Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)

Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)

Handang isakripisyo ni Agathe Clementine Capucine ang lahat para sa kanyang ina. Napilitan siyang makipagkasundo kay Gunther Percival Silvestri, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya na namuno sa Stonewood City sa loob ng maraming siglo, dahil nasa panganib ang buhay niya at ng kanyang ina. Maliban sa pagpapagamot ng kanyang ina at maligtas ang kanyang buhay, inisip niya kung ano pa ang maaaring mangyari. Hindi niya inaasahan, gayunpaman, na sa gabing iyon, siya ay ikakasal kay Gunther at magpapanggap bilang kanyang tapat na asawa habang pumipirma ng kontrata para gawing pormal ang kanilang pagsasama. Nag umpisang maguluhan si Agathe habang lumilipas ang mga buwan. Nakikipaglaro pa ba siya, o nakahanap na ba ng paraan si Gunther para makuha ang wasak na puso niya?
Romance
488 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Manugang kong Hamak

Ang Manugang kong Hamak

Nagpanggap na mahirap si Sabrina Gabrielle Madrigal, ang bunsong anak sa tatlong magkakapatid na anak ng kilalang Business Tycoon na si Don Felipe Madrigal. Namuhay ng simple at nakihalubilo sa gitna ng mga taong hindi niya kapantay ang estado sa buhay. Pinili niyang bumaba sa pedestal na kinalalagyan, iyon ay dahil kay Vladimir Hidalgo na isang gwapong Varsity Player na nakapag-aral lang dahil sa scholarship. Paano kung ang lalakeng pinangarap at minahal ng higit sa sarili ay ito pa pala ang magsadlak sa kaniya sa mala-impyernong buhay? At ano ang magiging bahagi ng isang Zachary Montefalcon sa buhay ni Sabrina Gabrielle na nakilala lang nito dahil sa isang aksidente? Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti. Ano ang mananaig?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

Si Dylan Asher del Valle, isang sikat at mayamang psychiatrist, ay mayroong lahat maliban sa tunay na pag-ibig. Isang hopeless romantic at possessive, patuloy siyang naghahanap ng babaeng mamahalin siya ng buong puso. Samantala, si Xena Celeste, isang simpleng dalaga at anti-romantic, ay kuntento sa kanyang buhay at pamilya. Ngunit ang lahat ay magbabago nang magtrabaho si Xena bilang sekretarya ni Dr. Dylan. Sa loob ng isang buwan, puro pang-aapi ang natanggap ni Xena mula sa kanyang boss. Ngunit dahil sa pangangailangan sa pera, nagtitiis siya. Isang araw, aksidenteng nasaksihan ni Xena ang mapait na hiwalayan ni Dylan sa kanyang kasintahan, na akala niya ay magpapakamatay. Kung kaya sinagip niya ito. Dahil dito, inalok ni Dylan si Xena ng isang kakaibang deal: isang "Dating Experiment" para sa kanyang research, kapalit ng 6 milyon. Ang twist? Si Dylan mismo ang magiging "boyfriend" ni Xena sa experiment. Pagkatapos ng isang buwan, kailangan nilang magpakasal para sa susunod na level, at manirahan sa iisang bubong. Sa gitna ng isang kontrata na puno ng mga clause at kondisyon, haharap si Xena sa isang malaking pagsubok. Mapapanalo kaya ni Dylan, ang isang hopeless romantic, ang puso ng isang anti-romantic na babae? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang Dating Experiment? At higit sa lahat, matutuklasan kaya ni Xena ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?
Romance
1027.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Mamahalin mo Kaya?

Mamahalin mo Kaya?

Hindi sukat akalain ni Marisse na dahil sa isang pangyayari ay magbabago ang pananaw niya sa buhay . Kung kaylan pinili niya ang magpakatino ay saka naman niya malalaman na puro lang pagkukunwari ang pinakita at pinaramdam ng taong nagkakaroon na ng puwang sa kaniyang puso. Makakaya ba niya ang magpakabait para lang mahalin nito o babalik ang dating siya na inaayawan ng lahat?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

Ang akala mo mala-fairytale ang kanyang buhay kasama ang lalaki na pinakasalan niya ngunit nagkamali siya na matuklasan ni Tiffany Gonzales ang pagtataksil ng kanyang asawa kaya hiniling nito ang kalayaan. Pagkatapos malagdaan ang divorce paper ay focus lamang si Tiffany sa kanyang anak. Ngunit sa hindi inaasahan ay nagkasakit ang kanyang anak kaya nakilala niya si Gabiano Silverano. Kapalit ng tulong ng binata ay kailangan niyang magpakasal sa kanya. Pumayag si Tiffany sa alok ng lalaki para sa kanyang anak. Ngunit may natuklasan siya sa pagkatao ni Gabiano. Ano kaya ang magiging kapalaran ng mag-ina sa kamay ng pamilyang Silverano? Isa kayang mala-fairytale o magulong mundo?
Romance
10401 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Martyr Wife

The Billionaire's Martyr Wife

"Ngayong dumating na siya, saan ako lulugar sa buhay ng aking asawa?" Tatlong taon nang mag-asawa ang kilalang doktor at ObGyne na si Xoe Madrigal at ang CEO ng Accounting Firm na si Jake Aragon. Ngunit ang masayang pagsasama ay napalitan nang bumalik ang babaeng unang minahal ni Jake na si Kendra Miller. Paano kahaharapin iyon ni Xoe lalo na kung malalaman niyang nagdadalang-tao ang babaeng iyon kay Jake? Hanggang saan susubukin ang kanyang pagmamahal sa lalaki?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Not Your Wife Anymore

Not Your Wife Anymore

Sa batang edad ay napilitang magpakasal si Raven Santana sa nag-iisang tagapagmana ng Go Prime Holdings na si Caleb Go. Pero pagkatapos niyang ipanganak ang kamnbal nilang anak, hindi pa rin naging maganda ang kanilang pagsasama. Hindi siya tinratong asawa ng lalaki. Hanggang sa dumating sa punto na napuno na si Raven at nakipaghiwalay na sa asawa. Maraming nagtaka sa ginawa niya. Sabi nila ay para siyang nagtampo sa bigas, pinakawalan ang isang napakagandang pagkakataon. Pero paano kung ang wakas pala ng pagsasama nila ni Caleb ay ang magiging simula ng panibagong kuwento ng buhay ni Raven? At sa kuwentong iyon, siya naman ang bida.
Romance
1029.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Cursed King

The Cursed King

Elona Del Santiago, Deshe-shete anyos, palaban at palaging positibo sa buhay. Lumaki siya sa pang-aabuso at pananakit ng kanyang tiyahin sa kanya. Gusto lang naman ni Elona ng isang matiwasay na buhay kung saan kahit magkanda ugod-ugod na siya sa pagtatrabaho ay okay lang. Basta mayroon lang siyang matatawag na pamilya. Titiisin niya. Hanggang dumating ang araw na nakilala niya si Laurier, isang maginoo na lalaki. Ngunit paano kung…malaman ni Elona ang pinakatago-tago nitong sekreto? Paano kung…hindi siya pangkaraniwang tao dito sa mundo? Handa ba’ng talikuran ni Elona ang lahat-lahat at tanggapin si Laurier? O, magiging isang madilim at masayang bangungot nalang ang lahat?
Romance
8.73.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status