sila na naman ang dalawa sa utak ko. "Shitttt... Pwede bang lumayas na kayo sa utak ko?" Anas ko at pinagbabato ang mga unan. "Mahal na mahal lang talaga kita, Brix, kaya ako nasasaktan nang ganito." Tanging hikbi ko na lang ang ingay na maririnig mula sa kuwarto ko. Mga hikbing kay sakit sa dibdib. "Kailan mo ba ako mapapansin, Brix?" ____________ KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa malakas na katok sa p***o. Nagulat ako kaya napabangon ako mula sa kama, na mapungay pa ang mga mata. Pagbukas ko ng p***o ay bumungad sa akin ang galit na hitsura ni Brix. Suot pa rin nito ang damit na suot niya kahapon. So, magkasama nga sila buong gabi. Nakaramdam agad ako ng kirot at yumuko. Ayaw kong umiyak sa harapan niya. "Ano ang sinabi mo kay Anika kagabi?" Galit na tanong nito sabay hawak sa braso ko nang kay higpit. "Aray! Ano ba ang pinagsasabi mo?" Nasasaktan kong sabi. "You chatted her and called her mistress. Huwag ka ngang magmangmangan, Amber. Halata namang galit ka sa kanya dahil magkasama kami, pero wala kang karapatang tawagin siyang kabit." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Bitawan mo nga ako! At pwede ba, paki-check naman nang maayos kung sa akin ba talaga galing ang mensaheng 'yon? O gawa-gawa na naman niya para magmukha na naman siyang kaawa-awa?" Mahaba kong sabi sabay bawi sa braso ko at itinulak siya. Namumula ang braso ko, at nang makita niya 'yon ay biglang nawala ang galit sa mukha niya, pero agad din itong bumalik sa dati. Switch mode lang. "Stop lying." Sabay turo niya sa akin. Tumalikod ako upang kunin ang cellphone ko. "Where are you going?" Pigil niya sa akin at hinawakan ulit ang braso ko. "Pwede ba, bitawan mo muna ako? Kukunin ko lang ang cellphone ko para ipakita sa'yo kung ano ang sinasabi mong loko ka!" Nag-iinit na rin ang dugo ko sa kanya. Pumasok ako sa loob at hinanap ang cellphone ko. Nang makita ko 'yon ay agad kong binuksan sa harapan niya mismo. "Tingnan mo nang maayos kung maayos pa 'yang mga mata mong kupal ka. Basahin mo kung ano ang mensahe ko sa kanya. Hindi naman ako nag-chat sa kanya kagabi dahil ikaw ang chinat ko, hayop ka!" Natigilan siya at palipat-lipat ng tingin sa akin at sa cellphone ko. Ang sarap na sana ng tulog ko, at inaantok pa ako, pero gigisingin ka lang dahil sa gagang Anika na 'yon. Weakness ko si Brix. Mahal ko, oo, pero gago, hindi ako kupal. Tanga lang ako sa pag-ibig, pero kung gaguhin ako at gagawan ng kuwento... Ay, lintik lang ang walang ganti. "Ano? May sinabi ba ako sa kanya? Wala naman, ah. Aminin kong nakita ko ang post niya, pero hindi ako nag-react o nag-comment, at hinding-hindi ako nag-message sa kanya." Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita. Huminga siya nang malalim at saka ibinalik sa akin ang cellphone ko. Akala ko ay okay na at maniniwala siya sa akin na hindi ako ang nagsabi no'n kay Anika. "What if you deleted it last night after you sent it to her?" Natampal ko ang noo ko dahil sa sinabi niya, na ikinagulat niya. "What the fuck..." gulat niyang sambit. "I will video call her right now." "What? Why would you do that?" "Because I am innocent, Brix. Mahal kita, oo, pero kung gagaguhin n'yo ako at pagbibintangan sa ganitong bagay o ano pa man, pasensyahan na lang tayo." Mukhang natigilan siya at napalunok. "Fine. Let's stop it here. Don't disturb her," he said and left. "BRIXTON!" Sigaw ko dahil sa inis. "Kapag talaga nalaman mo kung ano ang ginawa ng Anika mo na 'yan, I am not sure if you will forgive her." I said, not sure if he heard me. "Your Anika cheated on you back then with your brother.” Isasara ko na sana ang pintuan ng may kamay na pumigil dito. "What did you just say?” "Wala naman, Brix. Ano ba sabi ko?” I said, teasing him. Hindi pa oras para malaman mo, Brix. Kapag nakuha ko na ang share ko, sasabihin ko sa'yo ang lahat-lahat. Kung hindi lang ako tinakot ni Anika tungkol sa share ko sa kayamanan ni Dad, hindi ako magtitiis ng ganito. Pero kung sobra na… Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananahimik.AMBER'S POVNATULALA ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako bingi, tama ang narinig ko. Nakatitig ako sa kanya, walang kahit anong salitang nabuo sa utak ko, at blangko lang ang isip ko habang nakatitig sa kanya. Nakatikom lang ang bibig ko the whole time, still processing everything.Nanginginig pa rin ang katawan ko habang nakasandal sa sofa bilang suporta. Nangangatog na ang mga paa ko, at pakiramdam ko ay matutumba na ako. Sa lakas ba naman ng kaba ko kanina ay parang nabingi na ako. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko, na para bang galing ako sa loob ng refrigerator.Nakatayo lang din si Brixton, walang emosyon ang mga mata. Yumuko ako dahil hindi ko na siya magawang tingnan sa mata. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya, na palagi naman siyang malamig sa akin? I am just his wife on paper."Babe... Please, huwag ka nang magalit kay Amber. Hindi naman niya kasalanan..." Pa-inosente na namang wika ni Anika, sabay kapit sa bisig niya na para bang linta."Don't worry, she won't touch you a
AMBER'S POV Mabilis na naghiwalay ang dalawa ng makita ako. Ang mga kaibigan naman ni Anika ay nagulat sa Biglaan kung pagdating. Ang kapal ng mga mukha na gumawa dito ng nadugyutan. Tumayo si Anika, halata ang gulat at takot sa itsura niya. So, takot rin pala siya na mahuli. Malaya niyang ginawa ang bagay na 'to sa pagmamahal namin, dahil akala niya ay hindi siya mahuhulisa akto. Kapag itong bidyow, senend ko sa pamilya ko. I don't know na lang kung anong mangyayari sa bruha na 'to. Nasa business trip si Brixton ngayon, tumawag ang sekretarya niya kaya alam ko. Pero hindi ko inaasahan na ito ang madadatnan ko dito sa bahay. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo sa pagmamahal namin, Anika? Pati ba naman dito sa pagmamahal namin mag-asawa, dadalhin mo 'yang basura mong pag-uugali?" Singhal ko sa kanilang lahat. Lumapit naman si Brian kay Anika, at niyakap ito. Sumiksik naman si Anika sa dibdib nito na para bang bata na takot na takot mapagalitan. "Hindi ko alam kung anong nakita niy
AMBER'S POV"Takot ka bang sugurin ko ang kabit mo?" Malamig kong salita, at binawi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Don't call her that." Igting ang pangang usal nito. "Kasalanan ko ba kung bakit siya kabit? Ha? Bakit ayaw mong sisihin ang sarili mo, Brix? Mahal mo ang tao, pero ginawa mong kabit..." Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya at nagmamadali na umakyat.Pagpasok ko sa kwarto ay napasalampak ako sa kama. Humahagulgol na naman ako ng iyak, akala ko ay hindi ako maiiyak kasi ang tapang ko kanina e. Pero hindi ko inaasahan na sasaktan ako physically ni Brix. For the first time, someone slapped me hard. At ang masakit pa dun ay ang taong mahal ko ang gumawa nito."Bakit ganun? Bakit ang saya nila, samantalang ako ay nasasaktan. Ako ang dehado dito e. Pero ako ang nag-sa-suffer.." I laughed at myself—naawa. I think I wasted my years longing to be seen by the man I love. I was foolish, and stubborn. Kinuha ko ang selpon ko at hinanap ang contact ng taong matagal
AMBER'S POV SIMULA nang dumating si ANika dito sa bahay namin mag-asawa ay ginawa niyang imperno ang buhay ko. Kung dati ay ginagawa niya sa akin na apihin ako, ngayon ma domoble pa. Akala niya siguro ay pamamapalayas niya ako sa bahay na ito. At Akala niya siguro katulad ako dati nahinahayaan lang siya sa mga gusto niyang gawin sa akin. Lahat na lang ng pananakot niya sa akin ay hindi gumana, dahil may inilalaban din ako sa kanya na takot siyang malaman ni Brixton. Pilit niya kasing pinapapirma sa akin ang annulment paper. Dumating na kasi ang annulment paper, six day ago. At pnipilit talaga ako ng dalawa na pirmahan 'yon, pero hindi ako bumigay. Kahit isang milyon pa ang ibigay niya sa akin, mas malaki naman ang share na binigay para sa akin ni Mommy. Si Dad kasi ang may hawak nun, at hinding-hindi niya 'yon ibibigay sa akin, kaya kailangan kung gumawa ng paraan para panakot rin sa kanila. Ngayon na may ebidensya na ako kay Anika, kulang na lang kung paano ko siya mapapaami
AMBER'S POVSimula nang magsagutan kami ay tatlong araw nang hindi umuuwi si Brixton sa bahay. Hindi ko maiwasang matakot, at kung ano-ano na lang ang sumasagi sa utak ko. Paano kung kay Anika siya umuuwi sa tatlong araw na 'yon? Paano kung may lihim na silang relasyon at nagkabalikan na?Totoong nakakatakot na ang taong mahal mo ay bumalik sa taong mahal niya. Kasal kami sa papel, pero ang mahal niya ay hindi ako.Gabi-gabi na lang akong umiiyak habang hinihintay ang kanyang pag-uwi. Kahit i-message ko ang sekretarya niya ay hindi rin ito sumasagot sa akin. Nakailang tawag at message na ako kay Brixton, pero ini-ignore niya lang din ako. Nakakabaliw.Am I obsessed with him? I hate this. I don't want this kind of feeling. I don't want it.I clutched my chest again dahil sumasakit na naman ito. For five years, I never stopped loving Brix. I stayed loyal and remained a virgin just for him.Nasasabihan na ako ng mga kaibigan ko na ang tanga ko, at tama nga sila. Ang tanga ko pagdating sa
AMBER'S POVPaulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang litrato na naka-post sa social media ni Anika. Nasasaktan ako, nagseselos, at natatakot sa posibleng mangyari. Kaya pala sinabi ng sekretarya niya na hindi siya makakauwi, dahil paniguradong kay Anika siya uuwi.Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko habang patuloy na umaagos ang mga luhang hindi ko mapigilang tumulo. Nakailang malalim na akong paghinga, ngunit hindi pa rin napapagod ang mga mata ko sa pag-iyak.Napahagulgol na ako at hindi ko na talaga mapigilang umiyak nang malakas dahil kung hindi ko ito gagawin ay baka mawalan na ako ng malay dito sa kuwarto. Ayaw ko namang mangyari 'yon. Paano na lang kung mamatay ako, 'di ba? Walang makaka-rescue sa akin...Tanging pag-iyak lang ang magagawa ko dahil ayaw namang basahin ni Brixton ang mga mensahe ko. Oo, agad akong nag-chat sa kanya nang makita ko ang post ni Anika. Pero hindi naman niya sineen ang chats ko."Siguro ang saya nila ngayon... After months of parting ways, ngayon







