Sa dalawang taong palipat-lipat ng lugar, napadpad sina Julianne sa Maynila kasama ang dalawang bata na sina kyle at Yna. Namuhay sila roon na pilit nagtatago sa nakaraang ayaw na niyang balikan. Mabuti na lang at ang kanyang trabaho ay hindi na nangangailangan pang lumabas ng bahay at iwan ang mga bata. Kasa-kasama niya sila kahit saan man magpunta. Ayaw niyang iwanan ang mga bata sa takot na baka hindi na niya maabutan pa. Sa takot na dinaranas niya sa pagtatago sa mga naghahanap sa kanila. Kaya hindi na magawang magtiwala pa ni Julianne sa kahit na sino. May sarili siyang negosyo na pinapalakad, ngunit ang kanyang matalik na kaibigan ang pansamantalang namamahala nito. Ang tangi lamang niyang ginagawa ay ang pag-aralan ang mga report na pinapadala nito sa kanya. Samantala, si Dave kapatid ni Darwin, ay dalawang taon nang naghahanap sa mga nawawala nitong pamangkin. Lumuwas siya sa probinsiya pagkatapos niyang mabalitaan ang nangyaring pagpatay sa kanyang kuya Darwin at
Huling Na-update : 2026-11-12 Magbasa pa