Love and Potion
His presence doesn't bother me at all.
Natapos ko na ang binabasa kong novel pero nandito pa din si Craig. Inabot na nga ako ng hapon dito.
Nakailang order din ako. Bawat oras umo-order ako kaya busog na busog din ako.
Nag-inat-inat ako bago ako umalis.
~~~~
Hindi ako makatulog kaya nagpasya akong maglakad-lakad sa labas.
Nakarating ako sa may sports complex may trenta minuto ang layo mula sa bahay. Sasabayan ko iyong mga taong nag-j-jogging ngayong gabi.