Mag-log in
Kumatok ang sekretarya ni Dave bago sumilip sa loob. Ipinaalam nito ang pagdating ng hinihintay na kausap nito."Papasukin mo na” dinig ni Julianne mula sa kausap ng babae. Sandaling nag-isip si Julianne dahil parang pamilyar sa kanya ang tinig ng nasa loob." Ma'am maari na po kayong pumasok” nakangiting sabi ng babae. Nauna pinapasok ni Julianne si Kyle bago sila sumunod. Nagpasalamat siya sa babae bago siya pumasok. Nagulat si Julianne sa nabungaran dahil si Mr del Fierro pala ay walang iba kung hindi si Dave. Sabagay hindi naman niya inalam sa binata ang buo nitong pangalan. Maging siya ay hindi binanggit ang tunay nyang pangalan dito . Kaya pala pamilyar ang bosses nito Exited si Kyle na lumapit at yumakap kay Dave. Nagulat din kasi ang bata na ang tito Dave pala ang kakatagpuin ng kanyang mommy Julie . Tuwang tuwa si Kyle na makita ang kanyang Tito Dave. Maging si Dave ay nagulat din. Ang gumugulo sa isip niya sa nakalipas na araw ay siya pala ang kanyang kakausapin
Ang totoo ayaw pa talagang umalis ni Dave. Gusto pa niyang makita at makasama sana si Julianne. Naisip nga lang niyang kailangan na rin nilang magpahinga.Kaya ng yayain siya ni julianne.na duon na kumain ay pumayag siya kaagad.Nagsalo nga sila sa pagkain.Maraming kwento si Kyle sa pamamalagi niya sa condo ni Dave ."Mommy alam po ninyo si Tito Dave po mismo ang naghahanda ng pagkain ko. Siyaa rin po ang nagpapaligo at nagpapatulog sa akin.” masayang kuwento ni Kyle .Nakita ni Julianne ang pagbabago kay Kyle. Pansin niyang naging masigla ang bata, hindi katulad dati na laging malungkot . Marahil na miss nito Ang pangangalaga ng isang ama. Pagkatapos nilang kumain saglit na nagpaalam si Julianne kay Dave. Kailangan na niyang linisan ang mga bata bago matulog. Nagprisinta na si Dave na siya na ang mag-asikaso kay Kyle upang maasikaso na ni Julianne si Yna. Habang nililinisan at pinapalitan ng damit ni Julianne si Yna,nakita niyang tinutulungan ni Dave na mag toothbrush si Kyle
Matapos mapagkasunduang sa poder na muna ni Dave si Kyle.Nagpaalam saglit si Dave kay Julianne na lalabas. Sa pagbalik ni Dave, may bitbit na siyang pagkain at gamot ni Yna. "Binilhan na kita ng pagkain, maging ang niresetang gamot para kay Yna . Nang sa gayon ay hindi ka na lalabas at iwanan ang bata.” ani Dave.Hindi iyon inasahang ni Julianne, magkaganuon man ay nagpasalamat siya kay Dave . Tinawag na ni Dave si Kyle upang makaalis na sila at makapagpahinga. Bago tuluyang umalis ang dalawa ay muling niyakap at hinagkan ni Julianne si Kyle. Binilinan rin niyang huwag magpasaway sa Tito Dave niya. Hinatid niya ng tanaw ang dalawa sa paglabas nila ng pintuan. Ilang miniuto ng nakaalis ang dalawa ay nakatingin pa rin si Julianne sa pintong nilabasan nila.Muling hinarap ni Julianne si Yna. Matamang pinagmamasdan at hinipo sa nuo. Bumaba na ang init nito kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. Nakita Niya Yung pagkain na binili ni Dave sa kanya bigla siyang nakaramdaman n
Samantala sa pagbabalik ni Julianne sa kanilang unit ay wala ang mga bata. Sinidlan siya ng takot sa pag-iisip na baka nasundan na sila ng mga taong naghahanap sa kanila at tinangay na ang mga bata. Hindi niya malaman ang gagawin paikot ikot siya sa kanilang kuwarto, sa pag iisip kung saan hahanapin ang mga bata. Maisip pa lang na may masamang nangyari sa kanila ay para na siyang kakapusin ng hininga. Naghahanda na sana siyang lumabas upang mag report sa pulis ng tumunog ang kanyang cellphone.Hindi pamilyar ang numero ng tumatawag kaya lalo siyang kinabahan at nanginig sa takot na baka ang taong naghahanap sa kanila ang nasa kabilang linya. Nanginginig ang kamay na sinagot ang teleponong kanina pa tumutunog." Mommy" bungad kaagad ng tumawag, pagsagot niya sa telepono. Kilala niya ang munting tinig na iyon tinig na mula sa kanyang si Kyle. Halos maiyak na siya ng marinig ang boses nito . "Kyle anak nasan kayo ni Yna? Sino kasama ninyo?” sunod-sunod na tanong ni Julianne d
Sa dalawang taong palipat-lipat ng lugar, napadpad sina Julianne sa Maynila kasama ang dalawang bata na sina kyle at Yna. Namuhay sila roon na pilit nagtatago sa nakaraang ayaw na niyang balikan. Mabuti na lang at ang kanyang trabaho ay hindi na nangangailangan pang lumabas ng bahay at iwan ang mga bata. Kasa-kasama niya sila kahit saan man magpunta. Ayaw niyang iwanan ang mga bata sa takot na baka hindi na niya maabutan pa. Sa takot na dinaranas niya sa pagtatago sa mga naghahanap sa kanila. Kaya hindi na magawang magtiwala pa ni Julianne sa kahit na sino. May sarili siyang negosyo na pinapalakad, ngunit ang kanyang matalik na kaibigan ang pansamantalang namamahala nito. Ang tangi lamang niyang ginagawa ay ang pag-aralan ang mga report na pinapadala nito sa kanya. Samantala, si Dave kapatid ni Darwin, ay dalawang taon nang naghahanap sa mga nawawala nitong pamangkin. Lumuwas siya sa probinsiya pagkatapos niyang mabalitaan ang nangyaring pagpatay sa kanyang kuya Darwin at







