Matamang pinanonood ni Athena si Enzo habang naghahalo ng iba't ibang ingredients upang makabuo ng cupcakes. Sabado noon at dahil medyo maluwag luwag ang kanilang schedules, nagkayayaan ang magkakaibigan na tumambay sa mga Trevino nang hindi ipinaalam kay Enzo. Nauna lamang siya sa mga kaibigan. Nagulat pa nga si Enzo sa kanyang pagdating na noon ay pupunta na rin sana sa kanila.
Naroon sila sa kusina ng mga Trevino. Napagpasyahan ni Enzo na ipag bake siya ng cupcakes. Palibhasa ay isang chef ang mama ni Enzo ay kumpleto sa ingredients ang pantry ng mga ito.
"Watch out princess. This one's for you." Ngumiti ito na sintamis ng amoy ng mga ingredients na sumama sa hangin sa work area. Sa ngiti pa lang ni Enzo, parang walang kapaguran nagtatambol ang kanyang puso.
Iniangat niya ang ulo para tignan ito.Nakatitig naman ito sa kanya. Sa ga-dangkal n
Mabilis na kumalat sa kanilang lugar ang ganap sa pamilya Trevino. Hindi man tsimoso at tsismosa ang mga tao sa kanila, batid niyang nakaabot na rin sa kaalaman ng kanyang mga magulang at kapatid ang pangyayari. Kasalukuyan silang nasa hapag kainan at nag - aalmusal. "How's your sleep anak?" tanong ng ama sa kanya. "Okay lang naman po." aniya sa pagitan ng pagsubo ng pagkain. Pilit niyang nilulunok ang pagkain kahit ang totoo, wala talaga siya sa mood kumain. Napasulyap naman siya sa kanyang kapatid na kagaya ng ina ay nakamasid sa kanyang ginagawa. Agad itong umiwas ng tingin at nagkunwang busy sa pagkain. Hindi man sabihin ng mga ito, ramdam naman niya sa nakikisimpatyang tingin ng mga ito ang malasakit sa kanya. Mas lalong naging attentive sa kanya ang mga magulang maging ang kanyang Kuya Achil
Napabuntung – hininga si Miles habang nakatingin sa halos di nagalaw na pagkain sa plato ni Athena. “Sis, kain ka naman kahit kaunti lang.” ani Karren sa kanya. Himalang wala sa cellphone ang atensiyon nito ngayon. Mataman itong nakatingin sa kanya. Pilit syang ngumiti sa kaibigan. Marahan niyang kinuha ang kutsara at tinidor bago nagsimulang sumubo. Pinilit niyang kumain upang hindi mag – alala ang mga kaibigan. Halos lunukin na lamang niya ang pagkain sa pagpilit na ipakita sa mga kasama na kumakain siya. Tumigil lang siya nang halos mangalahati na ang nakain niya. “I’m so sorry.” Apologetic na sabi ni Mhelrose. “Narinig ko lang naman kasi na sabi ni Mama kanina.” Ibinalita kasi nito
"So you already officially broke up with him. Don't you worry Best, you'll get by. There's a lot of things na puwede mong pagkaabalahan." Umiling - iling siya sa kaibigan. "I don't know Best. Alam kong iba na ang sitwasyon namin ni Enzo. Hindi ko pa rin lubos maisip na mauuwi kami sa ganito. Aside from you, alam mo namang sa kanya ako pinakamalapit. He's my boy best friend before we've got into a relationship. Matagal kong pinangarap iyon. We built sandcastles together and promised to stay with each other forever. Our forever seems to have an ending." "Wala na tayong magagawa Best. Andyan na iyan. All you have to do right now is accept the fact na may mga bagay na hindi umaayon sa ating sariling kagustuhan." "You're right." aniyang pinalis ang mga luha sa kanyang pisngi. "Cheer up. It's not the end of the wor
Gulat na gulat si Athena nang pagbuksan nito ng gate si Martin. Araw noon ng Sabado at alas otso pa lamang ng umaga. "Mart.. what brought you here? Ang aga mo." nababaghang sabi niya sa nabungarang bisita. "Dumaan lang ako." kaswal na sabi sa kanya ni Martin. Noon naman dumating ang kanyang ina, ama at kapatid. "Good morning po Tita, Tito, Kuya Achilles." Isang malaking pumpon ng bulaklak ang iniabot nito sa kanyang ina. Gayundin sa kanya na sinamahan nito ng isang box ng black forest cake. Prutas naman para sa kanyang ama at kay Kuya Achilles. "Hijo, ang aga mo naman. Nag - almusal ka na ba?" ang tanong ng kanyang ina. "Opo, Tita. Pasensya na po kayo kung napaaga ako ng pagpunta dito. May pinuntahan lang po ako sa malapit dito kaya dumaan na
Wala na siyang nagawa nang magpilit pa si Martin na ihatid siya sa kanilang tahanan. Pabor na pabor naman si Miles na agad itinulak si Martin sa loob ng tricycle at siya namang sumakay sa likod ng tricycle driver. Pagkarating sa kanilang tahanan ay mabilis silang umibis ng tricycle. Nilikom at pinagpag nila ang dalang payong bago inilagay sa isang tabi. "Oh Athena, Martin.. pasok, pasok. Bilis at ang lakas ng ulan. May bagyo pa yatang darating eh." anang kanyang ina. "Bakit naman kayo sumuong na sa ulan. Sana'y nagpatila na muna kayo bago umuwi." sabi ng kanyang ama na sinalubong din sila. "Sorry po. Naisip po kasi namin na aabutin na po kami ng gabi kung hindi pa kami uuwi." Mabilis silang pumasok sa loob ng kabahayan sa sobrang lamig n
Maaliwalas na ang kalangitan tanda na lumipas na ang bagyo. Pupunta sana siya kina Miles ngunit napansin niya ang nagsitumbahang mga puno sa parke. Agad niyang pinuntahan ang puno ng rambutan na itinanim nila ni Enzo na anila ay tanda ng kanilang pagmamahalan. Nanlumo siya nang makita nabunot ang ibang ugat nito. Kakaunti na lang ugat ang nag - uugnay dito at sa lupa. Nanghihinang napaupo siya swing doon. Ilang taon. Ilang taon niyang hinintay at minahal si Enzo. Si Enzo lang, walang iba. Nang maging maayos naman lahat sa kanila, saka sila magkakaroon ng matinding problema. Parang itong puno lang. Noong panahong bata pa ay hindi man lang nagupo ng bagyo. Ngayong kung ilang panahon nang nakatanim, Bagyong Andoy lang pala ang magpapasuko dito. Sa kaso nila ni Enzo, isang Natalie na kailan lang nito nakilala ang magpapabago sa la
Maaga pa lang ay nasa kanila na si Martin para sunduin siya. Ngayon sila nakatakdang mag ocular visit sa Tierra Verde Nature Resort sa bayan ng Cuenca, Batangas. "Ingatan mo ang anak namin Martin ha." bilin pa ng kanyang ama bago sila umalis. "Opo, Tito." nakangiting tugon ng binata. "Mabuti naman." Matapos ang ilan pang katakot takot na habilin ay nakaalis rin sila. Sakay siya sa kotse ni Martin habang convoy naman sa kanila sina Miles at Jim na isinama na rin sina Mhelrose at Jerson. Halos kalahating oras lang ay narating na nila ang nasabing resort. Magalang naman silang agad na sinalubong ng staff doon. Iginiya sila ng mga ito buong lugar upang ipakita na ang accommo
Hindi maiwasang mapangiti ni Athena habang tinitignan si Martin na kasalukuyang nag - aabot ng pagkain sa mga batang kumatok sa sasakyan nito kani - kanina lang pagkalabas nila ng convenience store. Aarangkada na sana ito nang biglang katukin ng dalawang bata ang windshield ng sasakyan. Namamalimos ang mga ito at sa halip na pera ang ibigay ng binata ay ang binili nitong pagkain para sa sarili ang iniabot nito sa dalawa. Sinabihan pa nito ang mga bata na hangga't maari ay sa kani - kanilang tahanan na lang sila at delikado ang kanilang ginagawa. Nakita niya ang sarili niya sa mga batang ito noong panahong helpless din siya. Si Martin, bukod sa kanyang mga kaibigan ang umalalay sa kanya at nagpangiti sa kanya. Hindi siya nito iniwan sa panahong kailangan niya ng karamay. Alam niya na busy din ito ngunit kahit gaano ito ka busy ay naglalaan ito ng oras sa kanya. Nang makapagp