"Sir, hindi po pumayag ang kabilang panig sa bagong kondisyon ng kontrata."Hindi man lang nag-angat ng tingin si Liam Hamilton mula sa dokumentong hawak niya."Then tell them we have other options.""Pero, sir, sila po ang pinakamalaking kompanya sa proyekto.""At ako ang may-ari ng perang kailangan nila. Ano ang hindi mo naiintindihan?"Napayuko ang kaniyang assistant."Pasensiya na po, sir.""Next time, make sure you come to me with solutions, not problems."Tumayo si Liam at inayos ang manggas ng kaniyang mamahaling amerikana. Tatlumpu't dalawang taong gulang, half-American at half-Filipino, at tagapagmana ng isang napakalaking negosyo na itinayo ng kaniyang pamilya. Lumaki siya sa Amerika ngunit madalas bumisita sa Pilipinas dahil sa kaniyang ina.Marunong siyang mag-Filipino, bagama't mas komportable siyang magsalita ng Ingles.Matalino siya, mapagmataas, at may ugaling hindi basta-basta napapakiusapan. Hindi siya sanay maghintay at lalong hindi siya sanay na may tumatanggi sa k
Last Updated : 2026-11-04 Read more