Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Billionaire's Secret Family

The Billionaire's Secret Family

Hindi dapat magkaroon ng anak ang isang De Silva sa isang maid. But six years ago, Atlas De Silva broke the one rule Pride Estate protected the most. He loved Elnora Velasco in secret. Ngunit nang malaman ng pamilya De Silva na buntis siya, pinalayas si Elnora, pinaratangan ng pagnanakaw, at pinaniwalang tumakas kapalit ng pera. Si Atlas naman ay pinakasal sa babaeng pinili ng pamilya niya para protektahan ang pangalan ng Pride Estate. Anim na taong lumaban mag-isa si Elnora para sa anak niyang si Luna Hope. Hanggang sa lihim na sumali si Luna sa Family Wish Contest ng Pride Estate. Hindi alam ni Elnora na napili ang anak niya bilang grand winner. At hindi niya alam na ang mismong magbabasa ng winning wish sa live event ay si Atlas De Silva. Sa harap ng buong La Isla Tentación, binuksan ni Atlas ang sobre habang nakangiti ang asawa niya sa tabi. He read the child’s wish. (I wish my daddy would remember Mommy.) He saw the attached photo. Isang lumang larawan niya. May sulat sa likod. (Mommy said this is the man who loved her, but not enough to fight for her.) Sa gitna ng entablado, lumapit si Luna Hope. “Are you my daddy?” Namutla ang asawa ni Atlas. Elnora rushed forward and pulled Luna into her arms. “Huwag mo siyang tawaging Daddy.” At sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, nakita muli ni Atlas ang babaeng minsan niyang minahal. “Elnora… is she mine?” Hindi siya sinagot ni Elnora. Tinalikuran niya ito, bitbit ang anak nila. Bago pa siya makalabas ng ballroom, nagsalita si Atlas. “Run if you want, Elnora. But I’m not the same man who let you disappear. This time, I’m coming after you.”
287 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 8 kali sebagai sha la la la lyrics
Baca
+Pustaka
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
105.7K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 142 kali sebagai sha la la la lyrics
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
5678910
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status