Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Dala ng matinding kahirapan, inutusan si Minggay ni Mama Linda na nakawin ang korona ng Mahal Na Birhen ng Villapureza upang may pambili sila ng makakain. Subalit, sa kalagitnaan ng tangkang pagnanakaw, nahuli siya ni Father Tonyo na siyang namamahala ng simbahan kung saan nakalagak ang istatwa ng Mahal Na Birhen at ang korona nito. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sa halip na ipakulong, inalok pa ng pari na tumira si Minggay sa kanila. Pumayag naman si Minggay dahil sawa na siya sa hirap. Pagod na siyang maging palaging gutom. Ngunit ang hindi niya alam, ito pala ay may malagim na kapalit.
Mystery/Thriller
104.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Hot Star Daw Ang Tatay Ko

Hot Star Daw Ang Tatay Ko

Maria Everest Tolentino, a gold-medalist athlete. She's known for her skating skill. She's planning to join another international competition but everything got ruined in just one night. She was so mad at the man her father wanted her to marry. She knows that the guy wanted her virginity. As a rebel child, she's willing to share that 'trophy' with an escort para lang hindi mapunta sa lalaki. Hindi niya lang inaasahan na ibang kwarto ang napasukan niya. Ang malala pa'y kwarto ng kilalang artista.  What will happen when that mistake happened with the wrong person and in the wrong place? Naging almusal ng balita. Naging laman ng bawat diyaryo sa umaga. Ang malala pa'y nagbunga ang isang gabing pagsasama!
Romance
1011.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Ang Mapang-akit na Bilyonaryong Tagapagmana

Ang Mapang-akit na Bilyonaryong Tagapagmana

DarkShadowHunter
Si Adrian Lewis ay napangasawa ang isa sa mga anak ng mayamang pamilya ng mga Ortiz. Subalit ang kaniyang buhay sa kamay ng mga manugang ay hindi maganda. Siya ay pinahirapan, inalipin dahil sa kaniyang estado sa buhay. Ngunit ang lahat ay may sukdulan sapagkat ang kaniyang pinakaiingatan na lihim ay pumutok. Nalaman ng lahat na siya ay isang tagapagmanang apo ng bilyonaryong si Don Albert Lewis at sa pagputok ng katotohanan, ginamit ito ni Adrian para paluhurin ang mga taong nag-alipusta sa kaniya kasama na ang kaniyang mga biyenan.
Romance
3.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Mama, Tingnan Niyo Ang Puso Ko

Mama, Tingnan Niyo Ang Puso Ko

Dahil lang kumain ako ng isa pang extra na paa ng manok kaysa sa kapatid kong lalaki, pinalayas ako ng tatay ko mula sa bahay sa gitna ng isang snowstorm. Noong tumagal, ang tatay ko na isang archeologist ay nahukay ang aking katawan. Dahil sa nawawalang ulo ko, hindi niya ako nakilala. Kahit na noong nakita niya ang katawan ay may parehong mga peklat na meron ako, wala siyang pakialam. Pagkatapos, ang nanay ko ay kinuha ang aking puso at pinakita ito sa kanyang mga estudyante. “Ngayong araw, pag aralan natin ang puso ng isang taong may congenital heart disease.” Minsan niyang sinabi na makikilala niya ako kahit na anuman ang itsura ko. Mama, ngayon at ang tanging natitira sa akin ay ang puso ko, nakikilala niyo pa rin ba ako?
Baca
Tambahkan
Kadate Ko Online Ang Boss Ko

Kadate Ko Online Ang Boss Ko

Online boyfriend ko ang boss ko. Pero hindi niya alam iyon. Patuloy niyang hinihiling na makipagkita ng personal. Gee. Kung magkita kami, maaari akong maging palamuti sa pader sa sumunod na araw. Kung kaya, mabilis akong nagdesisyon na makipag break sa kanya. Nalungkot siya at ang buong kumpanya ay nagtrabaho ng overtime. Hmm, paano ko sasabihin ito? Para sa kapakanan ng mental at pisikal na kalusugan ko, siguro ang pakikipagbalikan sa kanya ay hindi ganoon kasamang ideya.
Cerita Pendek · Romance
3.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig

Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig

Pagkatapos ng tatlong taon naming pagdadate ni Nathan Foster, inakala kong alam ko na kung saan kami tutungo. Pero hindi siya kailanman nagpropose sa akin. At sa halip ay nagawa pa niyang malove at first sight sa aking stepsister. Naging direkta at walang tigil ang ginawa niyang panliligaw dito na hindi nagiwan ng pagdadalawang isip sa aking isipan. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nagbreakdown o naghintay pa sa mga mangyayari habang umaasa na babalik pa siya gaya noon. Napagdesisyunan ko nang makipaghiwalay. Itinapon ko ang lahat ng regalo niya sa akin, pinagpunit punit ko rin ang wedding dress na lihim kong binili at noong kaniyang kaarawan, iniwan ko sa aking nakaraan ang Riverdale. Nang sasakay na ako sa aking flight, nagmessage si Nathan sa akin: “Nasaan ka na? Hinihintay ka ng lahat.” Ngumiti ako, pero na ako nagreply sa kaniya habang binoblock ko siya sa bawat platform. Wala siyang ideya na dalawang linggo na ang nakalilipas mula noong tanggapin ko ang proposal ng aking college senior na si Eustace Cooper. Nang lumapag ang eroplano sa bagong siyudad na aking titirhan, nakahanda na kami ni Eustace na simulan ang bagong yugto ng aming mga buhay nang magkasama—bilang magasawa.
Cerita Pendek · Romance
1.4K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO

Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO

Si Viania Harper ay may lihim na relasyon sa isang CEO kung saan siya nagtatrabaho. Noong una, tinanggap niya ang gusto ni Sean Reviano na siyang CEO ng kompaniyang pinagtatrabahuan niya ngunit lahat ay nagbago nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan na naging sanhi ng pagkasira ng kanilang relasyon. Si Sean ay isang CEO ng Luna Star Hotel, isa s’ya sa pinakasikat na bilyonaryo hindi lamang sa Amerika kung ‘di sa Europa at Asya. Sa bawat pakikipagrelasyon niya ay laging may tatlong alituntunin. No commitment. No pregnancy. No wedding. Subalit nang dumating si Viania sa kan’yang buhay ay nagbago ang lahat.
Romance
1038.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Kinansela ang Kasal Para Sa’king Paghihiganti

Kinansela ang Kasal Para Sa’king Paghihiganti

Nakatanggap ako ng tawag isang araw bago ang aking kasal. "Miss McPherson, may sumira sa venue mo." Nagmamadali akong pumunta sa hotel nang may pagkalito at nakasalubong ko lang ang isang babaeng winwagayway ang wedding photo ko "You homewrecking skank! Inakit mo ang asawa ko at ginastos mo ang pera niya sa kasal na ito!" Naniwala ang karamihan sa kanya at nagkagulo. Pati ang manager ng hotel ay galit sa akin. "Alam ko nang may mali dito dahil hindi nagpakita ang groom! Hindi ka niya tunay na asawa!" Ang mga tao ay marahas na nagkagulo. Sa kaguluhang iyon, nakunan ako. Sa kasagsagan ng aking galit, tinext ko ang secretary ko: [Kanselahin ang kasal, at sipain si Matteo Brando sa aking kumpanya!] Ang kapal ng mukha niya na itago ang kabit niya gamit ang kayamanan ko! How dare she challenge me! Sisirain ko sila!
Cerita Pendek · Romance
1.0K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sorry, pero Hindi Ikaw Ang Groom Ko

Sorry, pero Hindi Ikaw Ang Groom Ko

Isang video ng boyfriend ko na nagpo-propose sa kanyang secretary ang nag-trending. Lahat ay kilig na kilig at sinasabing napaka-romantic at nakakaantig ang eksena. Nag-post pa mismo ang secretary niya sa social media: "Matagal kitang hinintay, at buti na lang hindi ako sumuko. Ipagkakatiwala ko ang buhay ko sayo, Mr. Emerson." Isa sa mga komento ang nagsabi: "Diyos ko, sobrang sweet nito! CEO at secretary—bagay na bagay sila!" Hindi ako umiyak o nag-eskandalo. Sa halip, tahimik kong isinara ang webpage at hinarap ang nobyo ko para humingi ng paliwanag. Doon ko siya narinig na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. "Wala akong choice. Mapipilitan siyang pakasalan ang isang taong hindi niya mahal kung hindi ko siya tinulungan." "Eh si Vicky? Siya ang totoong girlfriend mo. Hindi ka ba natatakot na magalit siya?" "Eh ano naman kung magalit siya? Pitong taon na kaming magkasama—hindi niya ako kayang iwan." Sa huli, ikinasal ako sa parehong araw ng kasal nila. Nang magkasalubong ang aming mga sasakyan, nagpalitan kami ng bouquet ng kanyang secretary. Nang makita niya ako, labis siyang nasaktan at humagulgol.
Cerita Pendek · Romance
2.6K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Ang Madaldal na Sekretarya ni Mr. Sandrex

Ang Madaldal na Sekretarya ni Mr. Sandrex

BIBIBHEYANG
Unang araw sa trabaho ni Jean at hindi niya inaasahan na ang nakaaway pala niya sa shop ng kaniyang kaibigan ay ang magiging boss pala niya. “Good morning Ms. Jean Salazar! Remember me?” Sarkastikong sabi nito. At ako naman ay halos manigas sa kinatatayuan ko! At parang gusto ko na lang bumuka ang lupa at lumubog dito! Di ako makapag salita dahil parang walang lumabas na boses sa lalamunan ko, pinagpapawisan ako kahit ang lamig naman sa loob! Napakurap naman ako at tumikhim bago nagsalita. “Huh? Ah ehem,  g-good m-morning sir! I'm Jean Salazar sir! Nice to meet y-you!” "You can sit down Ms. Salazar baka sabihin mo wala akong manners?” sir Sandrex. “Po? si-sige po sir, t-thank you!” utal-utal kong sagot. “So Ms. Salazar, alam kong nagulat ka sa nalaman mo! Right? Na ang gago palang nakabungguan mo kahapon ay ang magiging boss mo ngayon!” sir Sandrex “S-sir! I...” “Ssshhh, Ms. Salazar don't worry I don't mix personal matters in my business!” sir Sandrex. 'Lord! Please gawin mo na kong invisible ngayon!' Binubulong ko to sa sarili ko habang nakatingin ako sa supladong lalaki na to! Aba, Malay ko bang siya pala ang magiging boss ko! Tadhana nga naman oo! Hinawakan nito ang magkabilang armrest ng upuan at inilapit ang muka sa akin! Na halos na aamoy ko na ang mabango nitong hininga at ang pabango nito na alam kong mamahalin! Ang lapit ng muka niya na halos ilang dangkal na lang ay lalapat na ang matangos niyang ilong sa ilong ko! Lord! Please ibuka mo na talaga ang lupa! Now na! “Afraid of what I'm going to do Ms. Salazar? Look straight into my eyes! And tell me what you said yesterday!” Sir Sandrex with his husky voice.
Romance
1.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1011121314
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status