Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.533.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Betrayed Wife's Revenge

The Betrayed Wife's Revenge

Sa loob ng dalawang taon ng kanilang pagsasama, natuklasan ni Aliyah na ang kanyang pinakaiingatang sertipiko ng kasal ay isang huwad. Sa kanyang pagtatangkang komprontahin ang asawang si Frederick, hindi niya sinasadyang marinig ang katotohanan—ang lalaking nagpakita ng walang kapantay na pagmamahal sa kanya sa loob ng anim na taon ay matagal na palang kasal sa kanyang guro, na mas matanda pa sa kanya. Hindi lamang siya ginamit bilang isang panakip-butas, kundi pinaratangan pa siyang baog at pinilit na mag-ampon ng anak na dalawa. Sa matinding pagkadismaya, tinawagan ni Aliyah ang abogadong nangangalaga sa kanyang mana at buong diin na sinabi: "Walang asawa, walang anak, ako ang tanging tagapagmana." Iniwan ni Aliyah ang pamilyang Finch, habang si Frederick ay kampanteng naghihintay sa kanyang pagbabalik, umaasang magmamakaawa siya para sa tulong. Ngunit isang araw, nasaksihan ni Frederick ang hindi inaasahang paglitaw ni Aliyah sa pambansang telebisyon, kung saan ipinahayag ang kanyang pagpapakasal sa isang lalaking may angking yaman at kapangyarihan. Sa gitna ng atensyon, nakatayo si Aliyah sa tabi ng lalaking ito, tinatanggap ang mga pagbati at inggit ng nakakarami.
Romance
145 viewsOngoing
Read
Add to library
Entangled with Mr. Ruthless

Entangled with Mr. Ruthless

Matapos makipaghiwalay sa kanya ng long-time boyfriend niya, nasangkot sa aksidente si Dr. Sylvaine Hope dahilan upang mabawasan ang chance niyang magbuntis. Tanggap na niya ang katotohanang tatanda siyang mag-isa. Hanggang isang araw, pumasok sa kanyang klinika ang isang lalaking may maitim na aura at mas galit pa yata sa mundo. Tinutukan siya nito ng baril sa ulo at hiniling na ipagbuntis niya ang tagapagmana nito. Alam niyang ang kahilingan nito ay isang bagay na hindi niya kayang ibigay. Ngunit paano siya makaliligtas sa isang lalaking kaya siyang barilin sa isang kisap-mata? Ngunit mapaglaro ang tadhana, sa takot na patayin siya nito, natagpuan niya ang sariling tumatakbo palayo rito bitbit ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kanyang pagbabalik, kakayanin ba niyang labanan ang isang lalaking tulad ni Gray Hugo Whitlock, o magpapatangay siya sa kabila ng kasamaan nito?
Romance
1041.4K viewsCompleted
Read
Add to library
King's Prostitute

King's Prostitute

Levantandose
Walang pinoproblema sa buhay si Gace. Lakwatsa at pagwaldas lang ng pera ang pinagkakaabalahan niya sa buhay. Tarantada kung tawagin siya ng iba dahil sa kagaspangan ng kanyang pag-uugali. Hanggang sa malaman niya ang masamang balita na wawasak sa kalayaan niya. Ang kumpanya nila ay nasa kritikal na kondisyon. Ang tanging solusyon lang para muli itong makaahon ay maikasal siya at ang tanging taong handang magpakasal sa kanya ay walang iba kundi si King Velasquez. Kilala ito bilang Mr. Beastly hindi lang dahil halimaw ito pagdating sa business industry kundi dahil ang kalahati ng mukha nito ay natatakpan ng gintong maskara. Pumayag siyang maikasal dito kahit hindi pa niya ito nakikita alang-ala sa kumpanya. Akala niya talaga bukal sa loob nito ang pagtulong sa kanila. Sino ba talaga si King Velazquez? Ano ang nakatagong lihim sa likod ng pagkatao nito?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Muling Pagsusulat ng Iskandalo

Muling Pagsusulat ng Iskandalo

May nag-post ng pagtatapat ng pag-ibig para sa akin sa confession wall ng college. Pero nag-iwan ang nobyo ng kahati ko sa kwarto ng komentong nakipagtalik na ako sa bawat lalaki sa campus. Galit na galit ako at handa nang tumawag ng pulis. Nagmakaawa ang kahati ko sa kwarto na patawarin ang nobyo niya, nangangakong uutusan niya itong manghingi ng paumanhin sa confession wall. Pero bago dumating ang paumanhin na iyon, isang sensitibong video ang nagsimulang magkalat sa mga group chat. Sinasabi ng lahat na ako ang babae sa video. Ipinatawag ako ng college para sa makipag-usap at iminungkahi kong kumuha ako ng leave of absence. Pag-uwi ko, tumanggi ang mga magulang ko na kilalanin ako bilang kanilang anak. Nawala sa akin ang lahat. Kinain ako ng depresyon, at kasama ng walang katapusang tsismis, nawalan na ako ng pag-asa at winakasan ang buhay ko. Pagkamulat ko ulit ng mga mata ko, iyon ulit ang araw na unang lumitaw ang pangalan ko sa confession wall.
Short Story · Campus
669 viewsCompleted
Read
Add to library
MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER

MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER

Nagulo ang tahimik na trabaho ng 22-year-old CEO secretary na si Avajell Marasigan nang pinalit ng Boss niya bilang CEO ang 36-year-old na panganay nitong anak na si Tristan Hayes Wilson. Daig pa ni Tristan ang babaeng laging dinadatnan ng monthly period sa pagsusungit nito kay Ava. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari na naisuko ni Ava ang vir gi*nity sa amo dahilan para mauwi sila sa kasalang pinilit ng Daddy ni Tristan. Hindi naman maitanggi ni Avajell na nahuhulog ang puso niya kay Tristan sa kabila ng malaking agwat nila sa edad at estado. Akala niya ay magiging masaya siya sa piling ng asawa, lalo na at naging sweet ang treatment nito sa kanya. Pero hindi man lang tumagal ang pagsasama nila bilang mag-asawa dahil sa isang pangyayari. Paano kung sa paglipas ng taon ay maging Boss muli ni Avajell si Tristan sa bagong trabahong pinasukan niya? Pipiliin ba ni Ava na umalis sa trabahong kinakailangan niya. O magtiis sa ex-husband niya na walang gustong gawin kundi ang pahirapan siya?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Crazy Rich Ninong

My Crazy Rich Ninong

Akala ni Alexia simple lang ang buhay niya chismosa sa umaga, barista sa hapon, at certified marites sa gabi. Pero isang araw, sa kalagitnaan ng kanyang “tampo moment” sa Jollibee, biglang nagpakita ang isang lalaking naka-three-piece suit, may hawak na kontrata… at may sinasabing siya raw ang legal na tagapag-alaga niya? Siya si Julian Alarcon. Billionaryo. CEO. Cold-hearted. At oo ang Ninong niyang matagal nang nawawala sa eksena. Pero teka, bakit parang hindi pang-Ninong ang mga titig niya? Bakit parang may sariling buhay ang mga kilig sa katawan ni Alexia? At bakit siya sinusundo ng limousine papunta sa isang mansyon kung saan ayaw siya pakawalan ng gwapong “Ninong” na ito? Ang problema? Makulit si Alexia, madaldal, at walang preno sa bunganga. Pero si Julian… sanay sa katahimikan, respeto, at walang ka-cheapan sa paligid. So anong mangyayari kapag ang isang pabibo at makulit na babae ay pinilit tumira sa mundo ng sosyal, tahimik, at super serious? Isa lang ang malinaw si Alexia ang babaeng kayang pasabugin ang mundo ng isang lalaking sanay sa kontrol. At si Julian? Baka siya pa ang unang mapusasan ng kilig.
Romance
107.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
Short Story · Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
One Night Stand

One Night Stand

Sa pag kabigo ni Chloe sa dati nitong nobyo, naisipan niyang pumunta sa Club para maka-limot sa pait ng kanyang puso. Naka-bunggo niya ang estrangherong lalaki na hininggan niya ng halik at ang halik na iyon nauwi sa mainit na pag tatalik. 2 days past, nag cross muli ang kanilang landas sa Campus,
Romance
5.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status