Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)

THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)

Ang The Billionaire Runaway Bride ang unang aklat sa The Elazar Cousins Series, isang kuwento ng pag-ibig, pagtataksil, lihim, at kapalarang umiikot sa makapangyarihang pamilyang Elazar—mga Greek billionaire na kilala sa kanilang kayamanan, impluwensya, at mahigpit na tradisyon. Si Crizaliah Leigh Ravencrest ay lumaki sa isang mundong kontrolado ng kaniyang pamilya. Bilang nag-iisang anak ng mga magulang na inuuna ang reputasyon at negosyo kaysa kaligayahan ng kanilang anak, wala siyang nagawa nang ipakasal siya sa isang lalaking halos hindi niya kilala. Naging engrande ang kasal. Perpekto ang selebrasyon. At tila isang fairy tale ang kanilang honeymoon. Ngunit sa likod ng magarang ngiti ni Crizaliah ay isang pusong unti-unting nalulunod sa kalungkutan. Sa mismong gabi ng kanilang pag-uwi mula sa honeymoon, gumawa siya ng desisyong babago sa kaniyang buhay magpakailanman. Tumakas siya. Iniwan niya ang kaniyang asawa, ang pangalang kinagisnan, at ang marangyang buhay na ipinagkaloob sa kaniya. Naglaho siyang parang bula, handang gawin ang lahat upang hindi na muling matagpuan ng kaniyang pamilya at ng lalaking pinilit niyang pakasalan. Ngunit gaano katagal makakatakas ang isang babae mula sa isang billionaire husband na handang halughugin ang buong mundo para lamang mahanap siya? At paano kung habang nagtatago siya ay unti-unti niyang matuklasan na hindi lahat ng pinaniwalaan niya tungkol sa kaniyang asawa ay totoo? Sa larong puno ng lihim, kasinungalingan, at hindi inaasahang pag-ibig, matatakasan ba ni Crizaliah ang kapalarang ipinilit sa kaniya—o babalik siya sa lalaking sinumpaan niyang iiwan habang-buhay? A marriage built by obligation. A disappearance fueled by freedom. And a love powerful enough to rewrite destiny.
1069 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as rogue cheney fairy tail
Read
+Library
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
462 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as rogue cheney fairy tail
Read
+Library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status