“Pero sabi ni Kuya Drake, ako lang nasa puso niya. Sorry, Ate, pero hindi ko ibibigay si Kuya Drake, sa’yo.”Ang dating iniisip ni Grace na inosente at cute na nakababatang kapatid, ngayon ay isa na palang ganap na pokpok na adik sa green-tea.Ibinaba niya ang kanyang paningin, kunwari’y nahihirapan. “Hindi ko talaga kayang bitawan si Drake. Dalawang taon din kaming magkasama. Kaya ipako mo ‘yang mga mata mo sa kanya, dahil baka anumang oras ay aagawin ko s’ya.”“Ate, ikaw–” Namumula ang mukha ni Queenie sa galit habang tumayo naman si Grace at naglakad pabalik sa kanyang kuwarto.Araw na ng sabado, at hindi na kinaya pa ni Grace ang walang-tigil na pagbubunganga sa kanya ng ina kaya napilitan siyang pumayag na makipag-blind date.Nang dumating siya sa napagkasunduang restawran, pumili siya ng upuan na malapit sa bintana at doon ay tahimik na naghintay sa kanyang ka-date.Limang minuto ang nakalipas, isang lalaking may kaedaran na ang lumapit sa kanya. Malaki ang tiyan nito, may kat
Last Updated : 2026-11-09 Read more