Obsessed by the Cruel Billionaire
Limang taon ng masidhing pag-ibig ang natapos nang iwan si Victoria ng kaniyang mapapangasawa sa araw ng kanilang kasal, sa kadahilanang magpapakamatay raw ang kababata na halos ilang beses na nitong muntik gawin. Upang makalimutan ang masalimuot na pangyayari ay umalis si Victoria at plano niya sanang magsimula ng panibagong buhay. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa isang gabing nalasing siya sa hindi pamilyar na lugar ay nagising nalang siyang katabi ang isang lalaking kailanman ay hindi niya nanaising makadaupan man lang ng kanyang palad!
Ang nag-iisang kaaway ng kanyang kapatid, si Walter Jace Coleman.
Balak niya sanang takasan ang lalaki na hindi nito nalalaman ngunit bigla itong nagising at hinila siya sa paa dahilan upang maglanding ang katawan niya sa ibabaw nito!
“Where do you think you`re going kitten? Pagkatapos mo akong halikan kagabi ay hindi mo na ako pananagutan?”
Sa araw din na iyon ay nagbago ang ikot ng buhay ni Victoria. Kilala sa buong bansa ang pamilya ni Walter at alam niya kung gaano kalamig at kinakatakutan ang pagkatao nito. At ngayong hawak na siya ng bilyonaryo ay wala na itong planong ibalik siya sa kanyang pamilya. He even spent billion just to buy an ancient town for her. Sa madaling salita ay na-obsessed sa kanya si Walter.
May pag-asa pa kaya siyang makawala sa kamay ng bilyonaryo?