LOGINAnne came from an Island in the province of Leyte. She was raised by an old couple who wasn't blessed with child. Nang mapalayas sila sa kanilang bahay, nagpasya sila na lumuwas ng Manila upang doon makipagsapalaran. Napadpad sila sa Quiapo. Upang mabuhay, nagbenta sila ng mga halamang gamot at kung ano-ano pa. Doon nakilala ni Anne si Rose, isang nakakatuwang babae na mayroong guwapong asawa at higit sa lahat bilyonaryo. The kind woman take her into her house and offered her a job. At doon niya nakilala ang guwapong si Craig, na huli na niyang napagtanto na hindi pala Craig ang pangalan nito kundi Marko. Paano niya mababawi ang gayuma na napainom niya kay Craig dahil sa pag-aakalang siya si Marko? Na inakala niyang si Craig. Ang gulo! Pero mas magulo pa ang isip niya dahil pakiramdam niya tumatalab na ang gayuma na napainom niya kay Craig dahil wala ng ginawa ito kundi ang buntutan siya at hiritan ng kaniyang mga corny na pick up lines. "Miss, may mapa ka ba diyan? Gusto ko kasing malaman ang tamang daan papunta sa puso mo."
View MoreHindi maganda ang gising ko. Kanina ko pa hinahanap si Craig pero ang sabi ng mga maid ay umalis daw ito. Hindi ko alam kung saan pumunta. Hindi man lang nagpaalam sa akin. Baka bumili lang siya ng prutas. O kaya naman ay bumili ng bulaklak. Ganoon naman siya araw-araw. Sinisigurado na napapasaya niya ako. Pero tanghali na. Lunch time na, pero wala pa ding Craig na nagpapakita. Hinanap ko si Mommy sa labas pero wala daw ito sabi ng isa sa kasambahay. Wala sila. Ako lang mag-isa dito sa mansyon. Suddenly I felt lonely, pero nangingibabaw iyong iritasyon. Three pm. Gusto kong magmeryenda pero gusto ko sanang si Craig mismo ang mag-asikaso sa akin. But he's nowhere to be found and I'm getting mad and mad each passing minute. Urgh! "Xandria, ano'ng gusto mong snacks?" tanong ng maid. I shook my head. Wala."Gusto mo ng fruit salad?""Cake?"Nagsimula silang mag-suggest at manghula. Talagang ginagawa nila ng maayos ang trabaho at binilin sa kanila na gagawin kahit pa mainis ako. B
Ilang araw ng puyat si Craig, hindi dahil sa cravings ko sa sex, kundi dahil sa katakawan ko. Malakas na akong kumain at kung kailan dis-oras ng gabi at patulog na ako, saka ako nakakaisip ng kung ano-anong pagkain. Gusto kong kumain ng mga prutas na nasa iba't ibang mundo. Pero syempre, hindi naman ako puwedeng umalis, para makapunta ng mga bansa at kumain ng mga prutas nila. Umo-order si Craig online. Iyong iba, ang tagal dumating. Hindi ko siya pinapansin. Hindi ako nakatulog ng maayos sa magdamag, dahil umasa ako na dadating na iyong sampung prutas na pangako niya. "Dapat kasi nagpunta ka na lang doon, para ikaw mismo ang bumili at nagbitbit nung gusto kong prutas!" himutok ko. Nanlalata ako at nayayamot dahil wala akong ibang nasa isip kundi iyong mga prutas na iyon. Baka ngayon, nagdadalawang isip na siya kung gusto pa din niya akong pakasalan dahil sa ugali ko. Nagkamot siya ng ulo. "Ayaw akong payagan ni abuelo, baby. Huwag ka ng magalit sa akin. Tumawag na ako sa courie
Nakahiga si Craig sa sofa. Ako naman ay dito sa kama. Sinabi kong ayaw ko siyang makatabi at hindi na din niya pinilit pa ang gusto niya. O ayaw niya talaga akong makatabi. Nakatulog na siya. Nakanganga pa nga na akala mo pagod na pagod. Mas lalo lang tuloy akong hindi makaramdam ng antok. Nayayamot ako sa kaniya. Parang gusto ko siyang batuhin ng unan. Napaayos ako ng higa. Tinitigan ko ang chandelier. Ang ganda-ganda talaga ng chandelier na 'to. Pinakabit ito ni Daddy para sa kuwarto ko. Nakita kasi niyang gustong-gusto ko iyong chandelier doon sa auction house nang bago pa lang ako dito sa Spain. Binili niya ito sa may-ari. Busy sila ni Lolo kaya sa mga material na bagay na lang sila bumabawi sa akin, sa amin ni Mommy. I sighed. Napatingin ako kay Craig. Sana hindi siya magaya kay Daddy na masyadong workaholic. Alam kong nalulungkot si Mommy kapag ganiyan na umaalis si Daddy. Ayaw kong maging malungkot. Ayaw ko ng makaramdam ng lungkot. Naupo ako. Nilabas ko ang aking journal
"D-Daddy..." Tumalikod na si Daddy. Si Mommy naman ay nakangiwi na sumunod sa kaniya. Nakatanga naman si Lolo at maya-maya pa ay tumikhim siya. Nagmamadali ko namang sinuot ang aking tshirt. "Let's talk in the conference room," sabi ni Lolo. "Sì, Tata...""Umalis ka na," sabi ko kay Craig. Nalukot naman ang kaniyang mukha. "I won't leave...""And who told you that you can leave?" tanong naman ni Daddy. Hindi pa ito nakakalayo. Masungit na tumikhim si Lolo. Pinandilatan ko naman si Craig, pero hindi siya nakinig sa akin. Nauna pang maglakad kaysa sa akin. Nakarating na kami sa loob ng bahay. Nakasunod si Craig kina Mommy at Daddy. Si Lolo naman ay naglalakad sa gilid ko habang may sinasabi sa kaniyang assistant. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ibang lengguahe ang gamit niya. Hindi ko pa ito natutunan, hindi pa ako nakapag-take ng lesson. Apat na lengguahe pa lang ang natututunan ko. Pagod na pagod ang pakiramdam ko bago pa man kami makarating sa conference room. Sobra












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore