Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir
Pinilit si Mariette ng kaniyang ama sa isang arranged marriage. At sa kagustuhan niyang tuluyang makatakas sa anino nito, pumayag siya.
Ang mapapangasawa niya? Si Gideon Amir Masterson: ang lalaking sinasabi ng lahat na malapit nang kunin ni Satanas, may taning na tatlong buwan na lamang ang buhay.
Walang pag-aalinlangan, pumirma siya ng marriage contract at tinanggap ang paunang bayad kahit hindi pa niya nakikita ang binata. Sa isip niya, hihintayin na lang niyang mamatay ito.
Ngunit bigla siyang pinatawag ni Gideon. Pinapunta siya sa isang pribadong bar kung saan ito naghihintay.
Pagpasok ni Mariette, halos yumanig ang kaniyang mundo. Napakaguwapo ng lalaking bumungad sa kaniya! Wala itong bakas ng kamatayan at sa paraan pa lang ng kilos at titig nito, parang kaya siyang lamunin nang buo.
“Alam mo ba ang kasabihang ‘die for money’?” malamig na sabi nito. “Sinumang babaeng papasok sa buhay ko ngayon, iisa lang ang habol… pera.”
Napakagat-labi si Mariette. Totoo naman, pera ang dahilan kung bakit siya pumayag para makawala sa kaniyang ama. Kaya’t tuluyan niyang nilaro ang apoy.
“What if mahal na kita noon pa?” pagsisinungaling niya.
Ngunit isang mapanuyang ngiti lang ang isinagot ni Gideon, saka itinapon sa mesa ang kanilang marriage certificate.
“Divorce me.”