Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Forgotten Seed

The Billionaire's Forgotten Seed

"He lost the memory of that fateful night to the shadows. Little does he know, that forgotten encounter left behind a heartbeat he never expected to hear." Isang gabi lang ang kailangan para magbago ang mundo ng pianist na si Aria Santos. Isang gabi sa piling ng mailap at makapangyarihang bilyonaryo na si Xavier Knight. Pero bago pa masundan ang kanilang mainit na pinagsamahan, isang malagim na aksidente ang bumura sa lahat—pati na sa pangalan ni Aria sa alaala ni Xavier. Limang taon ang lumipas. Si Aria ay hindi na ang mahinang babaeng basta na lamang tinalikuran. Siya ay naging isang matatag na single mother at isang hinahangaang pianist. Pinalaki niya ang kanyang anak na si Axel nang mag-isa, bitbit ang dignidad at ang pangakong hinding-hindi na muling aasa sa lalaking nakalimot sa kanila. Ngunit sa isang marangyang anniversary event ng Knight Industries, muling magtatagpo ang kanilang mga landas. Habang ang bawat nota ng piano ni Aria ay bumibihag sa puso ng mga panauhin, isang aksidenteng pagkabangga sa hallway ang magaganap sa pagitan ng bilyonaryo at ng isang limang taong gulang na batang lalaki. Sa isang sulyap, napatigil ang mundo ni Xavier. Ang batang nasa harap niya ay hindi lang basta estranghero—ito ay ang kanyang "carbon copy." Mapapanatili ba ni Aria ang kanyang pader ng pagtanggi, o sadyang ang dugo na ang maghahanap sa sarili nitong pinagmulan? Sa mundong puno ng sikreto at kapangyarihan, hanggang saan kayang protektahan ng isang ina ang kanyang anak mula sa lalaking kinalimutan sila, ngunit ngayon ay pilit na bumabalik para angkinin ang lahat?
Romance
196 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12

Read Unscramble Carbon Novels & Stories Online

Here are 11 novels related to unscramble carbon for you to read online. Generally, unscramble carbon or similar novel stories can be found in various book genres such as Romance. Start your reading from The Billionaire's Forgotten Seed at GoodNovel!
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status