The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

last update최신 업데이트 : 2025-09-25
에:  marcandre방금 업데이트되었습니다.
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
평가가 충분하지 않습니다.
5챕터
8조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.

더 보기

1화

Chapter 1: THE VANISHING BRIDE

Nangingibabaw at umaalingasaw ang amoy ng mabango at mga puting rosas sa hangin, halos mapuno ang loob ng bridal suite ng San Antonio de Padua Cathedral. Ang mga kristal na chandelier ay naglilikha ng maliliit na repleksyon sa mga salamin at ilang bagay sa loob ng suite, nagbibigay ng kagandahan at kaperpektuhan dito.

Pero si Isabella “Bella” Alcaraz ay walang kaalam-alam kung gaano kaganda at kaperpekto ang araw na ito.

Nakaupo lang siya sa dulo ng isang velvet couch, magkasaklob ang mga kamay at halos mamuti na ang mga kamao niya sa sobrang higpit. Sa tapat naman niya ay ang kanyang kapatid, prenteng nakaupo sa harap ng vanity mirror, napapaligiran ng mga bridesmaid at make-up artist. Si Marisella—ang tinaguriang Family’s Jewel ng pamilyang Alcaraz. Ang napiling mapangasawa ni Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa, at nakakatakot na bilyonaryong tagapagmana ng Veyra Global Holdings.

Katulad ng nakasanayan, si Bella ay prente sa gilid lang, na para bang anino ng kanyang kapatid.

“Bella, tumayo ka nga diyan at para kang multo na namatayan,” mapagbirong turan ni Marisella, kasabay ng matinis na tawa na halos kasing-tinis ng nababasag na baso. “Hindi lamay ‘to, kasal ko.”

Wala namang nagawa si Bella kundi magpilit ng tipid na ngiti kahit mabigat ang kanyang damdamin.

“Ang ganda-ganda mo,” turan ni Bella, at hindi iyon isang kasinungalingan. Kumikinang si Marisella sa suot nitong fitted ivory gown, at ang mahabang belo ay kumikinang rin na parang may mga piraso ng ginto at pilak. She was flawless—ang tipo ng bride na nababagay sa lalaking katulad ni Leonardo Veyra.

Pero kahit gano’n, ang hindi komportableng pakiramdam ni Bella ay hindi pa rin nawawala. Ang kapatid naman niya ay todo-paganda sa salamin, parang hindi kinakabahan. O baka naman ay excited lang.

Nang matapos ang stylist sa pag-aayos kay Marisella, tinawid nito ang pagitan nila at iniabot sa kanya ang isang maliit at puting booklet.

“Oh,” mahinahon na turan niya. “Keep this for me. Huwag mong iwawala ha,” dugtong pa niya.

Napakunot ang noo ni Bella. “Your vows? Hindi ba dapat ikaw ang humawak at magdala nito? Paano na lang kung makalimutan mo ang vows mo mamaya?”

Hindi naman siya pinansin ni Marisella; ngumiti lang ito with her lipstick-perfect lips. “You are the responsible one, ‘di ba? Saka baka maiwala ko pa. At least alam ko kung kanino ko hahanapin. At malay mo…” Tigil niya, saka ngumiti pa lalo. “Kailanganin mo ‘yan more than I do? Maybe you can read my vows and get ideas with it. So, keep it.”

Wala nang nagawa si Bella kundi mapairap at tanggapin ang booklet nang naiiling. Nang tinignan niya ito, napansin niya ang gold na naka-emboss sa loob ng booklet. On the first page, it read simply: I. Alcaraz.

Her brows knitted. “Nagkamali ba sila sa printing ng initials? Hindi ba dapat ang naka—”

“When do printing shops get things right? Hay naku,” putol ni Marisella. “Hayaan mo na. Wala namang makakakita.”

Sanay na si Bella sa ganitong klaseng harmless errors. At dahil na rin sa sobrang busy ng paligid, ipinagsawalang-bahala na lang niya ito.

Isang katok mula sa pintuan ang sumunod, kasabay ng boses ng kanilang ina na halos maririnig ang kaba.

“Marisella, it’s almost time!”

Umirap na lang si Marisella. “I’ll be out in a minute! Gosh!” Muli niyang pinisil ang kamay ni Bella one last time, at nakakasurpresa na malamig ang mga kamay niya. “Wish me luck, sis,” bulong niya bago maglakad palabas, kasunod ang mga entourage na parang mga anino.

Nanatili naman si Bella sa kanyang kinauupuan, ang vow booklet ay nakapatong sa kanyang mga hita, at ang hindi magandang pakiramdam ay lalong nanaig sa kaibuturan niya.

Minuto ang lumipas, at ang bridal suite ay binalot ng nakabibinging katahimikan. Nang tumayo siya at sumilip sa hallway, wala siyang nakitang kahit anino.

“Marisella?” mahinahong tawag niya.

Walang sumagot.

Tuluyan siyang lumabas patungo sa corridor, tanging tunog lamang ng kanyang heels sa marmol na sahig ang namamayani. Ang mga pinto sa kabilang chambers ay bukas pero walang tao. Doon na nagsimulang tubuan ng takot si Bella.

“Marisella!” sigaw na ang kaninang mahinahong boses niya—sigaw na may halong kaba at takot. Tinulak niya ang mga pintuan ng iba pang chambers ngunit walang Marisella na nagpakita.

Nang makabalik siya sa bridal suite, halos hindi mapakalma ang dibdib niya. Ang upuan kung saan kanina nakaupo si Marisella ay bakante na. Ang belo nito ay wala na. Ang bouquet ay nasa sahig, ang mga talulot ay sira.

Bumukas ang pintuan at ang humahapos na ina nila ang sumalubong, ang maputlang mukha’y kita sa ilalim ng kanyang make-up. “Where is she?”

Napailing si Bella at halos hindi maisatinig ang salita. “S-she’s gone.”

The room erupted into chaos. Maids scattered, guards rushed through hallways, her mother’s wails filled the air. The bride is missing. The bride is missing.

Pero wala nang oras. Puno na ng mga bisita ang cathedral—politicians, businessmen, at ang Veyra family. Isang iskandalo lang ay kayang sirain ang lahat sa pamilyang Alcaraz.

Mabilis na lumapit ang ina ni Bella, nanginginig ang mga kamay at ang mga mata’y nagmamakaawa. “Isabella.” Hinawakan niya ang balikat ng anak, ang mga kuko’y halos bumabaon. “You’ll take her place.”

Parang nahulog ang kung ano loob ni Bella. “Ano? Hindi—Ayoko—Hindi ko ka—”

“Kailangan!” Halos pumiyok ang boses ng kanyang ina, kalahating utos, kalahating pagmamakaawa. “Kapag napahiya si Leonardo at ang pamilya niya, ang pamilya natin ay pupulutin sa kangkungan. Ang business natin—lahat mawawala. Naiintindihan mo?”

Mabilis na umiling si Bella, nanginginig. “Mama, please, hindi ko ka—”

Parang tubig na umagos ang luha ng ina niya, sinisira ang maayos na make-up. “Bella, please! Para sa atin. Para sa kapatid mo. You are our only hope.”

Parang nanghina ang mga paa niya nang palibutan siya ng bridesmaids at pinasuot ang gown ni Marisella. Natagpuan ito malapit sa parking lot kasama ng belo. Parang bumubulong ang mga tela sa kanya na para bang kadena. Sinuot sa kanya ang belo na bumagsak sa kanyang mukha, tinatago ang takot niyang mga mata.

At nakita na lang niya ang sarili na iginagabay patungo sa entrance, patungo sa aisle.

Ang naglalakihang pintuan ng cathedral ay dahan-dahang bumukas, sinasalubong ang hilera ng mga bisita at ang mga chandelier sa taas. Para siyang natigil sa paghinga. Kada hakbang niya ay parang kusang paglalakad sa isang patibong.

At sa dulo ng altar—si Leonardo Veyra.

Mas matangkad kaysa sa naalala niya, mas malapad ang balikat, suot ang isang suit na halatang sinukat para lang sa kanya. It was molded into him like a perfect suit for a prince. Kumikinang ang maitim niyang buhok sa ilalim ng mga ilaw, ang matalim na panga’y parang may sariling buhay. Kahit sa malayo, presensya niya ang nagdidikta sa buong cathedral—isang leon na nag-aantay ng biktima.

Nang magtama ang kanilang mga tingin, halos huminto sa pagtibok ang puso ni Bella.

Ang madidilim na mata, matitibay at hindi matitinag, ay nakatutok sa kanya. At sa titig na iyon, para bang hinuhubad ni Leon ang kanyang disguise.

Napahinga nang malalim si Bella, hawak-hawak ang vow booklet malapit sa dibdib, at tinulak ang sarili palapit sa altar.

The priest, standing ready with papers in hand, glanced at the bride’s delicate booklet before him. The initials on the cover gleamed under the chandeliers: I. Alcaraz. His lips parted, firm and certain.

“Do you, Isabella Alcaraz, take this man, Leonardo Veyra, to be your lawfully wedded husband?”

The name hit the air like a thunderclap. Isabella. Not Marisella.

Nanigas si Bella. Ang kanyang pulso ay dinig na sa kanyang mga tenga. Ang mga bisita ay nagulat, ang ilan ay napabaling ng leeg. Para sa karamihan, isa lang itong pagkakamali ng pari—nalito sa magkapatid.

But Leonardo’s head tilted, his dark eyes narrowing.

Mula sa manipis na belo, parang apoy ang titig ni Leon. At alam ni Bella—hindi siya nagkakamali—na naiintindihan ni Leon ang nangyayari.

The moment Bella walked down the aisle, he already knew the woman beside him wasn’t the bride he had been promised.

Pero sa kabila ng lahat, hindi siya nagsalita. Hindi niya itinigil ang kasal. Pinagmasdan niya lang si Bella, may maliit na ngisi sa labi—hindi makapaniwalang niloko siya ng pamilyang Alcaraz.

The priest hesitated. “Miss Alcaraz?”

Muling nagkasalita si Bella. Malinaw pa rin sa utak niya ang desperadang mukha ng ina, at ang mga salitang parang sirang plakang paulit-ulit: Please, Bella. For us. For your sister. You’re our only hope.

Nanginginig ang labi niya at dahan-dahang bumuka. “I… do, Father.”

Ang titig ni Leon ay hindi naalis, kahit sa pagpasok ng singsing sa kanyang daliri. His silence was heavier than words, and his eyes a storm she couldn’t escape.

When the priest declared, “You may now kiss the bride,” Bella felt her legs weaken.

Leon reached forward, lifting her veil with deliberate slowness. The cool air brushed her flushed skin.

Sa unang pagkakataon, nakita ni Bella ang mukha ni Leon nang walang harang—gwapo, oo. Sobrang gwapo, pero parang inukit sa yelo. At ang kanyang mga mata, parang hatak sa walang hanggang kadiliman, walang hatid kundi panganib.

He bent, pressing a brief kiss to her lips. It was cold, calculated—a brand rather than a caress.

Sumabog ang sigawan at palakpakan sa loob ng cathedral after that kiss.

Pero alam ni Bella, sa puntong iyon, nagsisimula pa lang ang kanyang bangungot.

Because Leonardo Veyra had claimed her—not out of ignorance, but out of intent.

And he would never let her go.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

댓글

댓글 없음
5 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status