BINIGYAN si Yeonna ng puwesto na nasa may tagiliran lamang ng working table ni Khal.
Wala siyang ibang ginawa sa ikalawang araw niya kundi maupo, tumunganga at bumuntot sa amo. And thinking another 98 days with that kind of routine will be like a t○rture to her.
Mas gusto niya ang aksiyon. When she's in the field, she is lively and excited. Lalo na tuwing may nahuhuli siyang kriminal.
"Let's go."
Hindi pa umiinit sa upuan si Yeonna nang magyaya na naman si Khal na aalis na tila nagmamadali ulit tulad nang ilang ulit na nangyari kanina na animo'y pupunta sila lagi sa karera. Pero hindi iyon ang uri ng aksiyon na gusto niya. Paa niya lang ang napapagod. Kahit nga yata utak niya ay hindi nagana sa ganoong trabaho.
"Are you tired?"
Napahinto sa paghakbang si Yeonna at napatingin kay Khal.
"I heard you sighed."
Napatikhim si Yeonna. Napalakas pala ang pagbuntong-hininga niya.
"Want to cut our contract?"
"No, sir."
"Pero mukhang pagod ka na?"
"Kayang-kaya ko pa, sir." Pinasigla niya ang tin