Filtrar por
Status de atualização
TodosEm andamentoConcluído
Ordenar por
TodosPopularRecomendaçãoAvaliaçõesAtualizado
Healing The Billionaire's Broken Heart

Healing The Billionaire's Broken Heart

Si Ivan Alejandro Montenegro ay isang matagumpay na negosyante na lihim na nagtatag ng sarili niyang kumpanya—isang imperyo na walang nakakaalam, kahit ang sarili niyang pamilya. Nasa rurok na siya ng tagumpay at handa nang magsimula ng bagong buhay kasama ang babaeng mahal niya, nang isang trahedya ang sumira sa lahat. Sa isang malagim na aksidente, nawalan si Ivan ng kakayahang makalakad. Kasabay nito, nawala rin ang respeto ng kanyang pamilya at ang pagmamahal ng kanyang fiancée na agad siyang iniwan nang makita ang kanyang kalagayan. Isa-isa ring kinuha sa kanya ang lahat ng proyekto at responsibilidad sa kumpanya, na para bang wala na siyang silbi. Sa desperasyon na mailigtas ang apo, kumuha ang matanda ng isang caregiver mula sa probinsya—si Ayesha Dela Cruz, isang simpleng babae na may matapang na puso at hindi natitinag sa sungit ni Ivan. Sa kabila ng malamig na pagtanggap nito, pinili ni Ayesha na manatili at alagaan siya, kahit paulit-ulit siyang itaboy. Dahil sa nakakalason na kapaligiran ng mansyon, dinala si Ivan sa probinsya kung saan nagsimula ang kanyang paghilom—hindi lamang sa katawan kundi pati sa puso. Sa katahimikan ng lugar at sa malasakit ni Ayesha, unti-unti niyang natutunang magtiwala muli, harapin ang sakit ng nakaraan, at muling lumaban sa buhay. Ngunit habang siya ay nagpapagaling, lihim din niyang binubuo ang plano ng kanyang pagbabalik. Hindi alam ng kanyang pamilya na ang lalaking kanilang minamaliit ay siya ring may hawak ng tunay na kapangyarihan. Ngunit sa gitna ng kanyang paghihiganti, may isang tanong na mas mahalaga kaysa sa kayamanan o kapangyarihan: Pipiliin ba ni Ivan ang galit… o ang pag-ibig ng babaeng naghilom sa kanyang pusong wasak?
166 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 4 Vezes como kapaligiran tula
Ler
+Biblioteca
POSSESSED BY THE DON

POSSESSED BY THE DON

Sa gitna ng isang malamig at maka pangyarihang mansion, pumasok si Ysabel Aragon isang babaeng hindi lang basta nanny, kundi si Vivienne Calista Montclair, na nagbago ng pagkakakilanlan upang makapasok sa mundo ng mga Whitmore. Ang tunay niyang pakay ay hindi trabaho, kundi isang lihim na misyon ang makalapit kay Aurelius Whitmore, ang kinatatakutang Don na posibleng may kinalaman sa pagkawala ng kanyang ina. Ang trahedyang iyon ang nagbago sa buong buhay niya, kaya sa likod ng bagong pangalan at bagong katauhan, matagal niyang pinagplanuhan ang bawat hakbang para makapasok sa buhay ng lalaking kinamumuhian niya. Sa mata ng lahat, isa lamang siyang simpleng nanny, pero sa likod nito ay isang babaeng puno ng galit, sakit, at matinding paghahanap ng katotohanan. Ngunit sa pagpasok niya sa mansion ng mga Whitmore, hindi niya inaasahang may batang si Isabella na unti-unting babago sa direksyon ng kanyang misyon. Sa halip na malamig at magulong kapaligiran, nakita niya ang isang inosenteng bata na dahan-dahang nagbubukas ng pinto ng tiwala at emosyon na matagal nang nakasara sa kanya. Habang mas lumalalim ang koneksyon ni Ysabel kay Isabella, mas nagiging komplikado rin ang kanyang misyon dahil unti-unti siyang nahihila sa misteryosong si Aurelius. Isang lalaking puno ng kapangyarihan, panganib, at madilim na nakaraan-na sa bawat titig ay unti-unting sumisira sa matitibay niyang depensa. Sa pagitan ng paghihiganti, lihim na pagkakakilanlan, at unti-unting pagkapit ng damdamin, nagiging mas magulo ang lahat. Hanggang saan niya kayang panindigan ang kanyang misyon kung ang puso niya mismo ang unti-unting kumakalaban dito? At sa mundong puno ng kasinungalingan at kapangyarihan... sino nga ba ang tunay na kalaban ang Don o ang sariling damdamin niya?
758 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 23 Vezes como kapaligiran tula
Ler
+Biblioteca
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
107.0K visualizaçõesCompletoAdicionado à Biblioteca 279 Vezes como kapaligiran tula
Ler
+Biblioteca
ANTERIOR
123
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status