Mag-log inAng totoo ayaw pa talagang umalis ni Dave. Gusto pa niyang makita at makasama sana si Julianne. Naisip nga lang niyang kailangan na rin nilang magpahinga.
Kaya ng yayain siya ni julianne.na duon na kumain ay pumayag siya kaagad. Nagsalo nga sila sa pagkain. Maraming kwento si Kyle sa pamamalagi niya sa condo ni Dave . "Mommy alam po ninyo si Tito Dave po mismo ang naghahanda ng pagkain ko. Siyaa rin po ang nagpapaligo at nagpapatulog sa akin.” masayang kuwento ni Kyle . Nakita ni Julianne ang pagbabago kay Kyle. Pansin niyang naging masigla ang bata, hindi katulad dati na laging malungkot . Marahil na miss nito Ang pangangalaga ng isang ama. Pagkatapos nilang kumain saglit na nagpaalam si Julianne kay Dave. Kailangan na niyang linisan ang mga bata bago matulog. Nagprisinta na si Dave na siya na ang mag-asikaso kay Kyle upang maasikaso na ni Julianne si Yna. Habang nililinisan at pinapalitan ng damit ni Julianne si Yna,nakita niyang tinutulungan ni Dave na mag toothbrush si Kyle at siya na rin ang nagpaligo dito. Laking kaluwagan sa kanya na may katuwang siya sa mga bata at ngayon nya lang iyon naramdaman. Ngunit alam niyang panandalian lang lahat ng iyon . Alam niyang sa pagharap sa realidad mag-isa pa rin niyang aalagaan ang mga bata. Nang makatulog ang magkapatid ay inaya ni Julianne magkape si Dave bago bumalik ang binata sa kanyang condo. Sandaling nanaig sa kanila ang katahimikan walang may gustong magsimula ng usapan. "Salamat nga pala sa pagtulong mo sa aming mag-iina.”wika ni Julianne na bumasag sa kanilang katahimikan. Isang tango at ngiti naman ang sumilay sa labi ni Dave. Siiya namang nagpabilis ng pintig ng puso ng dalaga. Muli ay namayani sa kanila ang katahimikan. "Huwag mo sanang mamasamain, ang itatanong ko” tinantiya ni Dave ang reaksiyon ni Julianne. "Ano iyon?”tugin naman ni Julianne. "Bakit mag-isa ka lang nagtataguyod sa mga bata?” tanong nito. Alanganin man ay tinanong na rin niya ang nasa isip niya. Nag-isip si Julianne kung sasabihin ba ang totoo, pero mas pinili niyang magsinungaling. "Patay na ang ama nila, namatay nung araw na isinilang si Yna. Naaksidente sa kaniyang pag-uwi.”sagot nito na partly siya namang totoo pero hindi dahil sa aksidente. Hindi na niya sinabi ang tunay na kwento. Gusto pa rin niyang pangalagaan ang mga bata. Hindi pa rin niya kayang sabihin kahit kanino ang tunay na naganap sa buhay nilang tatlo. Pinili niyang walang pagsasabihan tungkol duon. "Ang aga ka naman iniwan ng iyong kabiyak. Hindi kaba nahihirapan magpalaki sa kanilang dalawa?” ang tanong ni Dave sa kanya. "Aaminin kong mahirap magpalakii ng mag-isa, pero kinakaya ko dahil mahal ko sila” sagot naman ni Julianne. Saglit pa silang nag-usap bago nag paalam si Dave. Sinabi nitong kailangan na nilang magpahinga. Hinatid naman ni Julianne si Dave hanggang sa p***o at muling nagpasalamat. Sandali pang tumigil si Dave sa may p***o at mataman tinitigan ang dalaga bago tuluyang tumalikod at pumasok sa kanyang unit. Sa sariling unit ni Dave, hindi rin siya nakatulog kaagad sa kakaisip kay Julianne. Na nasa kabila lang ng kanyang unit. Kinakapa niya ang kanyang damdamin kung ano bang pakiramdam mayroon siya dito. Inisip na lamang niyang dala marahil ng awa sa sitwasyon nito.. Samantalang si Julianne ay nag iisip kung kailangan na naman ba niyang maghanap ng malilipatan? Matagal na panahon na nilayo ang sarili sa iba para protektahan ang dalawang bata. Hahayaan niya bang mapalapit sa isang bagong kakilala ang pamilyang meron siya? Nakatulugan na niya ang pag-iisip tungkol sa binata. Kinabukasan ay bumalik sa dating gawain si Dave. Maaga siyang umalis dahil mayroon siyang importanteng meeting na kailangang daluhan. Nais niya sanang daanan muna saglit ang mag-ina, pero pinigilan ang sarili at tuluyan ng umalis. Sa nangyari kay Yna ay pansamantalang hindi napagtuunan ng panahon ni Julianne ang kanyang negosyo. Marami na ang e-mail na kailangan niyang sagutin mula sa kanyang kaibigan. Nalaman niyang sila ang nanalo sa bidding sa isang hotel Ang "Del Fierro". Nais raw ng bagong namamahala ng hote na makipag-usap tungkol sa mga detalye. Pinakiusapan siya ng kaibigan na siya na ang makipag-usap para sa closure ng contract dahil siya naman ang nasa Maynila. Ang negosyo ni Julianne ay supplier ng mga pabango sabon at mga iba pang toiletries. Target nilang magkaibigan ay mga hotel sa ibat-ibang panig ng bansa. Nalaman nya thru email na ngayong araw siya nakatakdang makipagkita sa namamahala ng hotel. Nagmadali siyang gumayak upang pumunta sa nasabing meeting. Tulad ng nakasanayan ay kasama niya ang dalawang bata sa pag-alis. Tinawagan ang kaibigan na Pakiusapan ang ka meeting na I move ang oras ng meeting dahil ma le late siya ng dating. Kasalukuyan nag-aabang ng taxi sina Julianne, ng may napansin siyang dalawang lalaking nakatingin sa gawi nila. Kumilos siya ng hindi nagpapahalata na aware siya sa mga taong nakamasid sa gawi nila. Mabilis niyang inutusan ang driver ng taxi na umalis na matapos nilang makasakay. Nagpahatid siya sa del Fierro kung saan magaganap ang meeting. Habang nasa taxi nahulog sa malalim na pag-iisip ang dalaga. Iniisip kung sino iyong dalawang lalaki na tila nakatingin sa kanya kanina. Hindi kaya Yung tauhan ng taong pinagtataguan nila? Kailangan na naman ba nilang umalis sa tinutuluyan para magtago muli? Nakakapagod na. Samantala sa hotel nasabihan si Dave na medyo matatagalan daw ang kausap niya. Kaya nagpasya siyang aralin na muna mga papel na nakatambak sa kanyang office table. Pinirmahan niya ang mga kailangang pirmahan at nirebisa ang mga kailangang baguhin habang hinihintay ang pagdating ng bisita. Binilinan niya ang kanyang secretary na kung sakaling dumating ang kausap ay dalhin na lang niya sa opisina. Hindi namalayan ni Julianne na nakarating na sila sa hotel. Abala ang kanyang isip sa mga taong nakita niya kanina sa labas ng condo. Narinig nya ang boses ng taxi driver na nakarating na sila. Kumuha siya ng pera sa dalang bag at binayaran na ang driver bago siya bumaba. Binuhat niya si Yna at kasunod niyang lumabas si Kyle. "Excuse me, saan dito matatagpuan si Mr del Fierro?”tanong niya sa attendant na nasa may lobby. "Are you Ms. Cortez ng My Scent maam?” tanong sa kanya ng attendant. May bilin kasi ang sektetarya ng may-ari ng hotel na may appointment ang kanilang amo kay Ms Cortez. Kinumpirma naman ni Julianne na siya nga si Ms Cortez. Pinahatid sila sa isang staff sa office ni Mr del Fierro. Duon ay ang sektetarya naman ang nag-asikaso sa kanilaKumatok ang sekretarya ni Dave bago sumilip sa loob. Ipinaalam nito ang pagdating ng hinihintay na kausap nito."Papasukin mo na” dinig ni Julianne mula sa kausap ng babae. Sandaling nag-isip si Julianne dahil parang pamilyar sa kanya ang tinig ng nasa loob." Ma'am maari na po kayong pumasok” nakangiting sabi ng babae. Nauna pinapasok ni Julianne si Kyle bago sila sumunod. Nagpasalamat siya sa babae bago siya pumasok. Nagulat si Julianne sa nabungaran dahil si Mr del Fierro pala ay walang iba kung hindi si Dave. Sabagay hindi naman niya inalam sa binata ang buo nitong pangalan. Maging siya ay hindi binanggit ang tunay nyang pangalan dito . Kaya pala pamilyar ang bosses nito Exited si Kyle na lumapit at yumakap kay Dave. Nagulat din kasi ang bata na ang tito Dave pala ang kakatagpuin ng kanyang mommy Julie . Tuwang tuwa si Kyle na makita ang kanyang Tito Dave. Maging si Dave ay nagulat din. Ang gumugulo sa isip niya sa nakalipas na araw ay siya pala ang kanyang kakausapin
Ang totoo ayaw pa talagang umalis ni Dave. Gusto pa niyang makita at makasama sana si Julianne. Naisip nga lang niyang kailangan na rin nilang magpahinga.Kaya ng yayain siya ni julianne.na duon na kumain ay pumayag siya kaagad.Nagsalo nga sila sa pagkain.Maraming kwento si Kyle sa pamamalagi niya sa condo ni Dave ."Mommy alam po ninyo si Tito Dave po mismo ang naghahanda ng pagkain ko. Siyaa rin po ang nagpapaligo at nagpapatulog sa akin.” masayang kuwento ni Kyle .Nakita ni Julianne ang pagbabago kay Kyle. Pansin niyang naging masigla ang bata, hindi katulad dati na laging malungkot . Marahil na miss nito Ang pangangalaga ng isang ama. Pagkatapos nilang kumain saglit na nagpaalam si Julianne kay Dave. Kailangan na niyang linisan ang mga bata bago matulog. Nagprisinta na si Dave na siya na ang mag-asikaso kay Kyle upang maasikaso na ni Julianne si Yna. Habang nililinisan at pinapalitan ng damit ni Julianne si Yna,nakita niyang tinutulungan ni Dave na mag toothbrush si Kyle
Matapos mapagkasunduang sa poder na muna ni Dave si Kyle.Nagpaalam saglit si Dave kay Julianne na lalabas. Sa pagbalik ni Dave, may bitbit na siyang pagkain at gamot ni Yna. "Binilhan na kita ng pagkain, maging ang niresetang gamot para kay Yna . Nang sa gayon ay hindi ka na lalabas at iwanan ang bata.” ani Dave.Hindi iyon inasahang ni Julianne, magkaganuon man ay nagpasalamat siya kay Dave . Tinawag na ni Dave si Kyle upang makaalis na sila at makapagpahinga. Bago tuluyang umalis ang dalawa ay muling niyakap at hinagkan ni Julianne si Kyle. Binilinan rin niyang huwag magpasaway sa Tito Dave niya. Hinatid niya ng tanaw ang dalawa sa paglabas nila ng pintuan. Ilang miniuto ng nakaalis ang dalawa ay nakatingin pa rin si Julianne sa pintong nilabasan nila.Muling hinarap ni Julianne si Yna. Matamang pinagmamasdan at hinipo sa nuo. Bumaba na ang init nito kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. Nakita Niya Yung pagkain na binili ni Dave sa kanya bigla siyang nakaramdaman n
Samantala sa pagbabalik ni Julianne sa kanilang unit ay wala ang mga bata. Sinidlan siya ng takot sa pag-iisip na baka nasundan na sila ng mga taong naghahanap sa kanila at tinangay na ang mga bata. Hindi niya malaman ang gagawin paikot ikot siya sa kanilang kuwarto, sa pag iisip kung saan hahanapin ang mga bata. Maisip pa lang na may masamang nangyari sa kanila ay para na siyang kakapusin ng hininga. Naghahanda na sana siyang lumabas upang mag report sa pulis ng tumunog ang kanyang cellphone.Hindi pamilyar ang numero ng tumatawag kaya lalo siyang kinabahan at nanginig sa takot na baka ang taong naghahanap sa kanila ang nasa kabilang linya. Nanginginig ang kamay na sinagot ang teleponong kanina pa tumutunog." Mommy" bungad kaagad ng tumawag, pagsagot niya sa telepono. Kilala niya ang munting tinig na iyon tinig na mula sa kanyang si Kyle. Halos maiyak na siya ng marinig ang boses nito . "Kyle anak nasan kayo ni Yna? Sino kasama ninyo?” sunod-sunod na tanong ni Julianne d
Sa dalawang taong palipat-lipat ng lugar, napadpad sina Julianne sa Maynila kasama ang dalawang bata na sina kyle at Yna. Namuhay sila roon na pilit nagtatago sa nakaraang ayaw na niyang balikan. Mabuti na lang at ang kanyang trabaho ay hindi na nangangailangan pang lumabas ng bahay at iwan ang mga bata. Kasa-kasama niya sila kahit saan man magpunta. Ayaw niyang iwanan ang mga bata sa takot na baka hindi na niya maabutan pa. Sa takot na dinaranas niya sa pagtatago sa mga naghahanap sa kanila. Kaya hindi na magawang magtiwala pa ni Julianne sa kahit na sino. May sarili siyang negosyo na pinapalakad, ngunit ang kanyang matalik na kaibigan ang pansamantalang namamahala nito. Ang tangi lamang niyang ginagawa ay ang pag-aralan ang mga report na pinapadala nito sa kanya. Samantala, si Dave kapatid ni Darwin, ay dalawang taon nang naghahanap sa mga nawawala nitong pamangkin. Lumuwas siya sa probinsiya pagkatapos niyang mabalitaan ang nangyaring pagpatay sa kanyang kuya Darwin at







