"Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind
HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace
"Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape."Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas."Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano."Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.Ngayong araw ay may importante akong misyo
Hindi ako makapaniwala dahil makakapunta ko sa ibang bansa! Nakatakda kasi ang emergency business trip ni Mr. Montano at Mr. Fuentez sa Hong Kong ngayong linggo. At sympre ay kasama ako!Abala man ako sa pagarrange ng aming flight at paghahanap ng hotel accommodation ay okay lang. Magkahalong excitement at saya naman ang nararamdaman ko dahil makakasakay na ako ng eroplano."Hi, Jenna!" Masayang bati ng pumasok na lalaki. Si Mr. Fuentez na pala ito."Good afternoon po, sir." Umupo ito sa sofa na
"Sir, dun po ako pipila sa economy class. For business class lang po kasi to." Pagpapaliwanag ko naman.Nangunot ang noo nito, "Who told you to book in economy class?" Tanong ulit nito at diretsong tumingin sa mata ko habang nagaantay ng sagot.Ay, nako ayan na naman sya. Pwede namang walang eye to eye contact, nakakailang kasi."Wala naman pong nagsabi, pero... " Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil pinutol nito ang dapat ay sasabihin ko.
Maaga akong gumayak dahil madami daming meetings ang nakaschedule ngayong araw. Walang katapusang meetings.Sa kalagitnaan nga ng araw ay nanakit na ang binti at paa ko, ang lalawak ng mga buildings at lugar dito.Itinour din kasi kami sa building na pagaari ng isa sa mga investors na kameeting ni Mr. Montano.Pupunta ka nga lang sa kabilang bahagi ng kwarto ay hihingalin kanatalaga. Dagdag pa dun ay nakaheels ako, feeling ko tuloy ay puro paltos na ang mga paa ko. Kung alam ko lang na gan
Kagabi lang ay kilig na kilig ako, ngayon naman ay kabaligtaran.Totoo pala yung kasabihan, na kapag sobrang saya mo ngayon ay may paparating na kalungkutan.Humiga muna ako para makapagpahinga, may gagawin pa akong trabaho pero tinatamad ako. Mamaya na lang siguro.Hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino yung babaeng yun.
Mugto na ang mga mata ko ng dahil sa kakaiyak. Hindi ko na din nagawang kumain ng dinner at nagkulong na lamang sa kwarto.Hindi ko pa rin matanggap ang sinabi ni Mr. Montano. Hindi mawala sa isip ko ang galit nyang mukha at kung papano nya ako sinigawan kanina.Tuloy tuloy pa rin sa pagpatak ang aking mga luha habang nakadapa sa kama.Sa totoo lang ay hindi ko s
Bukas na nga pala ang huling araw namin dito sa Hong Kong. Tyak na magiging busy dahil may isa pang meeting si Mr. Fuentez at Mr. Montano bago ang flight namin bukas ng alas-5 ng hapon.Pabalik na kami sa hotel at naglalakad na ng sumulpot sa harap ko si Mr. Fuentez. Kanina lang ay nasa tabi ito ng boss at may pinaguusapan kaya naman medyo nagulat ako dito."Why don't we take a stroll around the city?" Nakangiting tanong nito sa akin."Hindi na po, gusto ko po kasi sanang magpahinga." Pagdadahil