Hahamakin Ko ang Lahat“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.”
Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap.
Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata.
Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang.
Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy.
Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal.
Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko.
Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag.
Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso:
“Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.”
Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry.
Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie:
“Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.”
Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad.
Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog.
Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya?
At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?