Too Late, My Ex. I'm Married to a Billionaire

Too Late, My Ex. I'm Married to a Billionaire

last updateLast Updated : 2026-11-12
By:  RaraUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Akala ni Grace, ang pinakamasakit na pagtataksil ay ang mahuli ang dalawang taong pinakamamahal niya—ang kanyang nobyo ng dalawang taon at ang kapatid nito na naglalaro sa likod niya. Ngunit mas masakit palang malaman na maging ang sarili niyang pamilya ay hindi man lang siya kayang ipagtanggol. Sa kagustuhan ng kanyang ina na maipakasal siya, napilitan si Grace na pumayag sa isang blind date. Hindi niya alam na ang dapat sana'y simpleng pagkikita ay magiging isang bangungot. Mabuti na lamang at may isang estrangherong dumating upang iligtas siya. Isang lalaking may sarili ring suliranin—isang lalaking tulad niya ay sawa na sa pamimilit ng pamilya na magpakasal. Isang estrangherong maaaring maging sagot sa kanyang mga panalangin, o panibagong dahilan upang mawalan siya ng tiwala sa pag-ibig. At sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nag-alok ang dalawa ng isang kasunduang hindi nila kailanman inakalang magiging simula ng isang bagong kapalaran.

View More

Chapter 1

KABANATA 1: NAGMAMAHALANG MGA AHAS SA KAMA

Pasado ala-una na nang madaling araw. Nagising si Grace Bermillo sa mensahe ng isang kliyente na tungkol sa trabaho. Pilit mang ipikit muli ang mga mata ay ayaw naman ng mga ito na makisama, labis siyang nababalisa nang matapos basahin ang hindi makatwirang hiling ng kliyente. Bumangon siya at naisipang pumunta sa banyo.

Maingat siyang naglalakad papunta sa pintuan at dahan-dahang binuksan, ayaw niyang maabala ang natutulog na pamilya at magising kahit sa konting langitngit ng p***o. Luma na ang kanilang bahay at kaunting kalampag lang ay maririnig na ng lahat.

“Kuya Drake,dahan-dahan.”

Uminit ang kanyang magkabilaang-pisngi sa boses na narinig nang napadaan sa kuwarto ng kapatid.

“Queenie, ‘wag kang sumigaw at baka marinig ka ng ate mo,” mababang singhap ng lalaki.

“Marinig na kung marinig. Kuya Drake, akin ka lang,” mahina at gatol na boses ng babae.

Natuod si Grace sa kinatatayuan. Ramdam niya ang pamamanhid ng buo niyang katawan, na parang nagyeyelo ang daloy ng dugo rito.

Ang inakalang magalang, maalalahanin, matatag, at maasikaso na kasintahan ay hindi niya kailanman na inaasahang magkaroon ng relasyon sa sarili niyang kapatid.

Bata pa lang sila ay laki sa layaw na ang kapatid na si Queenie Bermillo, samantalang si Grace, bilang panganay ay laging nagpaparaya sa nakababatang kapatid.

Ni hindi man lang niya namalayan na ang pagiging sobrang pagiging-dependent ng kapatid kay Drake Santiago ay sumosobra na at wala ng respeto sa limitasyon nito.

Palihim din niyang pinaalalahanan ang kasintahan na bigyang-pansin ang pagdistansya kay Queenie. Pakiramdam naman ni Drake ay pinapalaki lamang ni Grace ang isyu,” Grace, ano ba’ng iniisip mo? Bata pa si Queenie, kapatid lang ang turing ko sa kanya. Kung tutuusin, kapatid mo siya, kaya kapatid ko na rin siya,” buong kumpyansa at tila siya pa ang tama sa sinabi nito.

Matapos marinig ang sagot ng nobyo ay mataimtim na pinag-isipang mabuti ni Grace kung sadyang naging masyadong makitid na ba ang kanyang pag-iisip – paano niya nagawang magselos nang dahil lamang sa sobrang kabaitang ipinakita ng boyfriend sa kanyang pamilya.Pero ngayon, napatunayang totoo nga at tumpak ang matalas na kutob ng isang babae.

Habang pinapakingan ang nakakaasiwang ungol na nanggaling sa loob ng kinatatayuang kwarto ,mabilis at malakas na sinipa ni Grace ang p***o kasabay sa pagpindot ng switch ay bumukas ang ilaw sa loob ng silid.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa eksenang bumulaga sa kanya– ang dalawang magkadikit na katawan sa kama na halos kasing kulay ng papel sa sobrang putla nang makita siya.

Nanatiling kalmado si Grace, mapait siyang ngumisi, itinaas ang kanyang mga kamay at sarkastikong pumapalakpak. “Isang napaka-walang hiyang lalaki at isang babaeng walang kahihiyan. Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Talagang bagay na bagay sa isa’t isa!”

“Ah!” sigaw ng babaeng nasa kama. Mabilis niyang hinablot ang kumot para takpan ang kanyang hubad na katawan. “Ate, bakit hindi ka kumatok bago pumasok!” galit niyang sambit.

Luma na ang bahay at halos sira-sira na rin, maging ang mga p***o ay hindi na maisara nang maayos at isang malakas na tadyak lang ay sira na agad ito.

“Ay pasensya na, masyado ka kasing maingay at naistorbo mo ang tulog ko,” natatawang sagot ni Grace nang napansin ang kapatid na nagpapakita na mukha na para siyang kinakawawa na para bang siya ang biktima sa buong sitwasyon.

‘Para saan pa ba ‘yang pagkukunwari mo? Eh ang lakas-lakas ng sigaw mo, alam kong gusto mo talaga akong magising para panoorin ang ginagawa ninyo, ‘di ba?”

Luminga-linga si Queenie, gumapang ang init ng kanyang katawan papunta sa kanyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan. “Ate, hindi mo naiintindihan. Isa ito sa mga bagay na hindi ko kayang kontrolin, at isa pa masyado talagang malakas si Kuya Drake.”

Lingid sa kaalaman ng lahat ay intensyon talaga ng babae na lakasan ang boses para subukang gisingin ang kapatid. At dahil sa ayaw niya na ring maging side chick na hindi pwedeng ibalandra sa publiko. Gusto niyang bawiin at mapasakanya ang lalaking para raw sa kanya.

Tumalikod si Drake at nagmamadaling isinuot ang pantalon. Namumula ang kanyang mukha at halatang naiilang. “Grace, pasensya na, nakainom ako ngayong gabi, kaya–”

Mabilis na sinuot ni Queenie ang kanyang night gown at niyakap ang lalaki mula sa likuran. “Kuya Drake, bakit mo ba kailangang ipaliwanag sa kanya? Malinaw naman na ako ang gusto mo, mas mabuti na rin na malaman ng kapatid ko.”

Simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan, lahat ng gustuhin ni Queenie ay pinagbibigyan ng ate at naniniwala rin siya na walang hindi kasali– maging pagdating sa lalaki.

Noon paniwalang-paniwala si Grace na hindi masamang tao ang nakababatang kapatid, sadyang spoiled at matigas lamang ang ulo nito, pero hindi niya inaasahan na may tinatago palang kabaluktutang pag-uugali, dahil maging ang nobyo ay sinulot nito at kung makakilos ay mapagmapuri o ang taas-taas ng tingin sa sarili.

Natigilan si Drake, halatang gulong-gulo ang isipan. Alam niya na ngayon na ang pagkakataon at tamang panahon para pumili sa pagitan ng magkapatid.

Sa dalawang taon na magkasama at relasyon nilang dalawa ay natural lang na may maramdaman talaga silang pagmamahal para sa isa’t isa. Pero ang nararamdaman ni Drake para kay Queenie ay ibang-iba kumpara sa kasintahang si Grace.

Masyadong umaasa si Queenie sa kanyang magiging bayaw at paminsan-minsan ay umaalembong ito sa lalaki na parang natural lang ito sa kanila.

Gustong-gusto niya ang pinapakitang pagiging dependent at pagkahumaling sa kanya na halos sambahin siya ng batang babae.

Samantalang si Grace naman ay masyadong independent at kayang-kaya niyang harapin ang lahat na mag-isa, kaya hindi niya kailangang humingi ng tulong kay Drake. Dominante rin siya kung ituring at nakakabagot kasama. Sa loob ng dalawang taong magkasama at magkarelasyon ng nobyong si Drake ay hindi niya hinayaang kunin ng lalaki ang kanyang puri.

Kabaliktaran naman si Queenie sa kapatid. Siya ay maamo at masunurin, sa sobrang masunurin niya ay napakadali lang siyang kontrolin, kaya iba ang kasiyahang naibibigay sa lalaki pagdating sa kama na kinagigiliwan ni Drake ng sobra, dahilan ng pagkaadik nito sa babae.

Sa loob ng anim na buwang patagong magkasintahan ay napanatili nila ang kanilang maling relasyon. Hanggang sa natuklasan ito ni Grace sa gabing iyon.

“Kuya Drake, sabihin mo sa akin, sabihin mo sa ate ko na ako ang gusto mo,” pagmamakaawa ni Queenie.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Drake kina Grace at Queenie, bakas sa ekspresyon ng mukha niya pag-aalangan at naguguluhan.

Kabisadong-kabisado naman ni Grace ang pag-iisip ng lalaki kahit sa isang sulyap lang ay ang dali nitong intindihin.

Huh! Gustong-gusto niya pala ‘yon?

Naalimpungatan ang mga magulang nila dahil sa lakas ng ingay. Bumangon sila at mabilis nagtungo sa silid kung saan nanggaling ang mga boses.Nang makarating sa kuwarto ng anak ay nanlaki ang kanilang mga mata at halos hindi makagalaw sa kinaroroonan.

“Ito si…Drake? Drake, mali bang kwarto ang napasok mo, iho?” hindi makapaniwala na tanong ni Ginang Luz Bermillo.

Humahulgol si Queenie, “Ma, mahal na mahal po ako ni Drake,” namumula ang kanyang basang mga mata, “Kami po ni Drake ang totoong nagmamahalan. Kung may third-party man po sa relasyong ito, si Ate po ‘yon, siya naman talaga yung hindi minahal.”

“Drake! Ano ba talaga ang nangyayari!” Malakas na boses ni Mang Anton Bermillo.

Nang makita ang mukha ng mag-asawa na may bakas ng kalituhan at titig na tila naghihintay ng kanyang kasagutan ay yumuko si Drake sa sobrang hiya sa nangyari– nakikipag-date sa nakatatandang kapatid pero sa huli bunsong kapatid na babae ang kinakama.

Wala siyang magawa kundi lunukin ang kanyang hiya at harapin ang sitwasyon. “Tita, Tito, pananagutan ko po ang nangyari sa amin ni Queenie, ‘wag po kayong mag-alala. At si Queenie po talaga ang mahal ko.”

Huh! Mahal nga talaga!

So, ano ako?

Parte lang laro nila?

Dahil sa mas pinauukulan ng labis na pagmamahal ang bunsong anak ay walang atubiling nagsalita si Luz, “Grace, ikaw na mismo ang nakakita. Dahil mahal ni Drake ang kapatid mo, ‘wag ka ng humadlang at makialam pa sa kanila.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status