Ch奴ya

ABO Personality Quiz
Take a quick quiz to find out whether you‘re Alpha, Beta, or Omega.
Scent
Personality
Ideal Love Pattern
Secret Desire
Your Dark Side
Start Test
For the Love of Rafael
For the Love of Rafael
Papangarapin mo ba ang isang bituin sa langit, kung ikaw ay isang hamak na maglulupa lamang? Si Rada Buenavista - ang bratinelang heredera. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - Rafael Samaniego. Saan hahantong ang isang pagtatagpo na babalutin ng samut-saring lihim? Handa ba sila sa isang katotohanan na magsasadlak sa kanila sa lusak ng poot at galit? At magdadala sa kanila sa labis na kabiguan at kapighatian. Saan sila dadalhin ng kanilang katatagan? Kung ang pinaghuhugutan nila ng lakas ang sa kanila'y siya ring dudurog at wawasak.
Not enough ratings
|
60 Chapters
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan
Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
10
|
60 Chapters
My Only Love
My Only Love
Isang ubod lalim na paghinga ang ginawa ni Anya bago inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Pagkatapos ay sinuot niya ang de- kulay na salamin sa mata. Sinukbit ang signature na shoulder bag at maingat na hinila ang katamtamang maleta. Marahan siyang naglakad palabas ng paliparan. Dalawampu’t taon ang lumipas ng lisanin niya ang bansang Pilipinas para manirahan sa Amerika. Baon ang labis na hinagpis at pagkabigo sa pag-ibig ay nakipagsapalaran sya sa ibang bansa. Kaya naman ngayon sa muling pagtapak ng kanyang mga paa sa bansang kanyang tinakasan ay may kung anong pakiramdam sa dibdib niya ang hindi niya sukat mawari. Isa lang ang sigurado si Anya naroon pa rin ang bigat sa puso niya. Tila nanariwa ang pighati na dulot ng nakaraan. May butil ng luha na gustong bumukal sa sulok ng kanyang mga mata. Agad niyang pinawi iyon at pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Mayroon siyang mahalagang pakay sa kanyang pagbabalik. Iyon ay ang lalaking kanyang inibig ng wagas subalit nagawa niyang talikuran. Subalit lagi na’y naroon ang katanungan sa isip niya. Kaya ba niya itong harapin? Handa ba siyang anihin ang poot at galit ni Clark sa kanilang muling pagtatagpo? Pagka’t ang tingin na ng lalaki sa kanya ay isang talusira.
Not enough ratings
|
35 Chapters
Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
“I will agree to whatever you want, Ms. Aragon. I will give you a million, but in return, you'll be my mistress and partner in bed...” Hindi kaagad nakahuma si Lalaine sa sinabing iyon ng lalaki. Paano mangyayari ang gusto nitong maging kabit siya gayong kasal sila? “P-Pero kasal tayo, hindi ba?” naguguluhang tanong naman ni Lalaine na may munting kirot sa puso. “Sa papel lang tayo kasal, Ms. Aragon,” sagot naman ni Knives na bakas ang iritasyon sa tinig. “Hindi ko na uulitin ang tanong. Ano ang sagot mo?” malamig pa tanong sa babae. Dahil wala nang pagpipilian pa ay sumagot si Lalaine kahit labag sa kanyang kalooban, “S-Sige, pumapayag ako...” Si Knives Dawson, ang pinakamayamang businessman sa buong Luzon ay palihim na ikinasal sa isang ulilang dalaga na si Lalaine Aragon. Napilitan lang na magpakasal ang dalawa sa isa't-isa dahil sa kagustuhan ng kanilang mga minamahal na lola. May mamagitan kayang pagmamahal sa dalawang taong langit at lupa ang agwat ng katayuan sa buhay? Paano kapag nalaman ni Lalaine na mahal pa pala ng lalaki ang first love nito at nakatakda nang magpakasal ang dalawa. Ipaglalaban ba niya ang kanyang karapatan bilang asawa gayong alam niyang walang pagmamahal si Knives para sa kan'ya?
9.5
|
656 Chapters
MY SON'S DADDY is a MAFIA
MY SON'S DADDY is a MAFIA
WARNING ⚠️ SOME SCENES CONTAINS WORDS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS..!! READ AT YOUR OWN RISK ...!!! Dala ng matinding bugso ng damdamin sa pagdadalaga Amber Rizalyn Joy got pregnant at the age of seventeen, without knowing who is the man she slept with on that night. Paano kung isang araw ay makakaharap niya ang lalaking kamukhang-kamukha ng kan'yang anak? Would it be possible that the man in front of her is the father of her son? Paano kung bigla na lang itong sumulpot sa kan'yang harapan kasama ang kanilang anak at yayain s'yang magpapakasal? Kaya n'ya bang tanggihan ang alok nito sa kabila ng nasaksihan n'yang pagmamakaawa ng kan'yang anak sa ama nito na pakasalan s'ya at buoin ang kanilang pamilya. Ano ang naghihintay na buhay sa kanilang mag-ina sa piling ng isang mafia? Magiging reyna kaya s'ya sa puso ng lalaki o magiging asawa lang dahil sa anak nila? Paano kung isang pagsubok ang dumating sa kanilang pagsasama? Pagsubok na s'yang sisira sa tiwala nila sa isat-isa kasama na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mananaig kaya ang nabuong pagmamahalan laban sa tiwala na nasira at nawasak?
10
|
208 Chapters
THE GAME MAKER (SPG)
THE GAME MAKER (SPG)
BLACK MAFIA SERIES Warning: Hard SPG ️ The real Mafia does not valued honor and loyalty. Guns, drugs and money. He drawn by a lust for power. Tristan Geller o Dos ang tawag sa kan'ya ng mga kaibigan niya. Ang bilyonaryong walang kinatatakutan kung sino man ang kan'yang babanggain pagdating sa mga illegal na negosyo. Pinasok niya ang negosyo sa pagbibinta ng mga matataas na klaseng mga baril, pagbibinta ng iba't ibang klase ng drugs at pagpapatayo ng mga sugalan. Matalino, tuso at magaling maglaro pag dating sa mga kalaban niya sa negosyo. Pero paano kung ang katapat niya lang ay ang inosenteng babae na walang kaalam-alam sa mundo. Si Kath Antonio, na nagtatrabho sa kompanya ni Lewis Kingston. Naging magulo na ang mundo niya nang makilala niya si Tristan Geller dahil sa kanyang katangahan na akala niya boyfriend ng kaibigan niya nagtaksil, kaya sinampal niya ito sa harap ng maraming tao. Hindi niya lubos akalain na sobrang yaman ng lalaking ipinahiya niya. Pinakidnap siya at doon nagsimula ang kan'yang miserableng buhay.
10
|
93 Chapters

Paano Isinusulat Ang Character Arc Ng Paghilom Sa Nobela?

4 Answers2025-09-09 23:57:58

Aba, kapag sinusulat ko ang paghilom ng isang karakter, lagi kong inuumpisahan sa maliliit na butas sa kanilang araw-araw na buhay — hindi biglaang epiphanies sa isang labanan o sa isang monologo. Sinasadya kong ipakita ang pinsala sa pamamagitan ng mga mali-maling gawain na paulit-ulit nilang ginagawa: ang pagkakatulog nang huli dahil sa pag-iisip, ang pag-iwas sa mga kaibigan, o ang pag-iyak sa mga walang kabuluhang bagay. Ito ang mga eksenang nagtatak sa mambabasa na may problema talaga at hindi lang plot device.

Pagkatapos, hinahayaan kong maglaro ang mga micro-victories. Hindi ko nilalagyan ng instant cure ang karakter; sa halip, may maliit na tagumpay na sumusunod sa maliit na kabiguan. Halimbawa, mapipilit siyang humarap sa isang tao na kinatatakutan niya, may magaganap na hindi perpekto na pag-uusap, at dito mo mararamdaman ang unti-unting pagbabago. Mahalaga ring maglagay ng isang tao o ritwal na magsisilbing salamin o test — hindi para iayos lahat, kundi para bigyang hugis ang paglago.

Sa dulo, gusto kong mag-iwan ng matibay ngunit realistang pagbabago: di na perpekto, pero may bagong balanse. Ang clímax ng healing arc ko ay hindi lang emosyonal na pag-iyak kundi isang praktikal na gawa: paghingi ng tawad, pag-aalaga sa sarili, o pagbalik sa isang lugar na dati nilang iniiwasan. Yun ang nagiging tunay na panibagong simula para sa karakter — at ako, bilang manunulat, laging masaya kapag ang pagbabago ay ramdam at hindi ipinasok lang para matapos ang plot.

Paano Na-Adapt Ang Pikit Mata Sa Pelikula?

3 Answers2025-09-22 07:59:16

Isang kamangha-manghang kwento ang nakuha natin mula sa 'Pikit Mata', tahimik na naglalakbay sa mundo ng mga pangarap at mga lihim. Ang pagkaka-adapt ng nobelang ito sa pelikula ay naging isa sa mga pinakamagandang pagdaloy ng sining mula sa papel patungo sa screen. Sa paghuhubog ng pelikula, talagang pinanatili ng mga manunulat at direktor ang esensya ng orihinal na kwento. Ang masikal na aspeto ng paglalakbay sa kalaliman ng mga pangarap ay nagsilbing pangunahing pader sabuo ng narrative. May mga eksena na nagbigay-diin sa mga simbolismo, tulad ng mga pader na nakapaligid sa ating mga pangarap—gusto nilang ipakita na may mga hadlang talaga na dapat nating lampasan.

Ang cinematography ay kahanga-hanga! Nakaka-inspire ang mga kulay na ginamit, kasama na ang mga shadow na nag-ambag sa misteryo at pagka-dreamy ng buong konsepto. Ang mga disenyong ginagamit para ipakita ang mga eksena sa ating unconscious mind ay talagang nagbibigay-daan sa mga manonood na maramdaman ang hirap at saya ng mga karakter. Bagamat may ilang mga pagbabago sa ilang detalye kumpara sa nobela, masasabing ang paninindigan ng mga tauhan at kanilang udto (motivation) ay na-preserve nang mabuti.

Ang mga aktor ay nagbigay ng makabagbag-damdaming performances na nagpatunay sa pagkaramdam ng audience sa samahan at pagsubok ng mga karakter. Ipinakita sa pelikula ang mas malalim na emosyonal na konteksto, lalo na sa mga tao na sa huli, kahit sa mga pangarap, ay may kapasidad parin tayong lumaban sa mga kalaban na nag-eescape (sumisiksik) sa ating isipan at diwa. Isa itong pagyakap sa ating mga takot at pangarap sa salamin ng realidad at imahinasyon.

Anong Pelikula Ang Na-Adapt Mula Kay Lam Ang Author?

5 Answers2025-09-14 04:22:45

Tuwang-tuwa ako kapag napag-uusapan ang mga epikong Pinoy, kaya sisimulan ko nang diretso: ang pelikulang kadalasang tinutumbok kapag sinasabing inangkop mula kay Lam-ang ay ang pelikulang 'Biag ni Lam-ang'. Ito ay bumabalik sa matandang Ilokano na epiko na umiikot sa buhay at pakikipagsapalaran ni Lam-ang, ang bayani na may kakaibang kapanganakan, kakaibang lakas, at napakaraming kuwento ng pag-ibig at pakikipaglaban.

Hindi lang isa ang anyo ng adaptasyon — may mga bersyong pampelikula, maikling pelikula, at mga pagtatanghal sa entablado at telebisyon na kumukuha ng materyal mula sa epiko. Sa karanasan ko, ang pinaka-nakakatuwang bahagi ng mga adaptasyong ito ay kung paano nila isinasalin ang mitolohiyang ilokano sa mga modernong lebel ng sinematograpiya: naiiba ang tono, may mga dagdag na eksena para mas magka-hook sa mga manonood, at kung minsan nag-eeksperimento sa visual style para gawing mas accessible ang sinaunang kwento. Sinong hindi mae-excite sa isang pelikulang nagpapakita ng kultura at alamat ng rehiyon sa ganitong paraan? Sa tingin ko, kung bibigyan mo ng magandang produksiyon at puso ang kuwento, ang 'Biag ni Lam-ang' bilang pelikula ay kayang magbigay ng bagong pagmamahal sa epikong ito.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status