Mag-log inSamantala sa pagbabalik ni Julianne sa kanilang unit ay wala ang mga bata. Sinidlan siya ng takot sa pag-iisip na baka nasundan na sila ng mga taong naghahanap sa kanila at tinangay na ang mga bata.
Hindi niya malaman ang gagawin paikot ikot siya sa kanilang kuwarto, sa pag iisip kung saan hahanapin ang mga bata. Maisip pa lang na may masamang nangyari sa kanila ay para na siyang kakapusin ng hininga. Naghahanda na sana siyang lumabas upang mag report sa pulis ng tumunog ang kanyang cellphone. Hindi pamilyar ang numero ng tumatawag kaya lalo siyang kinabahan at nanginig sa takot na baka ang taong naghahanap sa kanila ang nasa kabilang linya. Nanginginig ang kamay na sinagot ang teleponong kanina pa tumutunog. " Mommy" bungad kaagad ng tumawag, pagsagot niya sa telepono. Kilala niya ang munting tinig na iyon tinig na mula sa kanyang si Kyle. Halos maiyak na siya ng marinig ang boses nito . "Kyle anak nasan kayo ni Yna? Sino kasama ninyo?” sunod-sunod na tanong ni Julianne dito na halos maiyak ng makausap si Kyle. "Mommy nandito po kami sa ospital dinala namin si baby Yna dito" saad ng bata. Tinanong ni Julianne kung sino ang kasama nilang pumunta ng ospital at sinagot siya ni Kyle na si Tito Dave daw ang tumulong sa kanila patungong ospital. Hindi niya kilala ang tinutukoy ng bata. Saglit na tumahimik sa kabilang linya. Isang baritonong tinig ang sumunod niyang narinig. Biglang sumikdo ang dibdib ni Julianne pagkarinig dito. Ipinaalam ng lalaking kausap kung saan ospital nito dinala ang mga bata. Matapos malaman kung saang ospital dinala si Yna at anong room sila ay dali daling umalis si Julianne patungo sa ospital. Pagdating sa ospital, tinungo kaagad ni Julianne ang elevator. Upang hanapin ang room ni Yna. Nang makita ang kuwarto ay nagmamadaling pinihit at itinulak ang p***o . Nakita niya ang dalawang bata kasama ng isang lalaki na ngayo'y nakatalikod sa kanya. Napansin kaagad ni Kyle ang kanyang mommy Julie at tumakbo patungo dito. Mahigpit na niyakap ng dalaga ang bata na animoy matagal na hindi nagkita. Napaluha si Julianne sa kaalamang hindi naman pala totoo ang iniisip niya. Akala talaga niya ng hindi nya maabutan ang mga bata sa condo ay tuluyang na silang natagpuan at natangay na ang mga bata. Nakahinga siya ng maluwag sa kaalamang nandito pa sa tabi niya ang mga bata at ligtas. Tumayo si Julianne upang puntahan naman si Yna sa kanyang kinahihigaan. Pagtapat nila sa hospital bed, nakita niyang titig na titig ang lalaki sa kanyang mukha. Naalala ni Dave ang dalagang nakabungguan niya kanina sa lobby na nagmamadaling tumatakbo. "Siya pala ang mommy ng dalawang bata.” sa isip ni Dave Kinalabit ni Kyle si Dave at pinakilala ang kanyang mommy Julie. Nagtama ang mga mata ng dalawa, parehong walang imik at matamang nakatitig lang sa isat isa. Ayon kay Kyle na si tito Dave ang kasama niyang nagdala Kay Yna sa hospital. Inilahad naman ni Dave ang kamay niya sa dalaga at nagpakilala.Atubiling abutin ni Julianne ang kamay nito pero inabot niya pa rin. Sa pagdapo ng kanilang palad kapwa sila natigilan dahil pareho nilang naramdaman ang daloy ng tila bolta boltaheng kuryente sa kanilang katawan. Unang bumitaw si Julianne sa pagkakahawak sa kamay ni Dave. " Salamat nga pala sa pagdala mo kay Yna ” ani Julianne. Ngiti lang ang tinugon ni Dave kay Julianne. Nilingon ni Julianne si Yna na ngayo'y payapang natutulog. Pinisil niya ang munting kamay nito na ngayo'y may nakalagay na dextrose. Walang humpay na halik sa noo at yakap ang ginawad nya Kay Yna. Pinagmamasdan ni Dave si Julianne ramdam niya ang pag-alala nito sa mga bata. Naisip niya kung nasaan ba ang asawa nito at mag Isa niyang inaalagaan ang mga bata. Muling hinarap ni Julianne ang binata. " Paano kayo nagkita ni Kyle ?” tanong niya. "Nadaanan ko siyang umiiyak sa tapat ng p***o ninyo. Habang patungo ako sa unit ko na katabi lang ng unit ninyo. Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit siya umiiyak. Sa simula ay hindi ako sinagot, hanggat hindi ako nagpakilala. Isinama niya ako sa loob ng bahay ninyo upang ipakita ang kapatid niya . Nalaman kong inaapoy ng lagnat si Yna at dali-dali kong binihat ng makita kong tumirij ang kanyang mga mata” paliwanag ni Dave. " Naghanap ako ng taxi na masasakyan ngunit walang bakante na nagdaraan. Kaya bumalik ako sa condo sa pag-aalala sa mga bata. Natakot ako ng hindi ko sila madatnan . Akala na may tumangay na sa kanila.” kuwento ni Julianne . Mataman naman nakikinig at nakatitig si Dave Kay Julianne. Hindi niya masisisi si Julianne kung makapag-isip man siya ng ganuon. Muling bumaling si Julianne Kay Kyle at tinanong kung okay ba ang bata. " Mommy Julie nagugutom at inaantok na po ako” reklamong tugon ni Kyle. Muli na naman nag alala si Julianne dahil alam niyang hindi pwedeng mag stay ang bata ng matagal sa ospital. Iniisip nito kung ano ang gagawin niya hindi naman nila pwedeng iwanan si Yna. Upang umuwi sa kanilang condo. Napansin ni Dave ang pag-alala sa mukha Ng dalaga. Tinanong nito kung Anong problema, nag alangan man si Julianne pero binanggit pa rin niya ang problema. " Hindi kasi pwede magtagal si Kyle sa ospital pero kung iuuwi ko siya sa bahay at balikan si Yna ay Wala naman siyang Kasama sa condo. ” paliwanag ni Julianne. Nagprisinta si Dave na sa kanya muna si Kyle habang nasa ospital pa sila ni Yna kung papayag siya. Nag alangan namang sumagot ang dalaga. Ngayon lang kasi mawawalay sa kanya si Kyle. Sa tagal Ng pagsasama nila, at ngayo'y dapat ba niyang ipagkatiwala sa bagong kakilala? Napansin ni Dave na natigilan si Julianne lumapit siya dito. " Huwag kang mag alala from time to time I update kita tungkol Kay Kyle. Maigi nang nasa akin muna siya para matutukan mo si Yna.” Napag isip-isip ni Julianne na tama si Dave. Hindi nya maasikaso ng husto si Kyle at kawawa lang ang bata. Pumayag siya sa mungkahi Ng binata na sa kanya muna si Kyle.Kumatok ang sekretarya ni Dave bago sumilip sa loob. Ipinaalam nito ang pagdating ng hinihintay na kausap nito."Papasukin mo na” dinig ni Julianne mula sa kausap ng babae. Sandaling nag-isip si Julianne dahil parang pamilyar sa kanya ang tinig ng nasa loob." Ma'am maari na po kayong pumasok” nakangiting sabi ng babae. Nauna pinapasok ni Julianne si Kyle bago sila sumunod. Nagpasalamat siya sa babae bago siya pumasok. Nagulat si Julianne sa nabungaran dahil si Mr del Fierro pala ay walang iba kung hindi si Dave. Sabagay hindi naman niya inalam sa binata ang buo nitong pangalan. Maging siya ay hindi binanggit ang tunay nyang pangalan dito . Kaya pala pamilyar ang bosses nito Exited si Kyle na lumapit at yumakap kay Dave. Nagulat din kasi ang bata na ang tito Dave pala ang kakatagpuin ng kanyang mommy Julie . Tuwang tuwa si Kyle na makita ang kanyang Tito Dave. Maging si Dave ay nagulat din. Ang gumugulo sa isip niya sa nakalipas na araw ay siya pala ang kanyang kakausapin
Ang totoo ayaw pa talagang umalis ni Dave. Gusto pa niyang makita at makasama sana si Julianne. Naisip nga lang niyang kailangan na rin nilang magpahinga.Kaya ng yayain siya ni julianne.na duon na kumain ay pumayag siya kaagad.Nagsalo nga sila sa pagkain.Maraming kwento si Kyle sa pamamalagi niya sa condo ni Dave ."Mommy alam po ninyo si Tito Dave po mismo ang naghahanda ng pagkain ko. Siyaa rin po ang nagpapaligo at nagpapatulog sa akin.” masayang kuwento ni Kyle .Nakita ni Julianne ang pagbabago kay Kyle. Pansin niyang naging masigla ang bata, hindi katulad dati na laging malungkot . Marahil na miss nito Ang pangangalaga ng isang ama. Pagkatapos nilang kumain saglit na nagpaalam si Julianne kay Dave. Kailangan na niyang linisan ang mga bata bago matulog. Nagprisinta na si Dave na siya na ang mag-asikaso kay Kyle upang maasikaso na ni Julianne si Yna. Habang nililinisan at pinapalitan ng damit ni Julianne si Yna,nakita niyang tinutulungan ni Dave na mag toothbrush si Kyle
Matapos mapagkasunduang sa poder na muna ni Dave si Kyle.Nagpaalam saglit si Dave kay Julianne na lalabas. Sa pagbalik ni Dave, may bitbit na siyang pagkain at gamot ni Yna. "Binilhan na kita ng pagkain, maging ang niresetang gamot para kay Yna . Nang sa gayon ay hindi ka na lalabas at iwanan ang bata.” ani Dave.Hindi iyon inasahang ni Julianne, magkaganuon man ay nagpasalamat siya kay Dave . Tinawag na ni Dave si Kyle upang makaalis na sila at makapagpahinga. Bago tuluyang umalis ang dalawa ay muling niyakap at hinagkan ni Julianne si Kyle. Binilinan rin niyang huwag magpasaway sa Tito Dave niya. Hinatid niya ng tanaw ang dalawa sa paglabas nila ng pintuan. Ilang miniuto ng nakaalis ang dalawa ay nakatingin pa rin si Julianne sa pintong nilabasan nila.Muling hinarap ni Julianne si Yna. Matamang pinagmamasdan at hinipo sa nuo. Bumaba na ang init nito kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. Nakita Niya Yung pagkain na binili ni Dave sa kanya bigla siyang nakaramdaman n
Samantala sa pagbabalik ni Julianne sa kanilang unit ay wala ang mga bata. Sinidlan siya ng takot sa pag-iisip na baka nasundan na sila ng mga taong naghahanap sa kanila at tinangay na ang mga bata. Hindi niya malaman ang gagawin paikot ikot siya sa kanilang kuwarto, sa pag iisip kung saan hahanapin ang mga bata. Maisip pa lang na may masamang nangyari sa kanila ay para na siyang kakapusin ng hininga. Naghahanda na sana siyang lumabas upang mag report sa pulis ng tumunog ang kanyang cellphone.Hindi pamilyar ang numero ng tumatawag kaya lalo siyang kinabahan at nanginig sa takot na baka ang taong naghahanap sa kanila ang nasa kabilang linya. Nanginginig ang kamay na sinagot ang teleponong kanina pa tumutunog." Mommy" bungad kaagad ng tumawag, pagsagot niya sa telepono. Kilala niya ang munting tinig na iyon tinig na mula sa kanyang si Kyle. Halos maiyak na siya ng marinig ang boses nito . "Kyle anak nasan kayo ni Yna? Sino kasama ninyo?” sunod-sunod na tanong ni Julianne d
Sa dalawang taong palipat-lipat ng lugar, napadpad sina Julianne sa Maynila kasama ang dalawang bata na sina kyle at Yna. Namuhay sila roon na pilit nagtatago sa nakaraang ayaw na niyang balikan. Mabuti na lang at ang kanyang trabaho ay hindi na nangangailangan pang lumabas ng bahay at iwan ang mga bata. Kasa-kasama niya sila kahit saan man magpunta. Ayaw niyang iwanan ang mga bata sa takot na baka hindi na niya maabutan pa. Sa takot na dinaranas niya sa pagtatago sa mga naghahanap sa kanila. Kaya hindi na magawang magtiwala pa ni Julianne sa kahit na sino. May sarili siyang negosyo na pinapalakad, ngunit ang kanyang matalik na kaibigan ang pansamantalang namamahala nito. Ang tangi lamang niyang ginagawa ay ang pag-aralan ang mga report na pinapadala nito sa kanya. Samantala, si Dave kapatid ni Darwin, ay dalawang taon nang naghahanap sa mga nawawala nitong pamangkin. Lumuwas siya sa probinsiya pagkatapos niyang mabalitaan ang nangyaring pagpatay sa kanyang kuya Darwin at







