
ONE NIGHT STAND WITH MR.MAYORAres Edriel Ledezma lalaking mas matibay pa sa bakal ang prinsipyo at paninindigan. Kaya n'yang ibigay maging ang sariling buhay maprotektahan lang ang bayang minamahal.
Almera Leonor Villafuerte isang dalagang anak ng makapangyarihang Congressman sa Camarines Sur. Nagpanggap s'ya bilang si Maria na pangkaraniwang babae.Ngunit, sa hindi n'ya inaasahan na sa katauhan ni Maria mahahanap n'ya ang tunay niyang sarili at natagpuan n'ya ang lalaking gagawin ang lahat para sa kaniya.
Pagkatapos ng anim na taon na pananatili sa America, naisip ni Almera Villafuerte na umuwi sa Pilipinas. Nag-krus ang landas nila ni Ares Ledezma at pinagsaluhan ang isang mainit na gabi.
Nagpanggap na pangkaraniwang tao si Almera sa katauhan ni Maria na isang apo ni Nanay Maribeth. Lingid sa kaniyang kaalaman na malapit 'din dito sa Ares Ledezma at dahil sa matanda ay naging malapit ang loob nila sa isa't-isa hanggang sa nalaman ni Ares na nagdadalang-tao ang dalaga kaya inalok n'ya ito ng kasal.
Ngunit, nag-iba ang takbo ng bawat pangyayari ng malaman ni Ares na iba ang katauhan ng babaeng lubos n'yang minahal at pinagkatiwalaan.