Obsessed by the Cruel Billionaire

Obsessed by the Cruel Billionaire

last updateLast Updated : 2025-11-26
By:  MS.OLIVIAOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Limang taon ng masidhing pag-ibig ang natapos nang iwan si Victoria ng kaniyang mapapangasawa sa araw ng kanilang kasal, sa kadahilanang magpapakamatay raw ang kababata na halos ilang beses na nitong muntik gawin. Upang makalimutan ang masalimuot na pangyayari ay umalis si Victoria at plano niya sanang magsimula ng panibagong buhay. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa isang gabing nalasing siya sa hindi pamilyar na lugar ay nagising nalang siyang katabi ang isang lalaking kailanman ay hindi niya nanaising makadaupan man lang ng kanyang palad! Ang nag-iisang kaaway ng kanyang kapatid, si Walter Jace Coleman. Balak niya sanang takasan ang lalaki na hindi nito nalalaman ngunit bigla itong nagising at hinila siya sa paa dahilan upang maglanding ang katawan niya sa ibabaw nito! “Where do you think you`re going kitten? Pagkatapos mo akong halikan kagabi ay hindi mo na ako pananagutan?” Sa araw din na iyon ay nagbago ang ikot ng buhay ni Victoria. Kilala sa buong bansa ang pamilya ni Walter at alam niya kung gaano kalamig at kinakatakutan ang pagkatao nito. At ngayong hawak na siya ng bilyonaryo ay wala na itong planong ibalik siya sa kanyang pamilya. He even spent billion just to buy an ancient town for her. Sa madaling salita ay na-obsessed sa kanya si Walter. May pag-asa pa kaya siyang makawala sa kamay ng bilyonaryo?

View More

Chapter 1

KABANATA 1- WEDDING

Kinakabahang napahawak si Victoria sa kanyang mahabang puting gown nang marinig ang sinabi ng isa sa kanilang mga bisita.

“Sobrang engrande ng kasal na ito hindi ba? Pero hindi niyo ba narinig ang sabi-sabi? Magpapakamatay daw sa rooftop ang kababata ng groom na si Sofia!"

Sa narinig ay tila napako si Victoria sa kinatatayuan. Heto na naman sila. Sa loob ng limang taon ay walang ibang ginawa ang kababata ng kanyang mapangangasawa na si Sofia ang subuking magpakamatay. At sa tuwina ay palaging nandoon si Jason upang aluin ang babae. Kasehodang iwan siya ng lalaki sa lahat ng pagkakataon.

At ngayon nga ay araw na sana ng kanilang kasal. Ilang oras nalang ay magiging mag-asawa na sila ni Jason pero sa halip na kasiyahan ay tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang dibdib. Dahil sa loob ng limang taon ay para siyang kabit na iniiwan sa ere sa tuwing tumatawag ang kababata nito.

Pero kahit na ganoon ay pinanghawakan niya ang sinabi ni Jason na iyon na ang huling pupuntahan nito ang babae.

Napalingon siya sa balcony kung nasaan si Jason. Sa lugar na iyon mismo ay idadaos ang kanilang kasal at naghihintay nalang silang tawagin ng host para magsimula.

 May kausap ito sa telepono kaya bahagya siyang lumapit para makinig.

“Kung gusto niyang mamatay, edi hayaan niyo siyang mamatay! Bakit pa kayo tumatawag sa `kin?”

Napalunok si Victoria sa narinig na sinabi ng lalaki.

“Tatalon siya sa building, really? Hindi niya pwedeng gawin yan! Ilang beses niya na ba akong tinakot na magpapakamatay siya? Ni hindi nga niya kayang makakakita ng dugo!”

Marami pa itong sinabi pero hindi na niya maintindihan ang iba. Mas tumatak sa kanya ang mga nauna niyang narinig.

Talaga bang hindi na nito pupuntahan si Sofia sa pagkakataong iyon? Talaga bang totohanin nito ang sinabi na hindi na siya nito iiwan sa tuwing tatawag ang kababata nito?

Sa pagkakataong iyon ay lumingon sa kanyang gawi si Jason dahilan upang magsalubong ang kanilang mga tingin.

“Bakit ka ganyan makatingin? Magsisimula na ang kasal natin, handa ka na ba?”

Pero kahit na ganoon ay hindi parin siya masaya. At hindi niya alam kung bakit.

Bata palang ay may gusto na siya kay Jason. Sa una ay simpleng paghanga lang hanggang sa nauwi sa malalim na damdamin.

Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit gusto niya itong pakasalan.

Pilit siyang ngumiti at marahang humawak sa braso ni Jason.

“Jason… Sa wakas ay magpapakasal na rin tayo..” mahina niyang sambit sa nobyo.

“Yes, I know..” tanging sagot lang nito. Walang ngiti kundi puro lamig ang makikita sa mata ng lalaki.

Hindi naman nagtagal ay tinawag na sila ng host sa kanilang kasal.  

“Please welcome the bride and the groom to the stage!” puno ng galak na sabi ng host sa microphone.

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ni Victoria at sabay sila ni Jason na naglakad patungo sa stage. Sinalubong pa sila ng host at bahagyang yumuko sa kanilang dalawa.

“Let us all congratu-

Hindi paman natatapos ang gustong sabihin ng host ay naputol na iyon dahil sa malakas na tunog ng telepono ni Jason na nasa loob ng suot  nitong slacks.

Agad namula ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya at dagdagan pa ang tawanan ng mga tao sa paligid. Parang nanigas siya sa kinatatayuan. Ang ringtone na iyon ay na nagmistulang bangungot sa kanya ng limang taon. Ang ringtone na exclusibong tumutunog lang kapag si Sofia nag tumatawag.

Kinuha ni Jason ang telepono sa bulsa at nagsalita.

“Ano na naman?” may iritasyon sa boses ng lalaki.

Samantalang ang host ay gumawa ng paraan para mawala sa kanila ang atensyon ng mga tao. Siguradong nagtataka na din ito kung bakit may ganitong pangyayari sa oras mismo ng kasal.

Ngunit sa gitna ng pagsasalita ng host ay narinig niya ng klaro ang sinabi ni Jason sa kausap nito sa telepono.

“I`ll be right there..” anito,

Parang may sumaksak sa dibdib ni Victoria sa mga oras na iyon. Agad niyang nilingon si Jason sa nanginginig na labi.

“Don`t go.. Please..” mahina ngunit deretso niyang bigkas.

Pero bumagsak ang kanyang balikat nang kumunot ang noo ng lalaki. Para bang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.

“Kailangan kong puntahan si Sofia dahil tatalon na talaga siya sa building. Ikaw nang bahala ang magsabi sa mga bisita. Babalik ako.” Sabi pa nito na parang isang normal lang na araw ang kasal nila at hindi importante.

Bahagya pa niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ng lalaki. Sa kabila ng pagkapunit sa isang bahagi ng kanyang puso ay huminga siya ng malalim.

“Kapag umalis ka ay hindi na ako magpapakasal sa`yo.” Matigas niyang sambit.

Pero imbis na matinag ay bahagya pang tumaas ang sulok ng labi nito at mayabang na sumagot.

“You`ll regret it, Victoria. ” Pagkatapos ay iniwan siya ng lalaki. Iniwan siya sa gitna ng kahihiyan at sakit.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status