Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Dos - PISCES Free Phillian Zodiac is a frustrated painter and a full-time fisherman. Mula gabi hanggang madaling araw ay nasa gitna ito ng karagatan kasama ang mga tauhan para mangisda, at sa umaga naman ay tulog at nagtatago sa araw. In the afternoon, when the sky is red, he would go out of his room and sit on his veranda overlooking the mountains and the sea, and from there, he would start painting. He paints everything his eyes could see, and not a lot of people know this. Isang hapon, habang nasa veranda siya ng kaniyang silid at ipinipinta ang karagatan ay may nakita siyang palutang-lutang na kahoy sa dalampasigan. Using his binoculars, he learns that it isn't just a piece of wood but a raft with a person on it. An unconscious--probably almost dead person who might need some help. Naisip niyang baka isa iyon sa mga mangingisdang nagkaroon ng aksidente sa gitna ng karagatan. At dahil siya ang nakakita ay responsibilidad niyang tulungan ang taong iyon, lalo at nasa bahagi ito ng beach na pag-aari na ng pamilya niya. Nang marating niya ang baybayin ay saka niya napagtantong hindi mangingisda ang naroon, but a woman wearing a bridal gown. Nakadapa ito at nanginginig sa lamig. He saved her and brought her to his place. His female assistant nursed her, and when she woke up the next morning, she claimed to have no memory of the night before. Naisip niya na maaaring nagka-trauma ito kaya nalimot ang nangyari, pero anong gulat niya nang magkaharap sila sa unang pagkakataon ay bigla siya nitong pinagmumumura at binato ng kung anu-anong madampot nito. Odd, but she knows him, and she is furious at him. Bakit daw hindi siya sumipot sa kasal nila? Like, what the f*ck?
1010.6K viewsCompletedAdded to Library 212 Times as sirens series
Read
+Library
Her Indecent Love

Her Indecent Love

KheiceeBlueWrites
Lovely Girl Series 1: Her Indecent Love Isang modelo si Patrisha Cruz na siyang lumipad patungo sa ibang bansa, upang tahimik na iluwal at mag-isang palakihin doon ang kanyang anak. Utos iyon ng kanyang mga magulang upang hindi na mapag-usapan pa ang nangyaring disgrasya sa kanya, sapagkat nabuntis siya ng hindi naman niya nobyo. Pagkalipas ng limang taon ay pinauwi na siya ng kanyang mga magulang upang tahimik na manirahan sa isang probinsya kasama si Don Carlo, ang kanyang lolo. Mula doon ay makikilala niya ang driver slash bodyguard ng kanyang lolo na si Archer Sebastian Tuazon, na kanyang pagkakainteresan. Halos lahat kasi ng lalaki sa lugar na iyon ay sinasamba ang kagandahan niya, maliban lamang kay Archer na kahit tingnan siya ay hindi nito ginagawa. Maganda naman siya at maganda din ang katawan niya kahit pa may anak na siya, siguradong-sigurado siya doon sapagkat lahat ng lalaking nagdaan sa buhay niya ay iyon lang naman ang gusto sa kanya. Kaya nga matagal na siyang hindi naniniwala sa tunay na pag-ibig. Dahil para sa kanya ay pare-pareho lamang ang lahat ng lalaki. Ngunit tila kakaiba si Archer sa mga lalaking nakilala niya. At dahil doon ay gagawin niya ang lahat upang makuha ang atensyon ng tahimik at supladong binata na si Archer Sebastian. Magtagumpay naman kaya siya? Paano kung sa bawat pang-aakit na gawin niya ay mas lalo lamang mahulog nang tuluyan ang loob niya sa binata? Paano kung hindi niya namamalayan na unti-unti na palang nagmamahal ng totoo ang puso niya? Mapapaibig niya nga kaya ang lalaking nagturo sa puso niyang magmahal muli?
101.7K viewsOngoingAdded to Library 56 Times as sirens series
Read
+Library
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

Territorial Mafia Men Series #1: DEMETRI SYLVESTRE (SSPG) Si Demetri Sylvestre ay isang makapangyarihan at walang-awang Mafia Boss. Sanay siyang palaging nakakakuha ng gusto niya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Snow Hidalgo, isang maganda at mabait na aktres na nakatakdang ikasal sa half-brother niyang si Marcus. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mas madilim pala silang koneksyon sa nakaraan. Isang lihim na matagal nang ibinaon sa limot at siyang ugat ng trauma ni Snow. Nang matuklasan ni Demetri na si Snow ay kasintahan ni Marcus, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at talino sa manipulasyon upang sirain ang relasyon ng dalawa. Sa gitna ng sakit at kalituhan, nauwi sa kasalan si Snow at Demetri. Naging mag-asawa nga sila, ngunit nananatiling hindi niya hawak ang puso ni Snow dahil ito’y naiwan pa rin sa nakaraan. Habang lumalalim ang kasinungalingan, galit, at pagnanasa, mas tumitindi ang labanan hindi lang para sa pag-ibig ni Snow kundi para sa kontrol sa kanyang buhay. Hanggang sa isang panahong puno ng pagkawala at muling pagbabalik, kinailangan niyang pumili; hindi lang sa pagitan ng dalawang lalaki, kundi sa kapayapaan ng kanyang puso. Tatlong taon ang lumipas. Muling bumangon si Snow. Umangat ang kanyang karera, at sa wakas, natuklasan niya kung sino talaga ang tunay na mahal niya. At gaya ng isang dasal na sinagot ng tadhana, bumalik ang lalaking pinili ng kanyang puso… pero hindi siya nag-iisa. Sa muling pagkikita, kinailangan ni Snow harapin ang nakaraan at ang kasalukuyan. Sa huli, pinili niya ang pagmamahal, hindi bilang isang tanikala, kundi bilang isang desisyong malaya at totoo.
1027.5K viewsOngoingAdded to Library 770 Times as sirens series
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status