Mine ang Baklang CEO
Parang dinudurog din ang aking pagkatao dahil doon subalit handa akong magtiis para kay lolo, Jude at sa puso kong nagsisimula nang magmahal muli.
"Nasisiraan ka ba talaga, JM? Ikaw na rin ang may sabi na narinig mong sinabi niya sa fiance niya na ginagamit ka lang niya para makuha ang yaman ng Montefona, 'di ba? Huwag ka ngang umasa. Si Jude ang isipin mo," sermon sa akin ni Althea. Tinawagan ko siya ng makaalis na ang mga lalaki.
"Si Jude nga ang inaalala ko kaya hindi ako makaalis ng bahay niya. Ayaw ko rin makulong. Napapansin ko rin na okay na naman ulit ang pakikitungo niya sa akin," katwiran ko.