Chapter 1 Bigla akong napasinghap nang malalim, paulit-ulit, at saka mabilis na idinilat ang aking mga mata. Hawak ko ang aking dibdib, habang nanginginig pa ang buong katawan ko. Kasunod ay ang pagkapa sa aking tagiliran na tinamaan ng bala. Pero bakit walang dugo? Walang sugat? Nilingon ko ang sarili sa isang malaking salaming nasa harapan ko. Ako nga ito, ngunit bakit wala ako sa araw ng kasal ko? Wait, nagpalinga-linga ako sa paligid. I am on the flower shop. Am I choosing the kind of bouquet I want on my wedding? Nananaginip ba ako? Or, did I traveled back in time? Naaalala ko pa kung paano kami naging bihag ng West Central Clan. At higit sa lahat, hinding-hindi ko malilimutan ang malamig, walang pakialam na boses ng aking fiancé na si Kevin nang papiliin siya ng mga armadong tao kung sino ang ililigtas niya. Isa lang dapat sa amin ni Jena-ang first love niya. "Save Jena! Please, just save Jena!" basag ang boses ni Kevin, habang nakaluhod sa sahig at nakatingin sa kaniyan
Huling Na-update : 2026-11-12 Magbasa pa