Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
You, Ever Since.

You, Ever Since.

Cipher
10 years have passed and she got everything, so they said. A face that no one could ever deny its beauty, a body that makes men go crazy and a successful career in the legal profession. She has it all, except him- the man she so dearly loved but has to let go of for her to get all these things she has now. Cattaleya Rillera really thought then that it would be worth it. Afterall, she was only 17 at that time when an elderly couple chose her to be their adoptee. Hindi niya inakalang may magkakagustong ampunin pa siya dahil sa edad niya. When she reached the age of 16, hindi na siya nangarap pang may magkakainteres sa kaniyang maging parte ng kanilang pamilya dahil isang taon na lamang ay aalis na siya ng bahay-ampunan dahil magiging isang ganap na siyang maygulang. At ngayong may gusto siyang ampunin, hindi niya papalampasin. This is all she ever wanted. Lahat naman sila doon sa bahay-ampunan. Thus, she consented to such an adoption even if she would have to break her promise to the boy she loves- Caleb Sanchez- the boy she promised to marry when she left the orphanage. Isa ding orphan na naunang umalis ng orphanage dahil mas matanda ito sa kanya ng 2 years. Ang taong nangakong magsisikap para makapag-ipon at paghandaan ang kanilang pagsasama sa oras na umalis siya sa bahay-ampunan. Now that she has finally achieved the success of her chosen career, she thinks it's time to locate him. And if she succeeded, she could only pray that he was still single and that he would find it in his heart to forgive her.
Romance
10822 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Trap In His Arms

Trap In His Arms

Sa edad na dalawampu't isa, hindi inaasahan na ganoon kaagang mabubuntis si Hashana Romero. Kahit nagdadalang-tao ay pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan ng magiging anak. Subalit sa pakikipagsapalaran nito sa syudad, nakilala ni Hashana si Rheo Auxilio na sa huli ay kanyang naging nobyo. Ngunit hanggang saan nga ba susukatin ang pagmamahalan ng dalawa kapag nakilala ni Hashana ang ama ni Rheo na si Clifton Auxilio? Na kung saan doon lang niya napagtantong ito ang kanyang nakaniig anim na taon ang lumipas. Makakaya kaya ng dalaga na ipaglaban ang pagmamahalan nila ng kasintahan kahit ang ama nito ay ama din ng anak niya? O susukuan niya ang pagmamahalan nilang dalawa alang-alang sa limang taong gulang niyang anak? Subalit papaano nga ba kung malaman ni Clifton na may anak sila ni Hashana? Ano kaya ang kayang gawin at isakripisyo ng lalaki?
Romance
10734 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

Miss_Terious02
Harley Callanta is one of the youngest governor in San Miguel. At the age of 25, he is already a governor. He followed the footsteps of his father who was also a former governor of San Miguel. Kaya bilang isang governor ng kanilang lalawigan ay dapat malinis ang kaniyang pangalan. Ngunit nang makita niya ang isang babae na mas bata sa kaniya ay mukhang gagawin niya ang lahat kahit na madungisan pa ang kaniyang pangalan. Ayaw niyang maagaw pa ng iba ang babaeng matagal niya ng hinihintay. Nasa tamang edad na rin si Jane Requez kaya hindi na napigilan pa ni Harley na bakuran na ang dalaga. At dahil takot sa sasabihin ng mga tao sa kaniya, pinipilit umiwas ni Jane kay Harley. Ngunit ang governor naman ang lapit nang lapit aa kaniya. Hindi niya kayang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Harley. Takot siya sa sasabihin ng mga tao. Nang malaman ng mga tao ang tungkol sa kanila ni Harley ay nag desisyon si Jane na umalis ng San Miguel at ipinagpatuloy ang matagal niya ng pangarap-ang maging fashion designer. At sa muli nilang pagkikita ay hindi pa rin sumusuko si Harley na ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Jane. Ngunit kaya na bang ipaglaban ni Jane ang nararamdaman niya para sa Governor ng San Miguel?
Romance
769 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

Ms. Melody—isang maganda, palaayos sa sarili, mayaman at isang ‘CEO’ ng malaking kumpanya. May boyfriend ito na nagngangalang Grabriel, ang lalaking pumunta ng US upang doon ipagpatuloy ang trabaho nito. Ngunit isang araw, gumuho ang mundo ni Melody; sapagkat nalaman n’yang may ibang babaeng iniibig si Grabiel sa US. Kasabay ng araw na ’yon ang pagtawag at pagtatapat mismo ng lalaki sa kanya nang hindi personal, sa pamamagitan ng video call, “I’m sorry for this melody…..” paunang salita nito. " We have to break," sunod pa nito. Pagkatapos marinig ang mga katagang iyon binaba na nito ang cellphone. Mabuti na lamang ay nand'yan ang isang lalaki upang damayan at saluhin s’ya. Si David na matagal na n’yang secretary. Pogi at maskulado ito. Isang billionaire man. Ngunit nang mamatay ang mga magulang nito sa murang edad n’ya ay nalugi ang kanilang negosyo. He didn't know how to manage it at that time. When David was already twenty-two years old, he applied as a secretary in a company owned by the Fuentes family, where Ms. Melody Fuentes was a member. Nang gabi ding iyon niyaya ni Melody si David na uminom para na rin mabawasan ang sakit sa puso n'yang dulot ng pag-ibig nito sa lalaking si Gabriel. Habang umiinom ang dalawa patuloy na humahagulhol ng iyak si Melody. 'Di naman gano’n kadaling mag-move on. PRETENDED COUPLE Habang nagpapanggap ang dalawa bilang magkasintahan, hindi ito naging madali para itago. May mga time pa nga na naghahalikan sila sa harap ng iba para mas mapatunayan nilang mag-couple talaga sila. Marami pa silang pinagdaanang problema bago sila ikasal. Nagkaroon ng dalawang anak at nalimutan ang mga bad past scenario. ”Dahil sa pagpapanggap, nagkaroon ng pag-asa ang puso kong nasugatan, ngunit agad na humilom noong dumating ka…….. David." -Ms. Melody.
Romance
10798 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Forever Love

My Forever Love

Dugong_Bughaw
Sa murang edad ni Clariza ay natutunan nyang umibig. Subalit ang una niyang pag-big ay hindi katulad ng pangkaraniwan sapagkat hindi niya nakita si Joseph. Sa pamamagitan lamang ng text sila nag-usap at sa ganoong paraan niya ito minahal. Nagpakilala si Joseph kay Clariza bilang pump attendant ng isang gasoline station. Lingid sa kaalaman ng dalaga na nag-iisang tagapagmana ang binata ng pamilya Villa Fuente at Monreal. Itinago ng binata ang kanyang estado sa buhay upang sukatin ang pag-ibig sa kanya ng dalaga. Naging tapat naman ang pag-iibigan nila pero isang araw ay nagbago iyong lahat. Dahil sa isang mabigat na dahilan ay nakipaghiwalay si Joseph kay Clariza. Labis na ikinadurog ng puso ng dalaga ang biglaang pakikipaghiwalay sa kanya ni Joseph. Mula noon ay nangako si Clariza sa sarili niya na hindi na siya iibig pang muli. Mabilis na lumipas ang sampung taon. Lingid sa kaalaman ni Clariza ay matagal na siyang nagtatrabaho sa lalaking nanakit sa kanya. Si Engr. Joseph Kristian Monreal Villa Fuente. Isang kilalang inhinyero at isang multi-billionaire. Tatlong taon siyang hindi umuwi sa Pilipinas dahil sa kagagawan ni Venus, ang babaeng sumira ng maganda nilang relasyon ni Clariz. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay dumeretso siya sa resort na pag-aari niya. Nakilala niya nang personal ang supervisor na laging ipinagmamalaki sa kanya ng kanyang assistant. Sa unang pagtatama ng paningin nila Joseph at Clariza at sa simpleng ngiti ng dalaga ay agad na nahumaling ang binata. Dala ng kuryusidad ay natuklasan ng binata na ang babaeng napupusuhan niya ay siya rin ang babaeng iniwan at sinaktan niya sampung taon na ang nakalipas. Pano makukuhang muli ni Joseph ang puso ni Clariza? May pangalawang pagkakataon pa ba ang kanilang magmamahalan gayong hindi na handang muling umibig ang dalaga?
Romance
10787 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MS. CEO'S FIRST LOVE

MS. CEO'S FIRST LOVE

Zhyllous
Pinagmasdan ko ang pamilyang Villiary.. masayang pamilya, mayaman at mababait rin ang mga taong ito pero hindi ko lang maintindihan kung bakit kinulong nila dito ang nagiisa nilang anak. Walang kaibigan at walang muwang sa mundo. Kahit twenty years old na ito para siyang bata kung umasta. Isa lang naman ang masisi ko kundi ang parents niya. Hindi magalit ang anak niya sa ginawa nila dahil napaka inosente ni Irriene. Hindi niya alam kung anong nangyari sa labas ng mansyon nila. Wala rin siyang pakialam dahil simula bata nandito na siya sa loob. Umiyak ito na parang bata sa harap ng mommy at daddy niya habang ang mommy niya kinausap siya na parang bata rin. Okay lang sana kung tratuhin siya ng nababagay sa edad niya pero hindi. Tama lang na ipakilala ko si Dinnese sa kanya para mabantayan ko parin siya kahit hindi ako nagtuturo sa kanya. The world is cruel and her world is the worst.
Romance
10637 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marrying My Father's Mistress

Marrying My Father's Mistress

Rainisms
Social climber, goldigger, malandi, mang-aagaw, home wrecker. Ilan lang 'yan sa mga salitang natatanggap ng isang kabit na kagaya ni Eunice, ngunit wala siyang pakialam, manhid na siya sa mga ganuong klaseng katawagan. It's true that she's only up for money, it's her way para matustusan ang mga luho niya. Ang pinakamadaling paraan na alam niya para magkaroon ng mga bagay na gusto niya ng walang kahirap-hirap ay ang makipagrelasyon sa matatandang mayaman. Wala sa kaniya kung may asawa man ito at maging kabit siya. Ang totoo ay mas gusto niyang nakikipagrelasyon sa mga lalaking mas malaki ang agwat ng edad sa kaniya at may asawa na, kaysa sa binata pa. Para sa kaniya ay mas challenging iyon at mas nakakapagpapataas ng kompiyansya niya sa kaniyang sarili.Ngunit tila ba dumating ang karma ni Eunice. Nang makarelasyon niya ang business tycoon na si Emmanuel Montoya, ang dating magulo niyang buhay ay mas lalo pang gumulo. Galit na galit sa kaniya ang asawa at anak ni Emmanuel, dahil sa pagwasak niya sa masayang pamilya nito. Si Joaquin ang nag-iisang anak ni Emmanuel, gagawin nito ang lahat para pasakitan si Eunice. Manaig pa kaya ang galit ni Joaquin kung unti-unti naman siyang nadadala sa mapang-akit na si Eunice? Magawa pa kaya niya ang maghiganti o kagaya ng kaniyang ama ay mahuhulog din siya sa karisma nito?
Romance
667 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Under His Possession

Under His Possession

Masaya na at kuntento kahit naghihirap sa buhay ang dalagang si Janiya. Para sa kanya, lahat ay makakaya at malalagpasan niya basta't kasama niya ang kaisa-iss na lang niyang pamilya- ang Papa Crisanto niya. Pero paano kung isang araw, bigla na lang siyang iwan ng pinakamamahal niyang ama? Iniwan siya nito nang wala kahit maayos na paalam man lang. Iniwan siya nito nang walang kahit ano maliban sa isang pirasong papel kung saan nakasulat ang dalawang address ng mga lugar na hindi niya alam. Isa na roon ang lugar na tinawag nitong "Mansion de Castillejos". Doon umano nakatira ang matalik na kaibigang babae ng ama niya- si Yvonne. Ngunit nang marating na niya ang mansiyon, isang nakakagulat na rebelasyon ang sumampal sa kanya- dalawang taon na palang patay ang babaeng pakay niya. At ang tanging naiwan nito sa mansiyon ay ang katulong na si Gervacia at ang nag-iisa nitong anak na lalaki, si Strike Vicencio o "SV"- isang kilalang CEO hindi lang dahil sa kagwapuhang taglay nito kundi lalo na sa pagiging enigmatiko at misteryoso- na walang pagdadalawang-isip na inako ang pangangalaga sa kanya pansamantala habang hindi pa bumabalik ang ama niya. Ano ang nakatakdang mangyari sa pagsasama nila ng binata sa iisang bubong? At paano kung unti-unti ay makaramdam siya ng pagtatangi sa lalaki? Lalabanan ba niya ang sariling nararamdaman o ipaglalaban at gagawin niya ang lahat para maangkin ang supladong bilyonaryo, kahit na sampung taon ang agwat ng edad nila sa isa't-isa at nalalapit na rin itong ikasal sa iba?
Romance
10664 viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
LOGAN'S SECRET OBSESSION

LOGAN'S SECRET OBSESSION

WannaReadMyStory
Logan Johnston learned life the hard way. He was born out of unwanted pregnancy and his mother despised him so much. Kaka-graduate pa lamang niya noon ng highschool ng iwan silang dalawa ng kapatid niya ng kanilang ina. Kinailangan niyang pumasok sa kung anu-anong trabaho upang matustusan pagkain, tirahan, pati na rin ang pag-aaral ni Laine, ang half-sister niya. Tumigil siya sa pag-aaral, at sa edad na disi-nuwebe, siya na ang tumayong magulang ng kaniyang kapatid. Ngunit talaga yatang mailap sa kanila ang suwerte. Nabuntis kasi nang maaga ang kaniyang kapatid at hindi pinanagutan ng nakabuntis dito. At makalipas ang ilang buwan, kinailangan nila ng malaking pera upang makapanganak ito. Doon niya nakilala si Shan Elton Xanders, isang lalaki na naghahanap ng kapwa nito lalaki upang maitayo ang isang sikretong agency: ang SDS. At ang agency na iyon, s*x ang hatid na serbisyo. Logan willingly joined Shan in order to save his sister's life. Makalipas ang ilang taon, napakarami nang nagbago sa kanilang buhay. Napagtapos niya ang kaniyang kapatid, nakapagtayo ng negosyo na lumago at nakilala sa buong mundo, at nakapagpundar ng ari-arian. Because of the secret 'Services,' he became a billionaire, and now, after twelve long years, gusto na niyang iwan ang SDS. But there is a one rule. To leave the SDS, he must find a wife who will genuinely love him despite the fact that he is a male hooker. That's when he met Rebecca Watkins. A mystery woman who came from a prominent family but is willing to pay him a million for his service. He promised himself that Rebecca will be his last client before leaving SDS. Ngunit tila kakaibang misteryo ang bumabalot kay Rebecca at hindi niya maiwasan ang unti-unting pagkahulog ng kaniyang loob sa dalaga...
Romance
666 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Deepest, Darkest Secret!

My Deepest, Darkest Secret!

MY DEEPEST DARKEST SECRET! Can I, who had been broken from a traumatic past can still be accepted for who I am? Ako si George, tomboy kung kumilos pero babaeng babae deep inside. Isang malungkot, karimarimarim at di malilimutang karanasan ang nangyari sa akin na nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Nirape ako noong edad 18 ng isang lalaking hindi ko kilala.. I am the wrong person, at the wrong place and at the wrong time! Subalit mapaglaro ang tadhana, namasukan ako bilang isang ordinarong empleado at lihim na umibig ako sa aking boss na siyang may-ari ng kumpanya. Kung saka-sakalit tugunin niya ang aking pag-ibig, ipagtatapat ko ba sa kanya ang aking nakaraan? Tatangapin kaya niya ako sa pagiging isang segunda manong babae? If two people were destined for each other, will fate bring us back together? O tatanda na lang akong dalaga?
Romance
472 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1314151617
...
21
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status