ログインI Accidentally Fell in Love with a Dalaga from 1892 Written by: Katie Alcos Si Liam Hamilton ay isang bilyonaryong halos nasa kaniya na ang lahat—napakalaking kayamanan, matagumpay na negosyo, marangyang pamumuhay, at kagwapuhang hindi maikakaila. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, isa siyang mayabang, mapag-utos, at sanay na sinusunod ang bawat gusto niya. Hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang magdala sa kaniya sa taong 1892. Bigla siyang napunta sa panahong walang cellphone, walang internet, walang makabagong teknolohiya, at higit sa lahat, walang nakakakilala sa kaniya. Ang kaniyang bilyon-bilyong yaman ay wala ring silbi sa panahong hindi pa umiiral ang perang ginagamit niya. Doon niya nakilala si Liwayway Panganiban, isang magandang dalagang Pilipina na mahinhin sa pananalita ngunit palaban kapag kinakailangan. Hindi tulad ng mga babaeng nakasanayan ni Liam, hindi siya madaling humanga sa itsura o kayamanan nito. Sa katunayan, para sa kaniya, isa lamang itong mayabang at walang modo na dayuhan! Sa kagustuhang maunawaan ang kaniyang kalagayan, nakilala ni Liam si Dr. Jose Rizal, ang tanging taong nakakaintindi at nakakausap niya gamit ang wikang Ingles. Sa gitna ng nakatutuwang banggaan ng dalawang magkaibang panahon, hindi namalayan ni Liam na unti-unti na siyang nahuhulog sa babaeng palaging sumusubok sa kaniyang pasensya. Dumating siya sa nakaraan upang makabalik sa hinaharap. Pero paano kung ang babaeng natagpuan niya sa nakaraan ang maging dahilan kung bakit ayaw na niyang bumalik? Dahil paano mo pipiliin ang kinabukasan kung ang puso mo ay naiwan na sa nakaraan?
もっと見るAlas-singko pa lamang ng umaga ay gising na si Liam.Hindi dahil masipag siya.Kundi dahil hindi siya makatulog nang maayos sa manipis na kutson na para bang may nakatagong mga bato sa ilalim nito.Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame.“Good morning, 1892. I hate you already.”Bumangon siya at inayos ang damit na binili niya kahapon. Tiningnan niya ang sarili sa maliit na salamin.Hindi na siya mukhang bilyonaryong CEO.Mas mukha na siyang lalaking naghahanap ng trabaho sa palengke.“Isang piso kada araw,” bulong niya. “Sa dati kong kumpanya, baka iyon pa lang ang bayad sa kape ng empleyado ko.”Napailing siya at kinuha ang maliit na supot ng mga gamit niya. Sinilip din niya ang cellphone. Nasa mahigit kalahati pa ang baterya nito, kaya agad niya itong ibinalik sa bulsa. Kailangan niyang tipirin ang natitirang kuryente. Wala naman siyang mapagcha-charge-an sa panahong ito.Pagdating niya sa pinagtatrabahuhan, maaga pa rin siya. May ilang manggagawa nang abala sa pagbubu
“Magkano?”Napatingin si Liam sa lalaking nasa harapan niya.“Isang piso bawat araw, ginoo.”Ilang segundo siyang nakatitig dito.Pagkatapos ay tumingin siya kay Rizal.“Doctor, did I hear that correctly?”Ngumiti ang doktor.“I'm afraid you did.”“ONE PESO A DAY?”Napalingon ang ilang taong nasa paligid nila.Napakamot si Rizal.“Mr. Hamilton, perhaps you should lower your voice.”“I'm sorry, but one peso? That's the salary?”“Ginoo?” tawag ng lalaking kausap nila. “Kung hindi ninyo nais, marami pa pong naghahanap ng trabaho.”Napabuntong-hininga si Liam.“Sandali lang po. Nag-iisip pa ako.”Nasa isang maliit na tanggapan sila kung saan naghahanap ng manggagawang tutulong sa pag-aasikaso ng mga dokumento at talaan ng isang negosyante. Ayon kay Rizal, maaari raw siyang maghanap ng pansamantalang trabaho habang wala pa silang natutuklasang paraan upang maibalik siya sa 2026.Noong una, tutol si Liam.Siya, magtatrabaho?Sa sarili niyang panahon, CEO siya ng isang malaking kompanya. May
“Nasaan ang shower?!”Halos umalingawngaw ang boses ni Liam sa buong silid.Nakatayo siya sa harap ng isang malaking palanggana, hawak ang tabo na para bang isa itong bagay na hindi niya kailanman nakita sa buong buhay niya.“Hindi ako makapaniwalang ganito ako maliligo!”Tiningnan niya ang timba ng tubig sa tabi niya.“Okay. Calm down, Liam. You've survived worse.”Isinawsaw niya ang tabo sa tubig at dahan-dahang binuhusan ang kaniyang braso.Napasinghap siya.“Cold! Damn it!”Muling tumingin siya sa palanggana.“Nasaan ang heater? Nasaan ang hot water?”Walang sumagot.Siyempre, wala namang heater sa silid na inuupahan niya noong 1892.Matapos ang ilang minutong pakikipag-away sa sarili at sa malamig na tubig, natapos din siyang maligo. Nagsuot siya ng malinis na damit at lumabas ng silid habang pinatutuyo ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya.“Good morning, Mr. Hamilton!”Napalingon siya.Nakatayo sa may bakuran si Rizal, may hawak na maliit na supot.“Doctor! Good morning. What br
“Doctor, I have a problem.”Napatingin si Rizal kay Liam habang naglalakad silang tatlo palabas ng kainan.“What is it this time, Mr. Hamilton?”“I'm running out of cash. Well, technically, I have money, but none of it is useful here.”Napatingin si Liwayway sa kaniya.“Ano na naman ang problema ninyo?”“Wala akong perang ginagamit dito.”“Kung gayon, maghanap kayo ng trabaho.”Napahinto si Liam.“Excuse me?”“Ano?”Napailing siya.“Ang sabi ko, hindi ako naghahanap ng trabaho.”“Kung gayon, paano kayo mabubuhay kung wala kayong salapi?”“May paraan ako.”“Anong paraan?”Dahan-dahang inilabas ni Liam ang gintong kwentas na suot niya sa loob ng kaniyang damit. Isang makapal at mamahaling kuwintas iyon na may maliit na palawit na may ukit na letrang H.Napatingin si Rizal.“That's gold?”“Pure gold. It's an heirloom, actually. But I need to sell it. Just enough to get some local currency.”“Are you certain? It seems valuable.”“I'm not exactly planning to sell my entire fortune, Doctor.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.